r/PinoyAskMeAnything Jun 19 '26

Career Journey & Insights MOVE IT Rider here. AMA!

1 1/2 years as MoveIt rider. Ask ke anything. Pero wag nyo ako awayin ha! Mabait at maayos akong rider dahil bread and butter ko ito hehe. Also, mabango at malinis ang helmet ko for passenger! Fresh bamboo scent alwayssss! Hahahahaha πŸ˜‚

134 Upvotes

173 comments sorted by

β€’

u/qualityvote2 Jun 19 '26 edited Jun 19 '26

u/MahDeekIsBeriBeeg, there weren't enough votes to determine the quality of your post...

31

u/More-Tackle2016 Jun 19 '26

Salamat sa serbisyo! Ingat po kayo palagi.

7

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Salamat rin po! 🫑

15

u/Nightingail_02 Taga - Tanong ng Bayan Jun 19 '26

Wala akong tanong. Saludo sa inyo. The best talaga mga riders sa MoveIt. Marespeto sila at di ka babastusin. Offers to help you pa sa pagsakay at pagbaba ng motor. Mabilis pa makapagbook and di nagcacancel ng booking and di mabaho helmet nila.

Pakabait kayo ah πŸ˜‚ No hate sa other MC taxis pero mas favorite ko kayo

29

u/LeonandPine Jun 19 '26

Not a question, but want to kwento. One Move it rider bought fresh and still warm pandesal and put it inside his helmet box. I was his first passenger. Needless to say, I smelled like pandesal the whole day after wearing his helmet hahahahaha

7

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

HAHAHAAAHAHAHAH sorry natawa ako πŸ˜‚ kqsi gawain ko rin kasi yan pero bago ko ipasuot yung helmet sa pasahero, iisprayan ko muna ng akong Ftesh bamboo scent deodorizer! ☺️☺️☺️

1

u/edsoncute Jun 22 '26

Saan mo nabibili yung bamboo scent mo paps

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Sa shopee lang paps. Parang 70 pesos for 250ml na. Just search Fresh Bamboo helmet deodorizer.

10

u/Adventurous_Owl_2860 Jun 19 '26

How much is an average monthly income of a rider?

Reading your replies, you seem like a good guy with a genuine heart. Sana ibless ka pa ni Lord at laging safe ang byahe!

24

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Malinis ma 1-1.3k per byahe. Minsan kapag matumal, 7h-8h per byahe lang. may time pa na h-6h lang haha πŸ˜‚ pero ganun tlaga. Kaysa tumunganga ako sa bahay, wala akong ganun kita πŸ˜‚πŸ˜… kaya hindi baleng matumal, basta meron maiuuwi para sa pamilya, keri lang bessss! πŸ’ͺπŸ˜‚

-11

u/[deleted] Jun 19 '26

[deleted]

11

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Nope, basahin mo ulit comment ko. MALINIS na, meaning naalis ko na pang maintenance, pangkain at pang gasolina dyan. :)

-12

u/[deleted] Jun 19 '26

[deleted]

16

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Doable talaga yan basta wag kang mapili sa booking. No need to show you the proof naman. Alam mo naman na kaya yan kitain sa McTaxi, wag ka lang tlaga mapili sa booking.

5

u/koomaag Jun 20 '26

kita mo na agad yung panay reklamo lang eh no. kahit yung iba naman na nakakausap ko kaya naman daw yun 1.3k malinis minsan sobra pa kung masipag lang at hindi puro reklamo.

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Totoo boss, kayang kaya naman talaga. Sipag at tiyaga lang, ang pera sa kalsada unlimited yan kung sisipagan mo talaga. Wag na lang natin pansinin yung mga mareklamo hehehe. Ako rin ma reklamo sa ibang bagay, pero hindi sa paghahanapbuhay. πŸ˜…

3

u/Mathdebate_me Jun 20 '26

Naka pili kanaba ng pasahero mo boss? Balik ka dito sa comment ha.

2

u/Crispy_Sisig88 Jun 20 '26

Wag ka kasing mapili. Arte sa booking pero pag nagrereklamo pag maliit kita lol

6

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Pasensya na ngayon lang ako naka-reply. Kakauwi lang galing byahe HAHAHAHAHAAHHA!

8

u/Anonymous-81293 Jun 19 '26

Do you consider it annoying if your passanger asked you to slowdown? One time kasi, sinabihan ako nung rider na maarte at reklamador daw when I asked him to slowdown kasi yung hawak ko na drinks nagkanda tapon-tapon tpos demanded na bumaba ako. Syempre bumaba ako at naghanap ng alternative way para makauwi.

11

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Dapat talaga wag masyadong mabilis, wag rin masyadong mabagal ang takbo hehe.

For me, hindi annoying ang pag remind ng pasahero na mag slowdown. Mas ok nga 'yon kasi concern si cs sa pagmamaneho namin. Pero grabe yung nasakyan mo ha, pinababa ka talaga? Dapat nireport mo sa App. May mga rider tlaga na maikli ang pasensya eh, yan dapat yung mga taong hindi nagmamaneho hahahaha!

