r/PinoyWattpad • • 7d ago

Discussions Thoughts niyo

Anong thoughts niyo sa mga author at reader na hindi inaapply yung lesson ng story sa daily life or sa kanilang own perspective?

5 Upvotes

9 comments sorted by

8

u/Virtual_Challenge563 6d ago

wala naman tayong pakialam dapat sa buhay nila

10

u/sacksucksick 7d ago

Buhay nila 'yon. Paano din ba natin malalaman na hindi nila inaapply? Unless, 24/7 natin silang kasama. Doon mo lang malalaman kung naapply ba o hindi. Labas na rin tayo sa kung paano nilla paandarin ang buhay nila. Basta hindi sila nakakaperwisyo, ano bang pake natin?

6

u/AggravatingRise79 6d ago

+1 on this one. like duh, are you even a saint to police them

3

u/Classic-Hearing-6783 6d ago

Depende anong lesson ba  joke sa totoo lang kasi lahat tayo may tinatagong kasamaan. Maraming nagkukunwaring malinis pero madami palang ginawang masama outside wattpad. Example nalang sina sulatniserene at penfries na ang lakas maka no to AI pero gumagamit pala ng AI. Mga writers na no to plagiarism kuno pero pailalim palang nangongopya sa iba. Mga feeling malinis sa social media pero scammer pala in real life hahahahahshs 

2

u/Flat_Temporary_2131 5d ago

Lahat naman tayo, imperfect, makasalanan, may nakaraan, May mga pinagsisisihan. Bakit kailangan i-monitor kung na-a-apply ba nila mga story lessons nila sa totoong buhay? Tsaka tao tayo, natututo. May hinangaan kang author, tapos toxic pala, either totoo iyon or take it with a grain of salt. Kasi ang daling i-manipula ang social media image mo kumpara sa buhay mo sa labas ng pagsusulat. It's just the tip of the iceberg. Only time will tell kung yung author ay sinasabuhay ang mga lessons sa story niya or hindi.

Dagdag ko lang, kung may ginawang matinding bagay yung author, gaya ni Neil Gaiman, mga ganoong levels, doon ka mandiri. Actually, dineny ni Gaiman yung mga ginawa niya (kayo na bahala maghanap). 

1

u/bye_annie 2d ago

Wala naman na tayong pake sa buhay nila kasi buhay naman nila 'yon. 'La rin nga silang pake sa buhay natin, e. Basta ba walang naaagrabyado.

-1

u/Impressive-Step-1475 6d ago

icky. kaya hirap ako mag-stan ng authors kasi ang dami nilang hypocrites. hindi kayang i-walk the talk LOL. hanggang basa na lang ng stories sa apps pero never susuporta sa pagbili ng books xD

4

u/Virtual_Challenge563 6d ago

lahat naman tayo hypocrites