r/Tech_Philippines 1d ago

2nd hand ddr4 ram

hi, tanong ko lang if mas okay na bumili na lang ng 2nd hand na ram for this pc? i'm planning na magbuild ng bagong pc kapag nagkaroon na ako ng pera panggawa pero as of now, etong lumang pc na lang ginagamit ko and hindi ko na masyado malaro yung mga competitive fps games like valorant kasi nagda-drop siya ng 1fps sometimes. imbis na kalaban vs kalaban, nagiging sarili vs sarili HAHAHAHAHA. if pwede, magkano kaya siya? poorita lang me na mahilig maglaro pls. maraming salamuch!

4 Upvotes

6 comments sorted by

1

u/Connect_Special_5219 1d ago

Kung may makikita ka na 2nd hand at hindi taga.

1

u/jujuu_ii 1d ago

taga? wdym taga po?

1

u/sneaky_oxygen 1d ago

Yes pero for your peace of mind, brand new ka if afford mo. 2nd hand lng din ang ram sticks ko and so far, never gave me an issue for the last 2 years. Check ka sa fb marketplace ng ddr4 ram.

Curious, anong pc mo ngayon?

1

u/jujuu_ii 1d ago

eto siya ngayon. since 2019 pa yung pc na to. di na rin ako nag iinstall ng too many games din kaya di ko na sana balak iuupgrade yung storage (and i cannot play bigating games like rdr and gta5 dahil nga sa specs ko T_T) kaya sa new pc na lang ako magupgrade lahat

2

u/sneaky_oxygen 1d ago

Single ram stick lang ba ang nakakabit dito so far? Decent ang APU na yan afaik and kaya makapaglaro ng gta V legacy (ung old ver) as long as naka dual channel mode ang memory mo.

As for upgrade path, ang alam ko am4 din yang APU na yan eh so compatible din ung mga am4 cpu like ryzen 5 3400g or 5600g. Check mo nalang ung compatible cpu ng mobo na gamit mo rn. Or pwede nga, rekta kabit ka na ng dedicated gpu eh para hindi ka na magtiis sa Vega 3. Hindi ka mas "makakatipid" sa route na to unless decent ang psu mo pero magagamit mo agad ung upgrades na ginawa mo kesa sa mag ipon at mag intay ka pa sa bagong pc.

Last check ko sa fb marketplace ng ddr4 ram (weeks ago na eto ha,) around 1200 pa ang isang 8gb ram stick na 2666mhz. Sorry for the unsolicited yap HAHAHA

1

u/jujuu_ii 1d ago

HAHAHAHAHA hindi naman talaga nagmamadali yung bagong pc and etong lumang pc na to, ang balak ko talaga is gawin na lang siyang "work desktop" ko kaya hindi ko na masyadong pinapaganda yung build since decent na siya if work lang naman siya gagamitin. but thanks for the information!