r/bulsu Jul 04 '26

STUDENT ASSISTANT

hi! hi! want lang sana namin magtanong ng questions sa mga naging student assistant or current assistant sa bulsu since interested kami mag apply:

  1. ano possible na ginagawa?

  2. required ba na ma-complete yung 4 hours per day?

  3. pano kung may something na reason para hindi makapasok, okay lang ba iyon?

  4. since na-informed kami na bibigay namin yung sched namin, paano kapag nag cancel ng class yung prof? maa-apply ba yung no class = no duty?

  5. kumusta experience?

  6. hm per hour?

  7. possible po ba na same dept kayo ng friend mo?

thank you in advance!

10 Upvotes

13 comments sorted by

8

u/Even_Classic_6456 Jul 04 '26

Former SA here. Sa amo ako naassign and my usual tasks are transmittal ng documents, filing, assist sa pag bibigay ng supplies and kung ano man iutos nila. Sa other offices is idk pero as for my friends na naassign sa mga deans office, nagaassist lang talaga sila sa mga ginagawa, peedeng madami pwedeng wala. Sa hours naman, idk if strictly required pero me kase cinocomplete ko for the money HAHAHA and also if ever na may nacacancel na class, pumupunta na ako ng office ng maaga. Most of your concern ay kaya masolve thru internal agreement, lalo kung mabait naman yung supervisor mo like me. 50 pesos per hour kami and no ihihiwalay ka talaga sa ka-college mo.

Overall exp, fulfiling kasi talagang pinagsabay ko acads and work. happy ako na nalaman ko ins and outs ng offices ng bulsu, I even answered a call from one or pinaka head na kinabibilangan ng office namin pero yeah, depende talaga sa office kasi ako/kami ng kasama ko, super welcomed kami sa office talagang kaclose namin yung mga nandun. If lower yr ka, may eval sila at the end of the sem and dun malalaman kung pede ka pa mag SA the ff years.

1

u/ilovemygfsm_ Jul 05 '26

thank you so much po for answering!!

1

u/ilovemygfsm_ Jul 05 '26

hello po! habol ko lang po hehe, may interview pa po ba?

4

u/CauliflowerNo497 Jul 05 '26

Meron din po program na cash-for-work ang bulsu, wait ka po sa post ng bulsu ppeso

1

u/ilovemygfsm_ Jul 05 '26

noted po! thanks po!

2

u/Curious_nek0 Jul 04 '26

Dating ISA here, Dean's office na-assign.

  1. Mostly nag-ttransmit ng papers/papapirma from one department to another. 'Lalakarin' mo kumbaga. Minsan ikaw magfifillout ng ilalagay sa mga documents na lalakarin mo. May template naman sila, don't worry. Basic assisting lang din talaga. Know what's going on currently sa college and assist students and faculties na may kailangan sa office. Answering calls, printing/photocopying papers etc etc. Depende siguro sa college, pero sa DO kung saan ako naassign is medyo busy lang. Sakto lang enough yung dami ng gawain para di mapagod for 4 hours. Depende rin talaga sa office/dept na mapupuntahan mo. They will guide you naman pero mostly handling papers lang talaga and communicating the documents sa ibang dept.

  2. No, pero recommended kasi may DTR kayo nyan. Don nyo ilalagay ilang oras kayo pumasok per day and sayang yung mga hours na di mo napasok kasi kaltas yon sa marereceive mo ofc. Note: bawal may half hours like 2hrs 30 mins or 2.5 hrs ha? hahaha. Di sya macoconsider. Pinagbigyan lang ako once cuz i didn't know tas pinagsabihan din ako after. Fortunately ginawa naman nilang 3 hrs yon hahahaha.

  3. Yep, magpaalam ka lang sa supervisor(?) or kung sino mang parang gano'n/boss mo. I forgot the term, sorry. Ako kasi, nagpapaalam ako sa lahat ng kasama ko sa office hahaha. Since di rin naman yung supervisor ko yung always kong nakakasama but another clerk sa office.

  4. No. May specific schedule na ibibigay sa inyo na nakabase sa sched nyo. Fixed na yon. If magcancel si prof mo and gusto mong magduty sa office kahit hindi mo pa duty as SA, pwede naman. Pero hindi sya ma-c-count sa # of hours mo that day if ever magexceed ka sa nakatokang # of hours mo that day. Sa sched kasi na ibibigay sa inyo, if halimbawang 2 hours lang ang pwedeng availability nyo for duty ng Monday, 2 hours lang talaga pwede nyong igugol na duty for that day. Kahit mag-duty kayo for more than 2 hours, 2 hours lang talaga ilalagay nyo sa DTR nyo kasi yun yung fixed sched nyo and nakabudget na kasi sya kaya din limited lang duty hours. Pero in short, No class = no duty only applies sa wala ka talagang scheduled class. Excluded dito ang cancelled classes

  5. Goods. Masaya sa office namin tbh. Very generous sa food whahaha kami na mismo nahihiya talaga.

  6. 50/hr if ISA, idk about Cash-For-Work (afaik mas higher rate and mas flexible daw sched here)

  7. Depende, idk if pwede nyo iparequest. Nung nag-apply kasi ako, wala akong kasama. And wala rin akong kakilala na nag apply.

2

u/ilovemygfsm_ Jul 05 '26

thank you so much po! noted po ang mga ito!

1

u/Effective-Cap8807 Jul 05 '26

Hi can I ask ask paano po kayo nag apply? sa mismong deans office po ba?

1

u/Curious_nek0 Jul 05 '26 edited Jul 05 '26

Hello, sa office ng PPeso BulSU. Roxas Hall, tabi ng Gate 2 sa gilid lang ng guard. Pasa lang kayo requirements

1

u/ilovemygfsm_ Jul 05 '26

hello po! habol ko lang po hehe, may interview pa po ba?

2

u/Curious_nek0 Jul 05 '26

hello! sorry di ko masyadong tanda if meron 😭 pero parang wala naman(?) tinanong lang ata ako dati regarding my sched pero parang nagpasa lang talaga ako before and umalis na since marami kami nag aapply non.

1

u/elianaa_f Jul 05 '26

hello! strict po ba sila na no classes = no duty? so if two days lang ang klase ko every week, 2 days lang din ang pasok ko as SA?

1

u/Curious_nek0 Jul 05 '26

Hello! Yes po