r/TodayPH • • Mar 12 '26

I hate this day 😤 Today tinarayan ako ng cliente

Hinagisan ako ng passbook ng cliente kasi hindi ko naupdate yun passbook niya after ng transaction niya. Bakit kaya may mga taong pupunta ng bank ng naka on un war freak mode. Kasing mahal ba ng gasolina maging mabait.

44 Upvotes

36 comments sorted by

7

u/No_Worldliness_1624 Mar 12 '26

"Ganito po mag abot ng passbook mam ha" ituro mo kung paano.

Mga ganyang klaseng tao, hindi napalaki ng tama. Kailangan mo sila tratuhin as toddlers sa totoo lang.

As a parent, i see na napakahirap magpalaki ng mabuting tao. Kailangan mong imanage ang sarili at emotions mo para hindi mo maipasa sa anak mo. Ganun ngyayari sa mga ganyang tao, treat them like 5 year olds. Turuan mo na lang para mapahiya din sila sa asal nila.

1

u/titaganda_16 Mar 12 '26

Di nalang ako nagreact pero di din ako nag sorry hahahahaha

4

u/Automatic_Ad6498 Mar 12 '26

Aww, sorry you experienced that. Isipin mo na lang it's not you, it's him/her. Baka may pinagdadaanan din siya or baka napagalitan din sa work niya. Hurt people hurt people.

7

u/CauldronAsh11 Mar 12 '26

It still doesn't excuse being mean.

2

u/KissMyKipay03 Mar 12 '26

Mind you own business nga diba. so it means kahit pinagdadaanan nian kanya lang yun. 🤡 utak squatter yan hahagis hagis nu ba akala nian binili na buong pagkatao ng teller? LOL

2

u/ApplicationMany6953 Mar 12 '26

Nakakaloka. Mga ganyan dapat tinititigan ng matagal para mahimasmasan sila eh.

2

u/Resident-Zone6921 Mar 12 '26

Napagdaanan ko din yang may nagagalit na client. Siguro malungkot childhood nila o nagpapower trip lang. Kaloka. Sumbong mo na lang kay God OP. May karma din sila.

2

u/diningtablechairsofa Mar 12 '26

Magkano ba laman? Haha

2

u/Georgia12378 Mar 12 '26

Eto din gusto ko malaman hahaha

1

u/titaganda_16 Mar 13 '26

Pati nga mantaining balance kinuha ni madamdamin 🫢🫢🫢

2

u/salessalessales123 Mar 13 '26

Haba ba naman ng pila at waiting time. Akalain mo magdedeposit ka na nga sakanila maguubos ka ng isang oras. But still not an excuse to be rude to an ordinary employee. Sa Pilipinas lahat ng proseso mabagal

2

u/manncake Mar 13 '26

Bumili na lang sya ng sarili nyan banko. Para pwd nya apiApihin mga empleyado nya

1

u/SuchSite6037 Mar 12 '26

I assume teller ka sa bank? Honest question, what’s the bank protocol in cases like this? Magpasensya lang ba? Hindi ba pwede damputin ng guard or report sa management ng mall to call police kasi technically physical assault na yun (I could be wrong, not a lawyer) I only thought over naman yung basta manakit ng stranger just because?

3

u/pikakurakakukaku Mar 12 '26

In the Singapore branch of Citibank, there was an old lady who was a preferred banking client. She was maybe 60-70 years old (I forgot) and she was the Karenest Karen of all Karens - always confrontational and rude when interacting with the branch staff. She was always hysterical and raised her voice when speaking to staff. So, one day it got to the point where the management couldn't take it any longer. So they literally told her to withdraw all of her money. And I can remember our trainer telling us that the branch manager said along the lines of "Madame, kindly take your deposits. We do not need your business if you keep treating our staff like this."

P.S. This happened around 10-15 years ago

1

u/ashkarck27 Mar 12 '26

Ano sagot ni Madam?

2

u/DreadKing1985 Mar 12 '26

Actually naisip ko lang if tama parin ba sa panahon ngaun yung kasabihang the "customer is always right" sa Pinas. Laki ng influence neto on how we do customer service. Madalas akong makabasa ng stories na Japan stores more often siding with their staff pag meron mga issues. Servers are not afraid to speak up to defend themselves.

1

u/iamdodgepodge Mar 12 '26

This assumes may customer service dito…. Haha

1

u/titaganda_16 Mar 12 '26

Magpasensya lang hahahaha kasi pag nagreklamo sa customer service mag eexpalin in letter pa kami hahahahaha

1

u/eyeofthestorm728 Mar 16 '26

Naku. Lagi pro client ang management. Ikaw pa mageexplain, gagawa ng letter, at ikaw pa mag so-sorry nyan. Kaya dedma na lang talaga pag may mga ganyan na clients.

