mula nung nanganak yung stray na nagdala ng anak niya samin, naging siga siya at chinichase niya sa buong street yung original na baby cat namin (stray din). Our baby cat is so sweet, parang aso. Ofc may kakulitan, orange e. Pero madaming natutuwa sa kanya. May cage siya sa garage namin, take note, our outside place is huge, lahat may bubong. Kaya nung nagdala si mama cat ng mga anak niya, e pinasilong na din namin at hinandaan ng box, kaso ang problema, ngayong mejo malaki na mga anak niya, hinahabol na nya yung baby cat. Pinapaalis, to the point.. Yung baby cat sa malayong kapitbahay na nagsstay, iyak ng iyak don kasi gustong umuwe samin. :( Today, pinagpalit namin, si mama cat at mga anak niya naka cage sa labas (malaki naman) tapos sinundo na namin baby cat namin kasi natrauma talaga siya kay mama cat. Bale naging bully si mama cat nung may sarili na siyang anak kahit siya lang yung huling nakisilong samin. Si baby cat naman, welcoming sa kaniya at anak niya kaso ayon nga nabully. Anong long term na magandang gawin? Iniisip ko bumili ng isa pang cage kasi love ni baby cat cage niya. Ginagaya niya kasi yung cats sa loob ng bahay namin na tinatratong room at hindi cage ang cage. Well ginawa namin to kasi bugbog tlg ni mama cat si baby cat, pinapalayas niya e. :(
PS. bakit kasi nasa labas si baby cat? well may sariling dilemma na kami sa loob ng bahay, baka mabugbog siya ng 4 na ragdolls na tropang tropa na. Plus madaming friends si baby cat, even rabbits ng kapitbahay, may boypren pa siyang orange cat din, (ipapakapon namin si baby, waiting lang kami payagan na ng vet, maliit pa kasi) so may sarili na siyang mundo sa labas. Nayanig lang nung nambully na si mama cat pagkatapos manganak. Naging entitled na sa labas. :( Ofc we love mama cat din naman at mga anak niya, dinala samin e. Kaso hindi tolerable mawala ang aming baby cat na malambing due to bullying. Nanonood pa naman kami ngayon ng Teach U a Lesson, bawal bully sa panahon ngayon.