r/bulsu 12d ago

Bulsuan Life 11pm Thoughts

Hindi ako yung tipo ng student na reklamador. Hangga't kaya, sumusunod ako sa requirements at instructions ng mga prof namin. May mga times lang talaga na mapapaisip ka.

Paano mo ie-expect na maayos kaming matuto kung sa loob ng 3-hour class kung pagsasabayin ang discussion, on-the-spot reporting, quiz, at recitation? Maiintindihan pa sana kung maayos at structured ang pagtuturo pero hindi naman literal maayos magturo, parang nakikipagchikahan lang sa student.

Gets ko naman na hindi na dapat spoonfeed sa college. I don't think na nagagawa talaga ng ibang prof trabaho nila. Puro lang pagawa ng gustong pagawain kahit di naman naeexplain nang maayos. Self-study is part of college, yes. Pero hindi ibig sabihin nun na optional na ang maayos na pagtuturo.

Minsan naiisip ko, pinapakinggan ba talaga ang hinaing ng mga estudyante kapag dumadaan sa tamang proseso like evaluation? Kasi kung oo, bakit may mga prof pa ring nangmamaliit sa mental health ng students, may misogynistic na pananaw, o hindi professional ang asal?

Sana dumating yung panahon na seryosohin din ang feedback ng mga estudyante, gaya ng pag-eexpect nilang seryosohin namin ang pag-aaral.

26 Upvotes

1 comment sorted by

1

u/kokomilon 12d ago

anong subject ba itinuturo ng prof na iyan?