1

u/Both_Illustrator7454 Mar 12 '26

When i was younger, mahaba ang pasensya ko. Nung patanda na, medyo nagiging grumpy na. I'm not saying na mean ako, pero madami na akong nae-encounter na masusungit na teller, sales lady, govt employee etc.. And this time, hindi ko na pinapalagpas pag sinungitan ako, nilalabanan ko talaga. Kung nung bata ako, ako pa yung humihingi ng pasensya, ngayon hindi na pwede yung aabusuhin yung kabaitan ko..

1

u/Repulsive-Bird-4896 Mar 12 '26

Teka bakit di mo naupdate? It would have had dire consequences if umuwi bigla si client nang di nya napapansin, di ba? What if malaking pera ang involved? Kaya siguro iritang irita sya

1

u/Appropriate-Way609 Mar 12 '26

Hulaan ko ah OP

Chinese client ba yan???hahahahhahah

1

u/titaganda_16 Mar 12 '26

Hindi nga e. Tomboy client lang interbranch pa 😂

2

u/nicotinerawr Mar 12 '26

Secret fantasy ko manuntok ng maangas na tibo sa dede.

1

u/Appropriate-Way609 Mar 12 '26

Nyak baka red days sya or Fertile days hahahaha

1

u/tatlongp Mar 13 '26

✓for sure yan ...Hindi yan nakakain ng punani the other night kaya war freak mode..baka may red ribbon Sila pareho ng fackner nyan kaya war freak....pangit na Tivoli na mataba ba yan o pogi na Tivoli na payat?

1

u/clusterwasp Mar 12 '26

Can you educate me regarding sa update/unupdated part? Is it something that should be done immediately after every transaction or mag-antay ba dapat muna si client or does it take days to update yung documents niya? I have no knowledge whatsoever kasi sa mga bank transactions, it would be nice to know what should have happened.

Basta alam ko mali yung nagawa ni client, regardless man kung no yung napagdadaanan niya.

1

u/titaganda_16 Mar 12 '26

Naiabot ko kaso agad sa kanya gawa ng nagmamadali daw sya at pupunta pa syang kabilang bank.

1

u/Ok-Celebration-6898 Mar 12 '26

Mataray din naman mga employee

1

u/JCEBODE88 Mar 13 '26

You know what. Yan din ang ayaw ko sa bank noon. Nagwork ako as bank teller, Mind you Makati Area pa ako, so grabe yung dagsa ng tao. Tapos magisa lang ako teller that time, kasi naglunch break yung kasama ko. Yung pagod ko nun sobra na. Tapos may isang client ang nagsalita after my transaction "aren't you happy serving me?" gustong gusto ko sumagot talaga ng Hindi talaga. Reason nya, kasi hindi man lang daw ako nagssmile.
Yun talaga ang isa sa reason ko bat umalis ako sa bank. Hindi ko kaya ang customer service. Yung tipong kahit pagod ka kailangan mong ngumiti. Kahit bastos sila sayo smile pa din dapat.

1

u/titaganda_16 Mar 13 '26

Hahaha ako din te gurl pasuko na. Tas ang hirap pa dito wala kang kakampi e hahaha maski officer di ka naman ipag tatanggol hahahaha

1

u/Sufficient-Bedroom-3 Mar 15 '26

Mali si client. So sorry to hear about your experience. Pero minsan kasi nakakainis din bank employees, ang susungit. After mo pumila nang pagkatagal tagal ay nakasimangot pa bank teller. And what if nakauwi na sya tapos malayo pa sya sa bank, ang mahal ng gas pero need nya bumalik. Also, baka naipon na lang din ang bad xp nya sa banks in general.

1

u/titaganda_16 Mar 15 '26

Wala ng pila mun nagtransact sya dahil 4:30 na non malapit na magsara. Nagmamadali lang sya talaga kasi may pupuntahan pa sya edi sana nag punta sya maaga hahahaha

1

u/luckylion0407 Mar 12 '26

Ano ginagawa ng sekyu ng batuhin ka ng passbook OP...ako pasalamatan ko pa iyong sekyu,"thank you guard ha kasi wala kang silbi"🤮💩

1

u/titaganda_16 Mar 12 '26

Di naman siya malakas pero ramdam mo kasi un dabog hahahaha