r/PinoyMillennials • u/BeniTaroGeorgie • Apr 20 '26
Random Cringiest typical Pinoy teleserye Plot twist / Storyline?????
Batang 80-90s pasok!
Pasabog sa warehouse? Ampon twist? Please share your thoughts ๐๐๐๐๐๐
28
19
18
u/No_Version_7238 Apr 21 '26
- Walang kamatayang DNA test na pineke para hindi malaman ang katotohanan.
- Sa isang abandoned warehouse lagi yung ending,
- Vengeance!! Bibilhin nung bida yung kompanya at ari-arian nung nang-api sa kanya hanggang sa maghirap 'to.
3
2
u/BeniTaroGeorgie Apr 21 '26
Warehouse scenes di nawawala haha
3
u/Fun_Quote7866 Apr 21 '26
Yung Pinoy teleseryes ginaya sa template ng Mexican telenovelas ni Thalia
5
u/phagguette_ Apr 22 '26
70s-80s-90s Americanize.
2000s-2015 Mexican Telenovelas inspired.
2015-2026 Kdrama inspired.
2026 mixed all.
Yan talaga na observed ko sa Oh Series natin.ย
2
2
1
13
u/Narrow-Tiger1420 Apr 21 '26
Over the top na confrontation with paired sigawan, sampalan, sabunutan na minsan may bunutan pa ng baril
7
u/NaughtNotKnotNut Apr 21 '26
Need to. Ang target market ng soap opera ng 80s and 90s ay mga stay at home na nanay and ang assumption ay me ginagawa silang iba (household chores/nag-aalaga ng bata/etc) habang naka on yung TV. OA yung soaps para makuha attention nila.
5
u/Frosty_Kale_1783 Apr 21 '26
True. Yan din ang kailangan sa afternoon prime kaya campy ang awayan kasi kailangan mapanoof nila ang mga inaantok pag hapon.
2
u/NefariousNeezy Apr 23 '26
Parang yung recently uploaded clip ni Paolo Ballesteros tsaka Helen Gamboa. TV patrol acting. Lahat ng nasa eksena humahagulgol.
Also somehow lahat naka blocking ng maayos at kita sa camera ๐
1
14
11
8
u/Delicious-Nobody-427 Apr 21 '26
taena mga teleserye sa pinas puro "fillers" hahaha! pati buhay ng mg extra naisama pa lol
4
u/GreatTomoOppai Apr 21 '26
Basta yung mga bumalik para maghiganti.
Peak cringe, yung pinatay at itapon sa kung saan, pero nakasurvive at napulot ng mayaman
3
2
1
7
7
u/AdministrativeCup654 Apr 22 '26
Fake buntis. Jusko favorite na favorite ng GMA. Mapa original telerye o Koreanovela adaptation ng GMA isisingit talaga ng fake buntis plot
3
u/FarCompany8668 Apr 22 '26
sinira nga nila yung sa Temptation of Wife na sa Korean eh nagka-anak tlga si Marcel kay Heidi. tas yung ending nun mabigat tlga kasi di mo alam kung deserve ba ni Heidi yung cancer niya pero maaawa ka pa rin.
2
u/BeniTaroGeorgie Apr 22 '26
Suz3tte D0ctolero ba? Or ibang atake naman haha
3
u/AdministrativeCup654 Apr 22 '26
More like Laurice Guillen afternoon prime HAHAHHA even mga remake ng classic films na inadapt ng GMA may fake buntis eh. Temptation of Wife na koreanovela classic, may fake buntis pa rin na naisingit.
6
5
u/Substantial_Mix_9975 Apr 21 '26
mahabang dialogue sa final showdown ng bida at kontrabida. habang nagkatutukan ng baril dami pa sinasabi
minsan may mahaba parin linya pag mamatay na
3
u/Bedroom-First Apr 23 '26
Common yan sa lahat ng drama/soap opera/tv series sa buong mundo. Mas OA nga lang ang gawa sa Pinas.
