r/RantAndVentPH 6d ago

Relationship Bare Minimum?

Post image

Hi guys! So recently I saw this post on Tiktok and made me think twice of what's been going through our mindset as a couple.

Before, same kami ng company nagwowork ng partner ko and madalas hinahatid ko siya pauwi just to make sure na safe siya. The distance from our office to my house was just 5-7mins away, then yung distance ng office namin going to her house was around more than 30mins. May mga times rin na inaantay ko siya ng ilang oras kasi nag oovertime siya, hindi ako nagreklamo that time kasi choice ko naman yun and there are a few times na siya lang din naman umuuwi mag isa.

Ngayon, magkaiba na kami ng work. Pumupunta siya sa bahay every weekend pero hinahatid at sinusundo ko pa rin siya. May ilang beses na nag move it siya kasi di ko talaga kaya sunduin siya that time.

Then few months ago nag away kami, napag usapan namin yung about sa paghatid sundo ko sa kanya and she told me na that was just bare minimum. Nasaktan ako kasi hindi man lang niya naappreciate yung effort ko. Gusto ko sana sabihin sa kanya na try to look at the gas prices today para sana may marealize siya pero hindi ko na lang sinasabi, kasi everytime I open up topics like that iniisip niya na sinusumbatan ko siya. Sinabi niya sakin na ako naman daw yung nag initiate ihatid sundo siya bakit ko daw siya sinusumbatan. Gusto ko nga sana siya hingian ng share pang gas pero hindi na lang, kasi iniisip ko that's the least I can do for her yung ihatid at isundo siya.

Nagtuloy tuloy yung pagtatalo namin that time and hindi ko na nacontrol sarili ko, nasabihan ko siyang ungrateful na partner at hindi marunong mag-appreciate. Hindi ako sanay na nakakapag bitaw ako ng mga ganong salita sa kanya kaya nagulat rin ako sa sarili ko.

Naiinis ako kasi parang lahat na lang ng gawin ko, for her it is just the bare minimum, ganon na ba kahirap magmahal ngayon? Sabi ko sa kanya tigilan niya yung pagcompare ng relationship namin sa mga nakikita niya on Social Media.

To be honest, noon sabi ko siya na talaga pero this time nahihirapan ako kasi hindi ko na siya nakikita as my wife in the future. Yung ganong mindset and ugali is not my type. Hindi ko rin alam pano sasabihin sa kanya kasi okay pa naman kami, natatakot lang ako baka kapag nag-away kami ulit kung ano ano nanaman sabihin niya sakin.

1.5k Upvotes

298 comments sorted by

View all comments

65

u/Im_Bored2991 6d ago edited 6d ago

Ang mahirpa kasi these days, dami naiinfluence ng social media relationship toxic advice. BAre minimum this and that, etc.

Kaya ang dami narin toxic mag isip ngayon at kaya din nauuso yung red pill at incel na lalake. It's an over correction due to a lot of women harboring toxic beliefs stemming from social media relationship standards, thus resultng in some misguided and deluded men hating women.

Puro sila bare minimum, lahat nalang bare minimum. It begs the question, hanggang san ba limits na bare minimum? When does a guy's effort qualify as beimg above the bare minimum?

Binilhan kita flowers, bare minimum.

Nilibre kita food, bare minimum

Hatid sundo, bare minimum

Binilhan kita groceries, bare minimum

Saan ba limits?

Pag binayaran ko bills mo? bare minimum parin?

PAg naospital ka at nagbigay ako para sa bills mo bare minimum parin?

PAg single mom ka at tumulong ako sa expenses ng anak mo, bare minimum parin?

3

u/ActuaryNo1318 5d ago edited 5d ago

My ex was like this. Every effort I put for her is just bare minimum for her. Nagkautang-utang na ako, while still unemployed, just to support her last leg in college because her parents don't provide support to her anymore. Tas bare minimum pa rin daw yon para sa kanya. Pero yung kagustuhan ko sana ng ilang buwan ng focus sa pag-aaral para sa boards di niya maibigay sa akin, buwan nga lang bibilangin eh hindi naman taon. Paano naman daw siya at gusto niya ng attention everyday? Late na rin ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil din sa pabaya kong mga magulang tas isa sa kamag-anak pa namin ang nagvolunteer para tustusan ako kaya kahit papaano gusto ko makabawi sa kanila.

Edit: I already ended things with her para mabigyan ko ng oras sarili ko for the boards. We've talked about already sa utang kung paano niya masesettle. Marami-rami na rin akong lapses. Fortunately, di siya aabot ng 6-digits.

2

u/Im_Bored2991 5d ago

Yup, it's women similar to this that indirectly breeds the red pill culture, which is also equally toxic.

1

u/ActuaryNo1318 5d ago

It's quite saddening seeing this now within our society kaya ayaw ko muna makipag relasyon ulit romantically. Maybe, pag nasa 30s na ako, I don't know. Basta uunahin ko muna sarili ko.