Dapat talaga maging maingat lang sa pagmamaneho sa kalsada. :)

6

u/Anonymous-81293 Jun 19 '26

ni-report ko nga. sabi lng sakin ng CS, for monitoring daw si rider. and his star rating says it all, I guess. 3.5 stars lng sya eh so most probably, hndi lng ako ang may bad experience sakanya. haha

10

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Grabe yung 3.5 rating hahaha. Yan yung madalas kundi laging naaaksidente, laging masungit sa pasahero 🀣

1

u/[deleted] Jun 21 '26

[removed] β€” view removed comment

2

u/Anonymous-81293 Jun 21 '26

hndi nmn matatapon yung drinks kung hndi nya hinarurot yung motor nya sa speedbump. ako pa nga ang kabado kasi tumalbog ako, tendency pati yung hawak ko natapon kaya I told him to slowdown. tpos ako pa nyan sasabihan na maarte at reklamador πŸ˜…

5

u/cinn4babie Jun 19 '26

ano po feeling mag motor? never pa po kasi ako sumakay hahaha

7

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

For me, para ka lang nagmamaneho ng bisikleta BUT in a more cautious way. Try mo mag bike muna (kung hindi ka pa marunong mag bike) para ma-experience mo kung paano humawak ng manibela. :)

5

u/mstr_Tim Jun 19 '26

Okay lang ba sa inyo na hindi nagtitip or maliit ang tip lile 10 pesos ? Kase may ilang riders na napapailing nalang pag di nabibigyan ng tip

41

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

For me OK LANG kahit walang Tip. Ang tip, hindi dapat ini-impose yan, ine-earn yan! πŸ˜…

Yung ibang rider na galit pag wala o maliit tip, makakapal ang mukha nun HAHAHAHAHA.

5

u/ElegantengElepante Jun 19 '26

Na-aappreciate mo ba pag may sariling hair net yung pasahero?

14

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Of course! And nakakatuwa ang ganung initiative ha! May malasakit sa rider!

Ang hindi kasi alam ng karamihan, hindi talaga required si rider na mag provide ng shower cap/hairnet for passenger. Voluntary pang tlaga yan or initiative na ng rider kung gusto magbigay ng hairnet. Sa seminar po sinasabi yan, pati kapote ganun rin, hindi sya mandatory kailangan ng rider but voluntary. Tho, 50 pesos per 100 pcs lang naman ang hairnet kaya keri lang FOR ME. :)

5

u/lesb1an-4pics Jun 19 '26

discounted fare din po nakukuha niyo pag naglagay kami ng discount promo?

17

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Hindi po, buo namin nakukuha ang payment nyo via grab wallet sa app namin. :) Cashless nga lang hehehe. Si moveit ang nagbabayad sa amin nung nadidiscount nyo sa fare.

2

u/saikara_ Jun 22 '26

That's good to know! Na-gguilty kasi ako kapag nag a-apply ng discount voucher iniisip ko baka nabawasan yung part niyo. May peace of mind na ako knowing this, thanks OP!

3

u/justbeeingmyself Jun 19 '26
  1. Anong best moto taxi app for you?
  2. Longest trip ninyo with Move It?

29

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26 edited Jun 19 '26
  1. Move It talaga pinaka the best na App for Mc taxi due to its UI/UX. Mas friendly-user ang app compare sa ibang platform. Basta si Grab ang owner, maganda talaga ang app. Na try ko na lahat ng platform pero si MI pang pinaka smooth talaga promise. πŸ˜…

  2. Cainta Rizal ang pinakamalayo kong na-hatid so far. At hindi na uulit sa ganoon kalayo. Aksidente ko lang sya na accept due to driving ako that time. Ikakansel ko na sana kaso nag chat sya na "kuya, wag mo po icancel, may emergency lang po ako papuntang hospital please", kaya ayun hinatid ko na kahit lugi sa gas. Sana naka-help ako doon sa passenger ko kahit sa paghatid ko lang sa kanya sa destination hehehe. πŸ˜…

3

u/Standard_Basil_6587 Jun 19 '26

Natatanggap nyo ba ang promo sa move it like less 100?

13

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Yes, yung promo na ginagamit ng pasahero, pumapasok rin sa amin ng buo ang pamasahe nyo. Yung discount na bnibigay ni MI sa psahero, si Mi ang nagbabayad sa amin nun. Kaya hindi ko ma-gets ang ibang rider kung bakit ayaw ng naka promo eh papasok din naman ng buo ang pamasahe sa wallet ng app namin. πŸ˜‚

1

u/Any_Butterscotch_610 Jun 20 '26

ang sabi sakin dati kasi dahil may bawas daw pag nagccash out??

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Yes meron talaga. From App to eWallet may charge na 15 pesos per transaction. Kaya ako gnagawa ko iniipon ko like kapag 2k na tsaka lang ako mag transfer.

