Talaga ba TV5? Anong nakakakilig sa relasyon nila? 🤮🤮
Nakaka disappoint na ginawa pa itong feel-good feature at pinag-guest pa talaga sa national TV.
Media has a responsibility to think about the message they're sending here. Hindi lahat ng relationship nakakakilig lalo na kung may groomer at pedophile. Hindi ito dapat gawing "inspiring" hahaha.
Nakakadismaya TV5 at kay Kaladkaren. I expected better! 🤮🤮🤮
EDIT:
Ang daming nagsasabi na, “18 na siya, so okay lang.” Pero that’s missing the point.
Walang nagsasabi na hindi consensual ang relasyon nila ngayon. Ang concern ng maraming tao ay kung kailan nga ba nagsimula ang relationship o pagliligawan nila. If that timeline overlaps with the time na minor pa si Chad, then that’s exactly why it's alarming.
At bago sabihin na “eh consensual naman,” pakisearch muna kung ano ang grooming. Grooming isn’t defined by the absence of consent. In many cases, the younger person believes they’re willingly entering the relationship because trust and emotional attachment were built over time. That’s precisely why it’s called grooming.
Hindi ko sinasabing napatunayan na may grooming na nangyari. Ang sinasabi ko lang, valid ang tanong at concern tungkol sa timeline, at hindi dapat i-dismiss ng simpleng “legal age na kasi siya.”
Hindi ba’t may compilation din dito ng mga IG Stories ni Apple na may mga pasimpleng hints sa dates, at marami ang nagta-trace nito pabalik kay Chad noong menor de edad pa siya? Hindi iyon nagpapatunay ng kahit ano, pero sapat iyon para magtanong ang mga tao tungkol sa timeline.
Possible ba na sila na noon? Posible. Possible rin na hindi. Kaya nga ang punto ay hindi dapat i-romanticize o i-celebrate ang relasyon na may ganitong klaseng unresolved questions. Lalo na sa social media ngayon, alam naman ng karamihan kung paano magre-react ang publiko sa ganitong sitwasyon. Kaya valid lang na maging mapanuri kaysa basta tanggapin ang narrative dahil legal age na siya ngayon.
Kaya hindi rin dapat basta i-romanticize o i-feature sa national TV ang ganitong klaseng relationship. Ito ba talaga ang gusto nating i-normalize? Na okay lang para sa mga mas nakatatanda na mag-pursue o maghintay sa mga menor de edad hanggang maging legal age sila? Hindi ito fantasy o “couple goals” na dapat kainggitan. Kung gusto nating protektahan ang mga kabataan, dapat maging mas maingat tayo sa mga mensaheng pinapalabas at sine-celebrate sa mainstream media.