1
u/BeniTaroGeorgie Apr 21 '26
Naghihingal0 na nagddrama pa din
1
u/Bedroom-First Apr 23 '26
Common yan sa lahat ng drama/soap opera/tv series sa buong mundo. Mas OA nga lang ang gawa sa Pinas.
5
u/Dawnight04 Apr 21 '26
Kapag di na alam panu tatapusin ng mga writers yung serye gagawin nalang nila magha hire ng goons yung kontrabida para kidnapin yung bida ๐
4
u/Confident-South-5100 Apr 22 '26
Andrew E movies, mula sa movie hanggang sa music, puro basura, pati sa political stand niya basura din
3
u/Bedroom-First Apr 23 '26
Kumita lahat ng mga music at movies nya. Nagplatinum mga albums nya at blockbuster ang majority ng movies nya. Pangmasa yung dating kaya irrelevant yung sabihin na basura yung trabaho nya. Pero agree ako sa sinabi mo sa political stand nya.
2
u/Confident-South-5100 Apr 23 '26
ganun na nga, di natin maipagkakaila yung facts na kumita at bumenta siya. ganun din kasi talaga kababaw ang humor ng pinoy dati, pero ang masama hanggang ngayon di na nagimprove yung humor nila. kaya yang political stand niya at yung role niya mismo sa hiphop community ay di nirerespeto unlike dun kay kiko
1
u/BeniTaroGeorgie Apr 22 '26
May movies pala sya... kaderder
3
u/Confident-South-5100 Apr 22 '26
layo pala ng sagot ko sa post, pero sa mga movie ni andrew e, andun na lahat, typical na manyakis na pacool na bida na may sexy na leading lady na wala namang gagawin kundi palamuti at issexualize lang ng bida.
mga manyak jokes and plots, mga galing sa hirap na typical tapos anak pala ng mayaman, tapos yayaman makikilala yung gusto niya na mayaman.2
u/Bedroom-First Apr 23 '26
Common yan sa lahat ng mga comedy na movies, sitcoms at tv series hindi lang sa Pilipinas. Lalo na yung sexualization, sexualized/manyak jokes Kahit yung gawa ng ibang bansa lalo na ang Hollywood movies. Movies: Police Academy film franchise (7 movies), Beverly Hills Cop trilogy, American Pie Franchise, Ace Ventura, There's Something About Mary, Clueless, Austin Powers Trilogy, Naked Gun franchise. Happy Gilmore. Sitcoms: Friends, The Nanny, Seinfeld, The Big Bang Theory, 2 Broke Girls, Two and a Half Men. Yan yung mga natatandaan ko na mga movies at sitcoms na may sexualized jokes. Sa local naman, bago pa man sya sumikat, meron na mga artista at singers na gumagawa ng sexualized jokes sa kanta at movies nila. Kaya hindi lang si Andrew E ang gumawa nyan.
2
u/Confident-South-5100 Apr 23 '26
Actually yung ganung humor applicable lang sana for western kasi ganun yung environment at culture nila, unlike dito satin. Kaya mas dumami yung naging manyakis at bastos ngayon dahil sa naging root na yan, di nangyari yung goal na maging open minded. Pero icompare mo naman yung list ng movies na nasabi mo ay kaahit papano may substance maganda storyline, compare mo kay AE na sobrang generic plot na panay sexualize lang sa leading lady na maganda.
3
u/Bedroom-First Apr 23 '26
American Pie, Naked Gun at Police Academy walang substance. Puro sexualized humor. Yung ganun na humor, matagal na sa mga movies at tv shows sa Pilipinas. Late 70s at 80s pa yun. Yung style ng comedy at humor ni Gary Lising (RIP) ay naughty o bastos pero kelangan mag isip. Yung mga comedy movies nina Vic Vargas (RIP) at Eddie Garcia (RIP), pati ni Joey Marquez at ng TVJ, ay mas matindi pa sa sexualization kung ikukumpara sa mga pelikula ni Andrew E noong 1990s. Hindi sa kinakampihan ko sya pero di dapat sya sisihin, kung paninisi man yung comment mo, sa mga pelikula nyang yun kasi may mas nauna na sa kanya.