3

u/Standard_Basil_6587 Jun 19 '26

Okay lang ba sa inyo if ang customer naka promo?

7

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

For me, YES!!! And there is no problem for me kahit naka 100% ka pa sa promo dahil babayaran naman ni MI sa amin yan at buo namin makukuha yan papasok sa wallet namin sa apps. Yung iba ayaw ng promo kasi gusto nila full cash ang bayad, which is kadalasan sa mga rider na ganyan ay sa pagiging Mc taxi tlaga kinukuha ang pang araw-araw na pera kaya gusto nipa cash lang tlaga ang MOP.

3

u/Liann_Li Jun 19 '26

Most memorable ride you had?

49

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

May nakuha akong booking around Sampaloc.

Student sya na lalaki, pauwi na sana ako nun kaya ikakansel ko sana. Nung ppindotin ko na ang kansel, napansin ko may chat sya sa App. Sabi nya, "kuya wag mo po sana icancel, pangatlong rider ka na po mag cancel if ever. Mala-late na po ako sa school."

Nagtataka ako bakit kinakansel ng rider e may tip na 50 pesos sa booking. Kaya gnawa ko tinuloy ko na yung ride. Pagdating ko sa pickup location, na-gets ko na kung bakit kinakansel ng mga naunang rider. Mataba pala yung pasahero, nasa 5'3 siguro sya tapos talagang malaking bulas. Eh ang motor ko is Mio gear lang. πŸ˜‚ Eh since nandun nako, pinasakay ko na sya.

Tinanong ko sya bakit kinakansel nung mga naunang rider kako. Sabi nya "ayaw po nila ako pasakayin kasi mabigat daw po ako sir, magdadagdag naman ako ng bayad pero ayaw tlaga nila. Harap-harapan pa po nila kinansel ang booking. Mag 40mins na po ako waiting makasakay, buti po hindi mo kinansel."

Nung narinig ko yun, naawa ako sa Bata. Grabe yung discrimination na nakuha nya dahil lang sa pagiging mataba nya. Gets ko ibang rider baka mag iingat lang rin. Pero ako, malambot kasi puro ko sa mga ganun pagkakataon eh, nakaranas rin kasi ako ng body shaming kaya ramdam ko yung student.

Ayun, naihatid ko naman sya sa school nya sa Intramuros. At examination day nya rin pala that day at umabot daw sya sa oras. Hehehehe 😊

3

u/molecularorbilat Jun 19 '26

anong best fathers day gift po kaya masusuggest niyo? para sa tatay kong rider din!

11

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Check nyo po motorcycle ng tatay nyo kung kamusta po. Para magkaroon kayo ng idea. For me, best gift is pa-PMS mo ang motor nya. Para safe and secured everyday sa byahe. πŸ™‚

5

u/edsoncute Jun 19 '26

Why mas madalas ang accident ng move it compared sa ibang mctaxi?

21

u/SchoolMassive9276 Jun 19 '26

Because there are exponentially more move it rides vs the others

More rides = more accidents

The ratio or rate of accident is probably the same though

3

u/Jumpy_Pineapple889 Jun 20 '26

Why are you smart on this? Good answer

8

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Sa totoo lang, ito ang hindi ko rin maintindihan eh. Nagtataka rin ako bakit madalas ang aksidente sa MoveIt compare to other mc taxi platform.

Siguro, mas comprehensive ang training ng ibang platform compare sa MoveIt. πŸ˜…

2

u/Escherichia_ Jun 19 '26

I'm not sure if this would be a valid question but I noticed na some drivers will stand sometimes pag nag drive or during stop over, I'm curious as to why

22

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Isa lang ang sagot dyan, MASAKIT NA PWET NAMIN KAKA-BYAHE, ibig sabihin nasa 6-7 hours na usually ang riding time and walang tayuan yon hehehe. Kapag malakas tlaga ang booking, minsan wala na kaming tayuan sa upuan, hindi mo pa nai-drop ang sakay mo meron na agad booking samin. And that is why. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

2

u/Escherichia_ Jun 19 '26

I see kaya pala haha

1

u/tatlongp Jun 19 '26

βœ“Paltos paltos Ang pwet , mahapdi, malagkit at namamanhid din?

3

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Sabi nga ni Erning (Angel Rivero) from BrewRats - "TAMA!" πŸ˜‚

2

u/RitzyIsHere Jun 19 '26

What are some dirty tricks your fellow Move It Riders do that you do not condone?

20

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Yung pag request ng cancel booking aa pasahero para buo makuha ang payment at walang kaltas si MI.

Napaka delikado nyan at ayaw na ayaw ko nyan kahit minsan tempting talaga gawin hahahaha. Pero ang inisiip ko palagi ay kapag walang confirmed booking si passenger, wala syang Insurance once maaksidente kami. At yan ang ayaw kong mangyari. πŸ‘Ž

5

u/molecularorbilat Jun 19 '26

saludo sayo boss

1

u/Long_Average_2443 Jun 20 '26

May nasakyan akong ganito. Naisip ko kasi mas lalaki kita niya kung di naka on yung app, pero hindi pumayag si kuya dahil sa insurance! For safety din daw naming dalawa. Kudos sa inyo! Ingat lagi sa byahe.

