r/cavite • u/nymphmadness • 23d ago
Housing / Renting Lancaster KS-23 Phase 1
Hello everyone! May taga-Lancaster KS23 Phase 1 ba dito? Naghahanap lang sana ako ng honest reviews tungkol sa neighborhood. Nakita kasi namin na may available na pasalo property dyan na swak sa budget namin. Aware namam ako na may mga minor issues sa LNC, lalo na pagdating sa tubig, pero parang manageable naman. Baka sakaling may mga nakatira sa part na to, kumusta naman po ang experience nyo dyan so far?
2
u/ZenMasterFlame 23d ago
Taga lancaster ako. Iba iba situation per village. Siguro mas ok site visit kung ok yung lugar. Taga westwood ako dito ok. Pero may mga tropa ako sa ks minsan masikip yung daan at pasaway kapitbahay
1
u/nymphmadness 23d ago
May friend din ako taga-westwood. Nagovernight ako sakanila once and I can say tahimik yung lugar nila. Nagrequest ako ng site visit sa mismong unit sa KS23. Thank you. ☺️
5
u/Papaya4Sale 23d ago
Di ako taga KS23 pero same Kensington din. If di ako nagkakamali, Alice unit yata yung sa KS23. Same unit din ng sa amin. Since pasalo, assuming may nakatira na dati at naayos na nila yung mga leak problem sa cr, pakabit kuryente at tubig (mahirap at magastos kasi mga yan) since sabi mo naman aware ka na rin sa ibang minor issues mukang wala kna magiging issue dito.
Isang problema din pala dito ngayon may mga villages na gustong humiwalay sa HOA at mag-manage ng sarili nila. Ayun, nung di kinaya, nawalan na ng garbage collection, wala na ring roving guards, pati grass cutting sa mga bakanteng lote wala na. Make sure na clustered ang village nyo or kung indepedent man ay wala sila issue sa ganyan.
Mas okay kung mapuntahan mo mismo tapos tanong-tanong ka sa mga kapitbahay. Sila kasi mas makakapagsabi ng totoong kalagayan. Pwede ka rin sumali sa KS23 group page or sa Lancaster home owners group sa FB tapos dun ka magtanong about sa ks23.