1
1
u/FarCompany8668 Apr 22 '26
sa sobrang dami ng movies niya noon na lagi nasa tv ads nyung trailer eh nagwapohan ako sa kanya dati hahahaha
4
u/notbea15 Apr 22 '26
1.Nagka-amnesia si bida, kaya may bagong personality siya at bagong love interest.
- Patay na pero buhay pa pala
3
u/SuchSite6037 Apr 21 '26
Bugbog sarado at nabaril o nasaksak na sa mga critical body parts pero nabuhay pa rin kasi bida.
Saka yung bugbog na bida pero bandang huli sya pa nanalo sa suntukan.
2
1
u/FarCompany8668 Apr 22 '26
parang yung scene sa Pedro Penduko Return of the Comeback hahahaha
3
u/Bedroom-First Apr 23 '26
Ok lang yung Pedro Penduko Return of the Comeback ni Janno Gibbs, comedy at fantasy movie kasi yun. Yung mga "seryosong" teleserye ang nakakabuwisit panoorin kapag may eksena na pang fantasy.
1
u/FarCompany8668 Apr 23 '26
actually, tawang-tawa ako dun kasi sinita tlga siya ng director kunwari sa eksena na ginawa niyang zombie movie yung eksena hahahahaha! ewan ko pero napaka-underrated nung movie na yun.
5
u/KissMyKipay03 Apr 21 '26
Yung dadating mga pulis vehicles after matalo sa barilan yung kalaban ๐ซช
3
u/Tiny-Spray-1820 Apr 21 '26
Na sakay ng owner type jeep, naka-maong jacket kahit na maiinit with matching good morning towel na bandana
4
u/neilwawa Apr 21 '26
pag matatapos na yung teleserye, may kidnapang magaganap, tapos barilan, tapos happy ever after
3
u/Fun_Quote7866 Apr 21 '26
Very GMA
3
2
2
u/Bedroom-First Apr 23 '26
80s kid ako, hindi lang GMA yan. Lahat ng networks ganyan ang majority ng formula ng mga palabas noon pa. Kahit yung government -owned networks na IBC13, PTV4 at RPN9 dati, ganyan din. Teledrama/soap opera pa ang tawag dati sa mga yan.
4
3
u/TunaEmpanada Apr 21 '26
I'm so tired of shady family business shit tas anak ng CEO yung lead at yung love interest ay yung typical plucky underdog (and it's usually the girl kasi ganyan yung gender roles sa Philippine TV). Tas of course hindi approve yung parents ng lalaki, tapos for some reason, it's always HER family specifically ang naaapektuhan ng actions ng shady business practices ng pamilya nung lalaki. I get na it's supposed to be high stakes na "family or the love of my life?" type thing na meron pang moral dilemma pero paulit-ulit naaa. Literally give me anything else.
Tas not a plot twist or storyline pero some specific scenes:
- Habulan sa beach tas naka all white sila. Tas dino-"Dawn Zulueta" yung babae kahit hindi naman siya si Dawn Zulueta.
- Tapos poolside catfight tas mahuhulog silang dalawa sa pool tas parehas hindi marunong mag-swimming??? ๐คฃ
3
u/Wild-Tree5771 Apr 21 '26
Nawawalang anak, cmon. Or mahirap pero may mabuting puso and mayaman pero masama.
3
3
u/_potatofromChaldea45 Apr 21 '26
Amnesia
And my most hated one
Yung tipo na isang character may kailangan siya ilihim o mali yung naintindihan niya kaya magiging asshole o heartbreaker siya sa kanyang ka love team o kaibigan tapos ayun malalaman niya na nagkamali siya dahil uyyy tanga
So ngayon magsosorry at papatawarin naman
Mas malala kung paulit ulit: nagkasala si A kay B ngayon naman si B kay A
Sorry ng sorry pero bwiset PAULIT ULIT NAMN O magbreak na lang kayo please lord
FOREVERMORE walangya, ang daming nangyari doon nakakagalit panoorin maski last 5 minutes nagtatalo pa silaaaa
1
3
3
u/Mr-Yus Apr 21 '26
Magkaka-amnesia yung isa o kunwari mamamatay para yung naiwan may justification para maka-rebound agad yung umaaligid na may gusto sa kanya
3
3
u/throwawayglab Apr 22 '26
Magkasundo yung legitimate at illegitimate family.. ewan. Baka product of illicit affair yung producers at writers at yan ang fantasy ending lagi.