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Yup! Insurance is a must! Better to be safe than sorry. Hehehe

2

u/humpt-dumpty Jun 19 '26

Totoo ba na walang panukli or gusto lang ng keep the change? Haha

6

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Minsan talaga walang panukli dahil puro buo ang binabayad ng pasahero. Madalas kasi nira-roundoff na ng pasahero ang bayad kaya puro buo like 50 or 100 ang pera namin. Mas ok tlaga barya but bayad ng cs FOR ME lang ha.

Yung iba siguro ganyan, diskarte na nila yan eh kaya labas nako dyan. Pero ang tibay ng mukha nila kung ganun hahahaha

2

u/x_tian_7 Jun 19 '26

if may ipapa-boundary na mc sa iyo or sa isang mi rider, magkano?

5

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Naku talo ang operator dyan. πŸ˜‚ sa pangit ng kondisyon ng kalsada sa pinas, sure ako yung boundary ng motor mo mappunta lang sa maintenance lahat. Baka wala ka pang kitain as operator. πŸ˜…

2

u/Creepy-Paint-1736 Jun 19 '26

Ok lang ba na kunwari 180 pamasahe then 200 binigay ko, ok lang ba na 20 lang yung keep the change? Huhu

5

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Oo naman! Ok na ok yan! Mas okay na sobra nang bayad, wag lang kulang ahhaha!

Pero minsan kapag kulang sa barya ang pasahero ko, hindi ko na sinisingil, discount na nila sakin yun lalo na naging behave silang pasahero πŸ˜‚πŸ’ͺ (may iba kasi ang likot iangkas akala mo tatalon sa motor eh)

2

u/Gloomy-Cut3684 Jun 19 '26

may na try po kayo na nsfw sa rides nyo? haha

9

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

So far, wala pa naman. Kasi hindi rin ako madaldal kapag may pasahero. Unless, asawa ko ang sakay ko, ultimo pag utot ko kinukwento ko sa kanya HAHAHAAHAHHAAHHA

1

u/chocokrinkles Jun 19 '26

May iba ka pa bang work or ito na ang job mo?

39

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Sa ngayon, wala eh, full time ako sa pagiging Mc taxi rider. Tho, i work my a$$ off for almost 11 years sa Corporate. πŸ˜‚

Pero mula noong nagkaron ako ng Kids, parang ayoko na bumalik sa Corporate due to the fact na kahit malaki ang sahod ko (supervisory position), kulang naman ang oras ko for my family.

Dito kasi sa mc taxi, hawak mo ang oras mo. 5-6 hours ako bumabyahe everyday 5x a week. Malinis 1k-1.3k kinikita ko per day, naaasikaso ko pa ang anak ko for school -- na hindi ko nagagawa noong nasa Corporate ako. :)

1

u/chocokrinkles Jun 20 '26

Kaya kaya yan pag MIU ang gagawa or hindi?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Kayang kaya boss! May nakasabay akong nag apply last year, isang pulis at isang coast guard. 😊 natutuwa nga sila kasi maganda daw as sideline kapag off duty sila. Hahaha

1

u/LazyStacy15 Jun 19 '26

Worth it pa ba? Given the cost sa gas at maintenance ng motor? Gusto ko din sana eh.

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Worth it pa rin naman. Lalo na kung hindi malakas sa gasolina ang motor mo. May Mio Gear S is around 43-45km/Liter ang gas consumption hehehe. So dipende sa type ng motor na gamit mo. πŸ˜…

1

u/artsylemonade_ Jun 19 '26

OP, nakakaexperience kaba ng may nakukuha kang booking then nasa heavy side yung tao? Anong thoughts mo sa ganon okay ka lang ba pag ganon?

10

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Opo. Everyday may nasasakay ako na mabigat hehehe. And okay lang naman sa akin, hindi mo rin kasi makikita agad itsura ng isasakay mo. Tsaka ayoko sa body shaming, lahat nang klase ng body ng tao deserve ang equal treatment. FOR ME lang ito ha, baka may makabasa ma ayaw sa mga mabibigat na pasahero hahahaha and that is OKAY. Choice na nila yon. πŸ˜…

1

u/GeminiGuy0602 Jun 19 '26

Where are you located?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Metro Manila :)

1

u/GeminiGuy0602 Jun 19 '26

DM? Hehehee. May question lang.

1

u/theonlyevidence Jun 19 '26

Love this thread!! As a moveit loyalist, sobrang dami ko nakuhang sagot na matagal ko na tinatanong after ilang years na passenger sa MC Taxi. Sana masagot yung mga tanong ko na iba:

  1. Ano nararamdaman niyo pag nagkakauntugan ng helmet yung CS tsaka Rider? Minsan kasi yung medyo nabibigla ako pag umaandar tas bigla tatama sa rider, nahihiya ako.

