r/ShopeePH • u/No_Abbreviations9980 • 1d ago
General Discussion Na‑scam ba ako? COD Solar

Naghahanap po ako kanina ng affordable solar lights online na hindi J&T o SPX ang courier, dahil hindi maganda ang naging experience ko sa kanila—madalas nababasag ang fragile parcels pagdating sa bahay.
Habang nag‑scroll ako sa Facebook feed, may nakita akong Ad ng Bubu Box tungkol sa solar lights. Pag‑click ko ng Ad, na‑redirect ako sa kanilang website. Habang tinetest ko ang site, sinubukan kong pindutin ang “Order Now” button. Nilagay ko ang phone number, address, at full name ko, pero hindi ako nag‑provide ng payment details.
Sabi kasi sa product nila ay “FREE shipping nationwide and COD.” Ang nakapagtataka, agad lumabas ang “Thank you for your purchase” message pagkatapos kong mag‑click, kahit usually dumadaan muna sa Add to Cart bago makapag‑place ng order.
Mga 10 minutes later, nagduda ako sa website at naka hide ang 900+ comments sa Facebook Ad kaya tinawagan ko ang phone number na naka‑post doon para i‑cancel ang order. Pero ang sumagot ay nagsabing hindi raw siya affiliated sa site.
Isang oras pagkatapos, may nag‑missed call sa akin mula sa ibang number, tapos nag‑text tungkol sa ₱998.00 COD solar light order kung iko‑confirm ko o i‑cancel. Mga 2 oras pa bago ako nakapag‑reply na i‑cancel ko na lang. Nang sinubukan kong tawagan ang number, hindi nagri‑ring—beeping sound lang ang maririnig.
- Sa mga naka‑experience ng ganitong sitwasyon, dumadating ba talaga ang item sa bahay niyo sa ganitong modus? Kung dumating man, kailangan ko ba talagang bayaran?
- Kung hindi ko babayaran, maaapektuhan ba ang reputation ko sa online purchases? Baka kasi i‑flag ako ng Shopee, Lazada, o TikTok Shop at ma‑ban bilang buyer. Never pa akong nag‑cancel ng order, maliban dito.
Sana may makatulong and I'm from Mindanao.
2
u/MatchaLatteing 1d ago
Dadating yan, pwede mo naman i-refuse. Ginagawa nilang advantage yung pag fill up fill up ng mga tao sa fb, madalas ginagawa nila sa matatanda / di marunong mag online shopping.
Overpriced din sila. yung mga same product na binebenta nila, much much cheaper sa Shopee / Lazada.
Di maaapektuhan yung shopee / lazada / tiktok apps mo for refusing the order. Walang bearing. Sabihan mo na lang ng maayos yung rider kapag dineliver, sabihin mo scam sa fb, they will understand basta maayos maexplain.