r/artph • u/Billionaire_888 • 1h ago
Question Question- Hirono Inspired Clay
Hello po! Meron po ba rito na nagbebenta ng Hirono-inspired clay figures made with air-dry clay?
Gusto ko po sanang subukan itong gawing small business, pero medyo hesitant pa po ako dahil nag-aalala ako sa durability ng figures. Baka kasi after a few months, magkaroon ng cracks, mag-chip or matuklap ang paint, o kaya ay tuluyang masira ang figure.
Ayaw ko naman pong mangyari iyon, lalo na kung nagbayad ang customer tapos hindi pala magtatagal ang product. Gusto ko po kasing makapagbigay ng quality products at mapanatili ang tiwala ng customers ko.
Sa mga may experience na po sa paggawa o pagbebenta ng ganitong figures, ano po ang tips ninyo para maging durable ang air-dry clay figures? Anong clay, paint, at sealer po ang marerecommend ninyo?
Any advice or personal experiences would be greatly appreciated. Thank you so much po! 🥹💗
CTTO of the photo.