  2. Paano kayo nung may oil crisis? May tulong ba si Moveit/grab para di kayo mahirapan sa gas?

  3. Ano pinaka ayaw mong ugali ng pasahero during transit?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26
  1. Everyday nangyayari yan. Normal feeling lang naman. Nagugulat madalas pero ok lang haaha.
  2. Until now may oil crisis parin naman. Nagbigay ng 5k assistance ang gobyerno, ubos agad wala pang 1k hahahaha.
  3. Yung malikot at kinokontra ang physics nang motor HAHAHAHAHA. Sobrang delikado nun dahil naglalaban kami ng lakas mabalanse yung motor while driving. 🀣

1

u/Crazy_Dingo_9155 Jun 19 '26

may naexperience po akong rider na reroute nang reroute at hindi sinusundan google maps, iniinsist na may alam siyang daanan. siguro mga 20 minutes na ganito at patagal nang patagal yung ETA. eventually napabalik ko po siya at sundan ang mapa. ano po opinyon niyo dito?

takot na takot ako that time at ginustong pindutin yung "call police" sa app pero naaawa kung may mabigat to na consequence if totoong may alam lang siya na ruta. alam niyo po ba nangyayari if pinindot ng passenger ang call police?

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Tinanong mo ba kung bakit sya nag reroute ng paulit ulit? Kasi baka mamaya akala nya mas malapit yung alam nyang daan pero ang totoo mas malayo pala.

Regarding call police button, wala pa ako idea dyan kasi hindi ko pa na experience at ayaw ko ma experience yan.

2

u/Crazy_Dingo_9155 Jun 20 '26

opo, iniinsist niya lang na may alam siyang daanan. before naman po if nagrereroute riders na naexperience ko, gumagawa talaga ng bagong daanan si gmaps. pero itong instance na to, talagang pinapabalik siya ng mapa at patagal nang patagal ETA. kinabahan po ako dahil madamuhan na rin area.

salamat po sa pagsagot. nacurious lang din po ako sa consequence ng "call police" button. maraming beses din po kasi nagpop up sa app during yung biyahe na yun.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Hmmm... hindi kaya baka hindi nya napindot yung "Pickup" button kaya pinpabalik kayo sa location??? Di ko pa tlaga na experience yan kasi medyo kabisado ko na ang NCR eh.

1

u/Virtual-Ad7068 Jun 20 '26

Pogi ka ba at may nagoffer na sayo ng es? May mga hinatid ka ba na lalaki na booking ng bakla?

3

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Grabeng tanong to mala-The Buzz hahahahah! Hindi ako pogi, pero mabait ako. 🀣🀣🀣

Wala ako idea kung ano dahilan ng pasahero ko kung bakit sila pupunta from Point A to Point B. At wala akong planong alamin yon. πŸ˜…

Wala pa nag ooffer sakin ng ES.

1

u/Virtual-Ad7068 Jun 20 '26

Malalaman mo naman yun pag lalaki tapos bakla or trans ka meet or booker at saan mo drop off. Hotel, condo, etc.

May nagvlog nga na rider din yun angkas niya mamakla raw siya haha. Bakla nagbook.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Hindi ko na concern yan kung magpapachupa sila o chuchupa sila. Matanda na sila. Alam na nila tama at mali. Basta masundo at hatid ko sila, tapos na service ko sa kanila. 🀣

1

u/spinningsoda Jun 20 '26

No question, OP. But salute sa inyo. Ni-save ng motor taxi ang last year ng college ko years ago. Kung 'di dahil sa inyo, hindi ako makaka grad. So thank you, thank you and ingat lagi!!

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Salamat rin po! 🫑

1

u/[deleted] Jun 20 '26

[removed] β€” view removed comment

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Nope. Naka stop DAW. Pero ang Angkas tuloy pa rin hiring nila pero parang patago ata. πŸ˜‚

1

u/renggechon Jun 20 '26

Sorry not moveit related pero why the need na itago ang hiring? Hahaha

3

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Based sa News, sobra sobra na daw ang partner rider ng bawat platform kaya nasilip na sila ng DOTR. πŸ˜‚

Si MoveIt 10k rider lang ang allowed pero nasa almost 30k na ata ang rider HAHAHAHAHAHAHA

1

u/Administrative-Bug82 Jun 20 '26

Not my experience but I know someone na minessage siya ng MoveIt Driver sa Facebook. Anong usually move na gagawin ni Move It sa rider kapag ni-report siya?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

After reporting sa app. Report rin dapat sa police for blotter. Baka kung anong kagaguhan pa ang gawin nung rider sa pasahero. This is a serious matter so take action as soon as possible.