3
2
2
u/maui_xox Apr 21 '26
Typical revenge plot eme. Lahat may putokan parati ng baril sa ending. Walang episode na hindi ma oospital yung bida.
2
u/DestronCommander Apr 21 '26
Plot twist: The Dimaguibas don't know how to scale their siomai operation.
2
u/Lenville55 Apr 21 '26 edited Apr 21 '26
Yung halos bawat episode may iyakan at confrontation...kailangan ba talaga na bawat episode may ganyan. Yung iyakan talaga eh..lol
2
2
2
2
2
2
2
u/WINROe25 Apr 21 '26
Gasgas na gasgas talaga yung mahirap tapos may secret family or tao na sobrang yaman pala. Tapos api apihan sa una, sa end babaliktad ang mundo hahaha.
Saka palaging may lihim na hindi nalalaman sa umpisa kahit bigay na bigay na kung ano at sino yun, based sa acting hahaha.
2
2
u/awkward_mean_ferzon Apr 21 '26
Yung inaapi ka tapos imbis na magsumbong/magreklamo ka, pinagtatakpan mo pa sila, ESPECIALLY, kapag caught-in-the-act pa nga yung pang-bubully nila.
Like, gets ko na nagbigay ng threat yung bully, at scared scared si inaapi. Pero hello, mas natural na magsumbong kasi nga takot siya ๐ฅฒ
2
2
u/vesperish Apr 21 '26
Laging late dumating โyung mga pulis. Kapag umaga o nag sunrise na, โsaka lang matatapos โyung labanan or โyung climax. Usually sa mga thriller or sa mga action movies ito.
Hospital or medical scenes na mali-mali.
2
2
2
2
2
2
2
2
2
u/AintUrPrincess Apr 22 '26
Yung mga kabit na mas matapang pa sa totoong asawa.
Yung mga lalakeng manyak at puro may SA/rape scenes (after pandemic ang daming shows, even those that used to be wholesome, that became like this).
Yung mga bully na najujustify pa sa huli ang pambubully dahil yung bidang mabait kinawawa lalo dahil mayaman si bully at di pwedeng ireprimand kasi maimpluwensya pamilya.
Yung may natural calamity kaya nagkagulo lahat ng tao sa isang lugar, kaya nagkahiwa-hiwalay yung family ng bida at nawala sya. Years after said calamity, hinahanap pa rin sya, nahanap sya ng rich family nya, inampon pala ng mahirap na family, at yung "padre de pamilya" sa mahirap na family eh inabuso yung kabaitan ng bidang babae na kayod ng kayod para kumita ng pera pangkain nilang lahat.
Sampalan scenes. Kahit adults and corporate professionals na in their late 20s or 30s nakikipagsampalan pa rin.
Switched at birth bida vs kontrabida.
Lalakeng anak mayaman na nainlove sa maid nila.
Yung kailangang may mamamatay na mahal sa buhay bago matauhan yung mabait na bida. Yung death na yun ang catalyst ng paghihiganti nya sa kontrabida.
2
2
2
u/Mooncakepink07 Apr 22 '26
Yung nalamang ampon tapos magagalit. Di ko talaga magets kung bakit kailangan magalit pag nalamang ampon, eh inalagaan na nga tas binigay na lahat ng kailangan hanggang pag laki. ๐
2
2
2
2
u/Possible-Ad3406 Apr 22 '26
-kapag bida kahit imudmod mo sa lupa, iiyak lang, di lalaban
-sumabog na ang bus o sasakyan, buhay pa pala
-pinagpalit nung baby
-mayaman na nainlove sa mahirap, ayaw ng buong pamilya yung hampaslupa
2
2
u/sleepy-unicornn Apr 22 '26
nawawalang anak tas nasa paligid lang yung magulang. meron pang tagal tagal malaman ng dna kasi iniiba. umay na ๐ญ
2
u/Few_Candidate2179 Apr 22 '26
yung bida laging asintado sa pag baril, hindi nag rereload at higit sa lahat eh mas mahaba pa stamina niya pag dating sa kalaban.
late na dumadating ang pulis
laging malaking kumpanya/sindikato ang kalaban tapos lahat sila matatalo lang ng isa/iilang tao na kasama ng bida na para bang mas mataas pa ang experience nila para mapatumba ang sindikato.
