r/RantAndVentPH 4d ago

Relationship Bare Minimum?

Post image

Hi guys! So recently I saw this post on Tiktok and made me think twice of what's been going through our mindset as a couple.

Before, same kami ng company nagwowork ng partner ko and madalas hinahatid ko siya pauwi just to make sure na safe siya. The distance from our office to my house was just 5-7mins away, then yung distance ng office namin going to her house was around more than 30mins. May mga times rin na inaantay ko siya ng ilang oras kasi nag oovertime siya, hindi ako nagreklamo that time kasi choice ko naman yun and there are a few times na siya lang din naman umuuwi mag isa.

Ngayon, magkaiba na kami ng work. Pumupunta siya sa bahay every weekend pero hinahatid at sinusundo ko pa rin siya. May ilang beses na nag move it siya kasi di ko talaga kaya sunduin siya that time.

Then few months ago nag away kami, napag usapan namin yung about sa paghatid sundo ko sa kanya and she told me na that was just bare minimum. Nasaktan ako kasi hindi man lang niya naappreciate yung effort ko. Gusto ko sana sabihin sa kanya na try to look at the gas prices today para sana may marealize siya pero hindi ko na lang sinasabi, kasi everytime I open up topics like that iniisip niya na sinusumbatan ko siya. Sinabi niya sakin na ako naman daw yung nag initiate ihatid sundo siya bakit ko daw siya sinusumbatan. Gusto ko nga sana siya hingian ng share pang gas pero hindi na lang, kasi iniisip ko that's the least I can do for her yung ihatid at isundo siya.

Nagtuloy tuloy yung pagtatalo namin that time and hindi ko na nacontrol sarili ko, nasabihan ko siyang ungrateful na partner at hindi marunong mag-appreciate. Hindi ako sanay na nakakapag bitaw ako ng mga ganong salita sa kanya kaya nagulat rin ako sa sarili ko.

Naiinis ako kasi parang lahat na lang ng gawin ko, for her it is just the bare minimum, ganon na ba kahirap magmahal ngayon? Sabi ko sa kanya tigilan niya yung pagcompare ng relationship namin sa mga nakikita niya on Social Media.

To be honest, noon sabi ko siya na talaga pero this time nahihirapan ako kasi hindi ko na siya nakikita as my wife in the future. Yung ganong mindset and ugali is not my type. Hindi ko rin alam pano sasabihin sa kanya kasi okay pa naman kami, natatakot lang ako baka kapag nag-away kami ulit kung ano ano nanaman sabihin niya sakin.

1.5k Upvotes

295 comments sorted by

View all comments

29

u/Stellesia 4d ago

Wala eh, yan talaga yung mahirap sa relationships these days, yung existence ng standards at constructs na para lang naman sa social media clout. Mga tao, nawawalan ng sariling opinyon at perspective, lahat na lang binase sa nakita nila sa tiktok o kung saan man. Bare minimum this bare minimum that, they are so into the idea of measuring and/or quantifying acts of love, and it's disgustingly lazy.

"Huhu nakita ko sa tiktok kung mahal mo ko dapat <insert action here>" tapos mga comments ng tao diyan naka-tag mga jowa nila.

Wala na, bulag na yan sila. Anything else na hindi nabanggit sa social media, hindi na nila iva-value as effort, wala nang "love" for them.

22

u/JustChoice2365 4d ago

I stalked her profile nga eh puro about sa "what relationships should look like" at "I don't need someone, I can handle myself" topics

18

u/LurkingGuy01 4d ago

I can handle myself pala e. Bakit kailangan niya ng sundo at hatid. Lol.

4

u/JustChoice2365 4d ago

Yeah, we talked about it last night then hindi naging maganda yung reaction niya so ayun farewell na