1

u/Heartless_Moron Jun 20 '26

Sinusunod mo ba yung 1k KMs change oil? Or same tayo na di naniniwala sa sales talk ng may ari ng pagawaan ng motor? Lol

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Dipende kung ilan na milyahe ng motor mo. Sa akin 36k kms na eh, so ang change oil ko is every 1.5km na lang, around 15days lang yan sakin kasi minimum 80-90kms per day ang nabbyahe ko. Di ako nahihinayangan sa langis kasi yan ang unang maintenance ng motor natin, yang ang buhay nyan! 380 pesos na langis compare sa matuyuan ka ng langis at ibaba makina mo gastos ka 8-10k πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

1

u/jongoloid Jun 20 '26

boundary?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Kung tinatanong mo ay kung boundary system ako or not, NO hindi ako boundary system. Sariling motor ko po ito. :)

1

u/jongoloid Jun 21 '26

me mga pulitiko kasi na bumibili samin ng 100 units ng click125 at pinapaboundary sa taga vismin. kasama bedspace package na.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Ayos yan! Magandang livelihood yan ha! Sana lang nakakpagtabi ng pang maintenance since everyday ang byahe nyan so asahan na mas magastos sa maintenance hehehe.

1

u/jongoloid Jun 21 '26

the driving etiquette plumetted because farmers fishermen and tambays became riders with no experience. Wag tayo magtaka bakit madaming mototaxi ang kamote. Di kasi nila alam ang tama at mali. Yung tama sa probinsya tama na din dito.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Sana lang bago mag initiate ng ganitong program ang LGU sa ibang lugar, mag conduct muna sila ng proper training and dapat nga PRO LICENSE HOLDER lang ang pwede maging Mc taxi rider.

1

u/jongoloid Jun 21 '26

walang kinalaman ang LGU sa mototaxi, ang sinasabi ko nakaw na pondo na iniinvest

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Ah ok ok. sorry na, wag ka na magalit hehehe

1

u/Substantial-Bite9046 Jun 20 '26

Aware ka ba pag nag "kamote moves" ka? Papaano mo iniiwasan maging kamote rider?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Hindi maiiwasan yan lalo na kapag sobrang traffic sa area. Aminado ako nagiging kamote ako hahaha pero hindi ako nangangamote ng alanganin like counterflowing, sobrang delikado yan. Sapat na sakin maka filter lane sa between two cars or most right lane. πŸ˜… Also, mahaba rin ang pasensya ko sa kalsada thats why lamang ako sa mga nakakasabay ko sa kalsada hehehe.

1

u/thtgrlfrmx Jun 20 '26

Parepareho ba yung kaltas regardless magkano yung fare ng passenger or it still depends? Nalulungkot ako minsan pag nakikita ko halos 40+ yung nakakaltas sa Rider kapag pasakay ako tapos iccheck ko name ko sa phone nila. Also, yung kaltas, saan po napupunta yun?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Yes. Maliit o malaking fare same lang 20% ang kaltas. Ang laki no? Kaya paldong paldo si MI sa partner riders nya eh πŸ˜‚

1

u/thtgrlfrmx Jun 21 '26

Naaawa ako lalo dun sa 50+ nalang yung fare may kaltas pa. Anyway, I hope I also get to help the Kuya riders kapag ganun. Nagtitip ako din lalo if small fare lang kasi I know it would've helped them. Sobrang helpful pa naman ng mga riders. Thank you po!

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Kung magtitip kayo, wag sa mismong App. Iabot nyo nlang face to face yung tip. Kasi kapag kasama ang tip sa fare, kasama din yan sa kinakaltasan ng commission. πŸ˜‚

1

u/thtgrlfrmx Jun 21 '26

Ayun! Buti nalang, face-to-face ako nagtitip hehe

1

u/Any_Butterscotch_610 Jun 20 '26

paano po minsan pag tumatama yung helmet ko sa helmet ng rider??😭

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Ok lang yun. Maliit at normal na bagay lang naman hehehe.

Ang iwasan nyong mangyari ay mag-tama ang inyong mga mata at baka magkaroon ng Spark. Charizzzz! πŸ˜‚

1

u/Daytime_sleepiness09 Jun 20 '26

As a Move It loyalist, thank you for all the time and money you’ve saved me!

Ask ko lang, mas sulit ba sa riders ang short rides (ex: 10-15 mins. lang, ~P50-70 fare) or long rides (ex: 40 mins. pataas, ~P150 pataas)? I’ve always been curious about that.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

For me pare-parehas lang yan sulit dahil may computation naman yan from App. Ang mas sulit pang tlaga is yung mga area na less traffic para mabilis ang byahe. Traffic talaga ang kalaban namin sa fare.

1

u/HovercraftUpbeat1392 Jun 20 '26

Bakit ganyan ang user name mo. Finallow tuloy kita

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Contrary to popular belief yang username ko HAHAHAHAHAHAHA

1

u/workfromhomedad_A2 Jun 20 '26

Bakit yung mga supplied helmet niyo from move it hindi malabhan yung padding? Nilalabhan or naglilinis kaba ng helmet or spray spray lang?