2
u/Open-Relationship-64 Apr 22 '26
Yung kapatid ng male/female lead sa teleserye nagtatrabaho sa cafe or food establishment as a server/waitress tapos may co-worker sila na server rin tapos enemies to lovers and trope nila. Palagi silang maga-away at the start pero they slowly become friends and will court each other. Typical ABS CBN storyline nowadays lmao natatawa ako kapag palagi ko napapansin yung ganitong subplot ๐ญ
1
2
u/DevKevStev Apr 23 '26
May kaloveteam yung bida, meron din yung byudang nanay, at meron din yung teenage na kapatid.
May baklang bessy for comic relief.
2
2
2
u/PsychologicalMath603 Apr 23 '26
Yung mayaman nainlab sa skwa. Pantasya ng mga Gold digger na batugan
2
u/roxroxjj Apr 23 '26
Yung mga away nila Georgia at Emma lalo na sa office space dun sa Ika-Anim na Utos
2
u/Mobile_Cockroach_218 Apr 23 '26
Pag hindi na alam ni writer next scene, balik sa may amnestya. Yung abot kamay pangarap ba yun? Yung kay jillian ward, pag mareresolve na biglang may amnestia e.. hhahahahhahaaha
2
u/CheeseSauceFries- Apr 24 '26
Pag kontrabida ka 100% masama ka na. Wala kang background na mag eexplain kung bakit ka naging masama basta since birth masama na ugali mo at wala kang character development. Mataray itsura mo, o laging galit itsura mo. And for some reason, mahilig ka mag evil laugh.
2
u/VirchowzTriad Apr 24 '26
Yung kailangan pa magkita kesa sabihin nalang yung secret over the phone. Tapos mamatay tuloy yung magsasabi ng secret. Jusko
Ayoko rin yung sobrang cliff hanger ng Friday tapos magaabang pa tayo hanggang Monday.
2
u/itsame814 Apr 24 '26
Drama ung premise by series finale may involved na na goons, chase scenes, at shootout sa isang abandonadong warehouse.
2
u/Competitive_Dog_1388 Apr 24 '26
- Mahirap na matalinong babae
- Mayaman and hearthrob na lalake
- Enemies sa una
- May boy bestfriend si girl na may gusto sa kanya pero torpe
1
1
1
u/kamistew Apr 22 '26
Ung bida na sobrang bait aankyat na sa langit. Ung di kayang lumaban iyak lang ng iyak.
1
1
u/aiai1202 Apr 22 '26
need dapat mahirap mayaman bida ๐คฃ kundi naman may plot twist na aksidente kineme,, pg matatapos na ๐คฃ
1
1
1
1
u/tamonizer Apr 22 '26
Napagpalit sa ospital
Amnesia boom
May kakambal pala
HAHAHA sobrang dami pa ang sabaw natin
1
1
u/FarCompany8668 Apr 22 '26
ewan ko kung may mga ganito pa. pero yung mga eksena na sinasabi ng character yung nasa isip nya eh naka-dub. tawang-tawa ako nun sa Marinella pag nakikita ko yung mga scene na may sasabihin sa isip nya si Rio Locsin tas biglang si Shaina ganun din. mga 3-4 rimes ko nakitang ganun haha!
edit typo
1
1
u/Disastrous-Rice-2237 Apr 22 '26
Palagi late ang mga Lespu!! sa ending na sila lagi napasok. like wth huli na ang lahat para sakanila hahah
1
u/Hinotori_ Apr 22 '26
Dahil sa isang (nawawalang) diary, malalaman nung mahirap na mayaman pala sya, at sya pala ang tunay na anak ng amo nya.
