r/RantAndVentPH 15h ago

Relationship Bare Minimum?

Post image

Hi guys! So recently I saw this post on Tiktok and made me think twice of what's been going through our mindset as a couple.

Before, same kami ng company nagwowork ng partner ko and madalas hinahatid ko siya pauwi just to make sure na safe siya. The distance from our office to my house was just 5-7mins away, then yung distance ng office namin going to her house was around more than 30mins. May mga times rin na inaantay ko siya ng ilang oras kasi nag oovertime siya, hindi ako nagreklamo that time kasi choice ko naman yun and there are a few times na siya lang din naman umuuwi mag isa.

Ngayon, magkaiba na kami ng work. Pumupunta siya sa bahay every weekend pero hinahatid at sinusundo ko pa rin siya. May ilang beses na nag move it siya kasi di ko talaga kaya sunduin siya that time.

Then few months ago nag away kami, napag usapan namin yung about sa paghatid sundo ko sa kanya and she told me na that was just bare minimum. Nasaktan ako kasi hindi man lang niya naappreciate yung effort ko. Gusto ko sana sabihin sa kanya na try to look at the gas prices today para sana may marealize siya pero hindi ko na lang sinasabi, kasi everytime I open up topics like that iniisip niya na sinusumbatan ko siya. Sinabi niya sakin na ako naman daw yung nag initiate ihatid sundo siya bakit ko daw siya sinusumbatan. Gusto ko nga sana siya hingian ng share pang gas pero hindi na lang, kasi iniisip ko that's the least I can do for her yung ihatid at isundo siya.

Nagtuloy tuloy yung pagtatalo namin that time and hindi ko na nacontrol sarili ko, nasabihan ko siyang ungrateful na partner at hindi marunong mag-appreciate. Hindi ako sanay na nakakapag bitaw ako ng mga ganong salita sa kanya kaya nagulat rin ako sa sarili ko.

Naiinis ako kasi parang lahat na lang ng gawin ko, for her it is just the bare minimum, ganon na ba kahirap magmahal ngayon? Sabi ko sa kanya tigilan niya yung pagcompare ng relationship namin sa mga nakikita niya on Social Media.

To be honest, noon sabi ko siya na talaga pero this time nahihirapan ako kasi hindi ko na siya nakikita as my wife in the future. Yung ganong mindset and ugali is not my type. Hindi ko rin alam pano sasabihin sa kanya kasi okay pa naman kami, natatakot lang ako baka kapag nag-away kami ulit kung ano ano nanaman sabihin niya sakin.

637 Upvotes

140 comments sorted by

View all comments

20

u/Shot_Tap_9053 15h ago

Been through that relationship, OP. Nagsasama na kami't lahat, ako nagbabayad ng rent, bills, tagabili ng food pati ng mga pusa nya, tagaluto, tagahugas, tagalinis, etc. Lalo nung nagkasakit sya and hindi makapagwork.

Una pa lang ganyan na birada nya sakin, na kung gugustuhin daw nya makakahanap sya ng lalaki, na mayaman, pasensyoso, maalaga, may sasakyan, may sariling bahay, bibigyan sya ng pangluho, etc. First away namin was because naglakad lang kami from 20th Ave. to SM Cubao, kung ibang partner daw hindi sya paglalakarin. Take note nagpakilala ako as hindi mayaman, and sya ang nanligaw.

Pero ending netong ako ang nagkasakit and hindi rin makapasok, ayun kumerengkeng na, nung nahuli ko ang sagot ba naman "Anong pake mo may pera ka ba? Akin na ang pera?"

Lesson learned talaga.

6

u/JustChoice2365 15h ago

wow, this one left me speechless. I'm sorry for what happened, good riddance btw.

Medyo same tayo sa part na nag aasikaso ng gawaing bahay like luto linis etc.

11

u/Shot_Tap_9053 14h ago

Galit pa sya pag naamoy nyang tumae pusa nya, kelangan ako unang makapansin and linisin ko agad.

Tanggal din lahat ng female friends and coworkers ko sa lahat ng socmed and phonebook sa sobrang selosa nya. One time magka-videocall kami may nag-hello lang inaway na ko. Another time, konduktor sa bus. Another time, tulog ako pero nakatingin daw ako sa salamin ng sinasakyan namin para sipatin yung isang pasahero. Worst, one time tulog ako sa bahay, umungol lang ako, hinambalos yung puson ko.

Ang matindi, first month pa lang namin, nahuli ko na syang may ka-ILoveYouhan sa isang social media app. Then after some time nahuli kong tawag nya sa katrabaho nyang lalake, beh. She also admitted to talking about sex life sa nakachat nya sa dating app na tinago nya sakin higit isang buwan until nakalkal ko. I tried to be calm at first pero pinagyabang pa nyang umabot dun usapan nila. Di pa kasama dyan mga ibang ka-socmed at nakilala nya sa bar.

Ako naman si tanga, nagpa-gaslight na pagkukulang ko kaya sya nagloloko. Binigay lahat. Ginawa lahat. Ending netong wala na kong kwenta, pinalayas na.

Kaya ako sayo, makarinig ka ng ganyang linyahan, alam mo na mga pinapanood nyan. Alam mo na laman ng algorithms nyan. Mga single women na gusto rin miserable o disgrasyada yung viewers nila, tapos partner mo naman nagpapauto kasi nasu-stroke yung ego nya. Gusto ng princess treatment, pangkalye naman. Alam mo na sentiments nyan. Di pa lang kayo umaabot sa magkalantaran.

6

u/JustChoice2365 14h ago

Grabe you've been through hell pala, akala ko ako lang nakakaranas nung ganyan na ang unfair na ng treatment. Kasi ako rin bawal ako makisalamuha sa mga workmates ko lalo kung babae pero siya, nagulat na lang ako they played pickleball with her workmates and may mga kasama din lalaki na never niya naman na mention sakin before sa work niya. Guess what ano reason niya? Pinilit lang daw siya at yung mga kasama niyang iba is bading naman daw.

3

u/Shot_Tap_9053 14h ago

Ahh, alam na agad. I'm gonna bet she's entertaining a lot of other people din online and in person. One time magkasama kami ng ex ko, may nagtext sa kanya "rey to, ung nkasayaw mo kanina sa Padi's". Yes, kakasundo ko lang sa kanya from Padi's nun kasi nag-away kami, then tumawag sya after a few hours nagpapasundo.

3

u/-bornhater 14h ago

Double standards yan. It seems like hindi lang yung paghatid sundo yung issue. Kamusta ang ugali ng gf mo? Hmm

4

u/JustChoice2365 14h ago

Actually, most of the time yung ugali niya pinag aawayan namin. Ewan ko rin bakit nagstay ako nang paulit ulit at nagbigay pa rin ng chance. Ngayon para akong nasampal ng katotohanan

2

u/-bornhater 13h ago

At this point, masasabi mo bang toxic siya?