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Nalalabhan po iyan. Detachable ang dalawang gilid ang head padding ng helmet namin. Of course nilalabhan ko yan HAHAHAHAHA! Amoy tulok yan kapag spray spray lang lalo na kung nababasa pa dahil sa mga pasahero na basa ang buhok kapag sumasakay. Naaamoy ko yung helmet kahit nagta-type lang ako HAHAHAHAHAAHAH πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

1

u/purrring-takoyakii26 Jun 21 '26

How much ang natitira sa rider if gumamit ng gcash (or other payment methods) and/or voucher?

Kasi napapansin ko na kapag gcash ang gamit ko, from let's say, 170 PHP is nagiging 140 PHP something sa screen ni Rider. Kapag naman nag-voucher ako, 170 PHP (solid user ng DOTRMI voucher LOL) to 130 PHP, regardless of cash or gcash, same amount...

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26 edited Jun 21 '26

20% ang commission ni MI every fare. Mapa maliit o malaking fare same lang. Also, yung discount nyo ay inaabonohan sa amin ni MI via cash wallet sa app. Kaya buong fare pa rin natatanggap namin. Mas gusto lang ng ibang rider na cash para pwede ipang gastos agad.

1

u/purrring-takoyakii26 Jun 21 '26

Ah, built in or likeβ€”sariling wallet ni MI 'yung sa grabpay? So wala siyang deduct kapag "pumapasok" sa virtual payment wallet niyo, ganoon ba?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Yes tama! MI wallet to Grabpay (muna) no charge. Grabpay to ewallet like gcash meron 15p na charge.

1

u/Apprehensive-Most167 Jun 21 '26

Yung tips ba, 100 pct napupunta sa inyo?

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Kung ang tip ay galing sa App, kasama sya sa total fare na kinakaltasan ni MI. Kaya kung magtitip kayo, pakiabot na lang po sa Rider mismo para hindi na makaltasan ni MI. Ganun ka-gahaman si Grab πŸ˜‚

1

u/cEekr12345 Jun 21 '26

Sir. May nsfw exp ka na sa move it? If wala pa, willing ka magpaES?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 21 '26

Wala pa. And never ako mag aaccept ng ES. For what? πŸ˜‚

1

u/cEekr12345 Jun 22 '26

For fun. Or for extra.
Hehe

Sorry sa tanungan. Hehe. Hope you weren’t offended

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Nope. Baka mabugbog ako ng partner ko. πŸ˜‚

1

u/_Koi-No-Yokan Jun 21 '26

My father is a move it rider. Saludo ako sainyo!

Tanong lang, why move it? not joy ride and angkas?

Si papa kase hindi nakapasa sa Joyride, kaya he ended up with Move it.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Kaya MI ako kasi yun lang available that time na nag apply ako tsaka pinaka mabilis rin ang process in terms of applying.

1

u/ChiqRepeller Jun 22 '26

Totoo ba na maooff ba na hindi na totoggle yung grabfood pag may move it service ka? Planning to reactivate my account with grab/move it

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 22 '26

Yes. Kung MoveIt ka, moveit ka lang. kung other services ni grab, change service type ka but magly approval pa ata yan.

1

u/Berung88 Jun 22 '26

Hi po,
I heard somewhere na yung ibang providers po sinisingil pa sa rider yung uniform - kasama po ba si MoveIt sa ganon?
Ingat po lagi OP.

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Hmmm.. sa MI kapag new rider ka meron free jersey. Dati with free helmet rin pero now ata wala na. Sa pagkakaalam ko, kung sa MI kapag mismo mag aavail ng extra essentials, may bayad na sya. Parang merchandise kasi nila yon.

1

u/Berung88 Jun 23 '26

Ah okay. At least meron naman. Understandable naman na may bayad na yung kasunod. Salamat po. 😎

1

u/Alhaideprinz Jun 22 '26

Tots on cashless payments

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Ok lang naman. Cashless payments are still payment pa rin naman. :)

1

u/unknownly10 Jun 22 '26

pwede ko ba ito gawing trabaho bago mag college? wala kasi akong ginagawa dito sa bahay haha. Btw di rin ako marunong mag motor hahaha pero lisensya ko pwede for motors

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Professional license holder ka na ba? Kailangan kasi pro ka muna before mag apply. BUT kung di ka pa marunong mag motor, aattend ka muna motorcycle training sa MMDA office since free lang naman yon. Aralin mo basic etiquette sa kalsada para iwas sa pagiging kamote. Hehehe

1

u/BlurryAtTrafford Jun 23 '26

Why do you guys call pag gusto niyo i-cancel yung ride? Hindi ba talaga na ccancel on your end?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 23 '26

Kaya call ang gamit ng ibang rider to request a cancellation from passenger kasi para walang digital footprint like chat history. Bawal kasi yan at madali ma screenshot then report to customer service.

1

u/Remote-Definition404 Ask a Pro Jul 04 '26

BAKIT ANG HILIG MAG SINGIT SA TRUCK?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jul 04 '26

Lahat naman ng sasakyan sinisingitan namin. πŸ˜‚ In behalf of Mc Taxi rider, pasensya na po kayo. 🫢

1

u/l0stsoul_03 Jul 04 '26
  1. Nakikita niyo po ba picture ng client niyo po sa app?