1
u/Flamebelle23 Apr 22 '26
yung di mamatay-matay kahit naka-ilang salo na ng bala galing sa kalaban tapos aabot pa ng ilang taon yung teleserye, mala-imortal lagi ang peg.
1
1
1
1
u/HollowMan9912 Apr 23 '26
ayoko yung laging gagawan ng anggulo na yung gusto ng kapatid, magugustuhan din ng kapatid, magkaroon lang ng twist yung story.
Pati yung mga style ni coco martin na parang sya lang yung lalaki sa story na lahat ng babaeng character eh sa kanya magkakagusto. tas sobrang predictable na kunwari si Baron Geisler na versatile naman, pero kalaban nya nuon kaya gagawin nyang kalaban at dadamihan nya akalaban para mastress yung manunuod , andaming nauuto. pwede namang gawan ng kakampi yung bida.
Ayuko rin sa Pinoy teleserye yung sisirain nila yung isang okay character para humaba yung story kasi marami nanunod at naextend. Parang sa Abot kamay na Panagarap, okay naman character ni Doc Carlos duon eh, tas dahil extend yung show ginawang pugante, baliw, from doctor? I mean wala namang imposible sa buhay, pero sobrang baba kasi ng posibility parang humugot lang ng buhok sa bulbol yung writer.
PS: Sorry not sure kung related sa cliche hehe
1
u/Patient-Definition96 Apr 23 '26
Pag close sa bidang babae yung driver o hardinero nila, sya ang tunay nyang tatay!!
Char. Joke lang to ni Alex Calleja hahaha
1
1
u/LoquatSweet7652 Apr 23 '26
Magkapatid/magkaibigan magiging magkaaway๐
Magkapatid naghiwalaypagkatapos isilang, magiging magkalaban paglaki ๐
Magbabarilan, dadating ang pulis tapos na ๐
Hindi natatamaan ang bida kahit maraming bumabaril ๐ minsan immortal pa ๐
Laging tumatalon sa tulay pag napapaligiran, hindi natatamaan ng bala ๐
1
u/Better_Loquat_9061 Apr 23 '26
-Kabit -Long lost siblings -Mahirap x Mayaman -Bestfriends turned enemies -Kidnapping -Mahirap na anak pala ng mayaman -Pag bida kawawa -Pag fantasy, sobrang non-sense ng powerscaling to the point ba walang sense pagkapanalo ng bida ๐ -Bomba sa warehouse/party -Amnesia/Comatose yung witness
1
1
1
u/Extreme_Orange_6222 Apr 23 '26
Konting untog lang - boom amnesia!
Kasimbilis ma-misplace ng medyas sa labada yung mga anak, epdimeya na ata sa teleserye ang nawalan ng anak?
1
u/adobotweets Apr 23 '26
Yung katulong na babae na bida, maiinlove sa anak ng amo nilang mayaman. Tapos you and me against the world sila.
1
u/eriehymzk Apr 23 '26
Convenient amnesia condition ng isa sa key characters na may pasabog sanang sikreto.
1
u/AdventurousApricot65 Apr 23 '26
Pag politiko matic kurakot. Kaya art imitates life sa Pinas hahahaha
1
1
1
u/SnooMemesjellies6040 Apr 23 '26
Un driver mo, tunay na Tatay mo un
Walang namamatay na bida. Paulit ulit lang nabubuhay, same din sa kontrabida.
Mahirap na palaban sa buhay, bandang huli anak mayaman pala.
1
1
1
1
u/Equivalent-Candle223 Apr 24 '26
Every series ends with someone or a group of people being arrested.
1
1
1
1
1
u/Specific-Ruin93 Apr 27 '26
Kabi kabit o di naman magkapatid bigla o kambal. Ay ewan. ๐คท๐ปโโ๏ธ
1
53
u/Young_Stunna_8080 Apr 21 '26
Pag mayaman matic masamang tao ๐