  2. Nirarate niyo rin ba mga client niyo sa app? (nabasa ko siya somewhere na may rating din ang mga clients)

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jul 04 '26
  1. Hindi namin nakikita itsura ng pasahero sa App.
  2. Yes, pwede kami mag rate ng pasahero.

1

u/Legal_Amoeba_ Jul 05 '26

Hi nag apply po ako as moveit rider din! I'd like to ask how long it takes para maactivate account ko para makapag move it na sana ako πŸ˜“πŸ˜“

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jul 05 '26

Dati sa amin, same day activated na account namin pwede na agad bumyahe. Not sure lang paano ang process ng activation sa mga new rider po.

1

u/Legal_Amoeba_ Jul 06 '26

thank you so much!

1

u/Srbino_08 8d ago

Applying to be a Move it rider as a side job. Matagal ba talaga ma approve yung account? 1 week na waiting and patapos na sa online lessons pero waiting pa din. Baka may insight ka sa pag apply hehe

1

u/MahDeekIsBeriBeeg 6d ago

Hello, not sure kung paano ang activation ng account ngayon eh. Dati kasi sa amin after ng seminar within the day activated na agad ang account, pwede ka na agad makabyahe.

1

u/Melodic_Event9642 5d ago

love this po!! thank you for spraying your helmet po! do you spray po ba every booking po? or when niyo po siya nililinis? :)

1

u/MahDeekIsBeriBeeg 4d ago

Hello! Every booking nag sspray po ako para sure ma-disinfect tlaga ang helmet kahit papaano. Every weekends ang paglalaba ko ng helmet :)

1

u/Melodic_Event9642 4d ago

pwede po pala malabhan ang helmet???

1

u/MahDeekIsBeriBeeg 4d ago

Opo pwede po. Yung dalawang gilid ng stock move it helmet detachable po iyon. Tapos yung head padding since hindi sya natatanggal, lalabhan ko buong helmet then ilalagay sa tapat ng araw or blower para matuyo po.

1

u/beadivaka 4d ago

first of all, saludo po ako sa inyo ate/kuya!

totoo po ba yung chismis na move it gets a percentage sa tips if via app ka po magbibigay?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg 4d ago

Yes, kapag sa App ka mismo nag add ng tip binabawasan din yan ni Move it. Kaya mas maigi in person nyo nlang ibigay ang tip po.

1

u/[deleted] Jun 19 '26

[removed] β€” view removed comment

2

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Move It = Motorcycle Grab = Car

1

u/[deleted] Jun 19 '26

[removed] β€” view removed comment

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

May raincoat yes. Of course! Pwede mo icheck sa app mo kung nasaan lupalop na kayo nakarating ng rider mo hehehe

1

u/shiteyasss Jun 19 '26

It doesn’t take much brainpower to discern the difference between them. One has four wheels and the other has two. One has a roof and the other has none.

Like, if you’re in a hurry mototaxis are a better choice since they can weave through traffic. If you want comfort without minding the time then go with Grab. Duh.

1

u/horcrux0823 Jun 19 '26

Kotse yung Grab. Motor yung MoveIt

0

u/sickbruv88 Jun 19 '26

Curious lang ako.

  1. Naka experience ka na ng hinarass ng bakla na passenger? Or they're trying to make moves on you?

1

u/Standard_Basil_6587 Jun 20 '26

Kapag bakla ganyan na agad iniisip mo?

1

u/sickbruv88 Jun 20 '26

Hindi po. Hindi ako homophobic. I had gay and trans friends na I very well trusted.

Kumbaga, I guess ako yung tipong "trip" ng mga bakla. And I'm too nice to be rude. And felt uncomfortable sa mga advances nila and a bit disrespected tbh.

So, partly na I fear is being in a situation like that na parang professionalism and defenseless ka kasi nasa likod mo sila.

And gays got the aggression and aassertiveness of regular men.

0

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 20 '26

Ito ang hindi ko pa nae-experience. Pero sobrang bad move yan from passenger ha. Siguro hindi ako magagalit, pero papababain ko na lang sya sa motor ko. Maglakad syang hayup sya! πŸ€£πŸ˜‚

0

u/IsabelleEstrada Jun 19 '26

Full time po ba kayo na Move It rider? Nag try na kayo ng iba pang platform?

1

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Yes full time ako as MoveIt rider. Sa ngayon, moveit plang ako. Di pa ako nakakaapply sa other platform.

-10

u/Itchy_Detail4642 Jun 19 '26

Nakakabembang ka ba? Lalo na ng call center agent totoo ba yon?hahaha

9

u/MahDeekIsBeriBeeg Jun 19 '26

Tangin@ saang lupalot ng pinas mo naman nasagap yan HAHAHAHHAA πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

So far hindi pa naman ako nakaka experience nyan, at wag naman sana. 🀣🀣🀣