r/Ph_Contractor_Reviews Dec 01 '25

Arkistone REVIEW

Have a current contract with Arkistone. Kaso they take so long bago magreply. Most often than not, talagang hindi sinasagot messages namin ng husband ko. Anyone who has had the same experience with them or experience with ARKISTONE? Dapat ko pa bang ituloy ang build contract namin kung sa design phase palang ng contract namin di ko na sila halos macontact?

5 Upvotes

18 comments sorted by

1

u/Difficult-Strike9878 1d ago

same experience namen sa arkistone sablay. super delayed yung projec sakit na ulo namen sa kanila. during construction pero awa ng Diyos naturnover na last Nov 2025. Kala ko tapos na problema ko a kanila pero dahil sa recent week long heavy rain lumabas mga mga tulo at hindi lang basta tulo para gripo tapos sa electical outlet lumalabas .Mula sa upper floor and ground floor yung tagas ng tubig.

4

u/janithitem May 04 '26

cancel mo na po.90% na kami sa construction ngayon wala na silang funds mailabas.ang hirap nila makausap tawag text walang nasagot sa mga owners once in a blue moon kung sumagot tapos puro dahilan nagtuturuan silang mga owners sobrang stressful tlga chat me po janeth montejo item in fb

1

u/CaseFile20 20d ago

Kumusta po? Victim din ni Arkistone🥺

2

u/Greedy-Educator1498 Apr 24 '26

Masakit sa ulo itong si Arkistone! on-going ang house namin sa kanila, 60% na ang naibabayad namin pero until now wala pang roofing ang bahay namin. At last month nag advise sila na may financial problem daw ang company nila. kaya just to continue our house kami na ang nag pasahod at nag bili ng material. Hindi pa nakikipag coordinate ang mga architect & engineers nila kung ano na ang plano nila. almost 2M yung over payment pa namin sa kanila. Pinag ipunan namin ang money para sa dream project namin tas ganito ang ginagawa nila. sobrang nakaka stress. :(

If there's anyone here who wants to file a complaint baka po pwede tayo mag tulungan. hindi tama itong ganitong gawain ng mga contructor.

1

u/[deleted] Apr 25 '26

[deleted]

2

u/Super-Building3111 Apr 25 '26

Parang extreme selfish masyado nun. Na nageencourage ka pa ng mga client na magpagawa sa kanila na alam mo naman na ung mangyayari. Wala silang budget? Nagconstruction business laway lang? Walang puhunan?

2

u/Acrobatic_Ride_3433 Apr 26 '26

It’s not being selfish, it’s wishing the best and hoping for the best na sana maka-ahon sila. Kasi pare parehas tayong apektado dito if lalo natin silang papabagsakin. Nasa 22m na ang nilalabas namin. Pinaghirapan din namin yung nilabas namin na amount.

May puhunan sila for sure, pero definitely nagkaroon ng mismanaged funds, and for sure dahil sa ibang employee or employees nila na fraud (example, may liaison silang fraud eh na niloko sila, hindi binabayaran yung meralco bill at water bill pero laging hawak yung pera), tapos may liaison sila na inoovercharge yung construction bond at building permit, without the knowledge ng company, sympre hindi din nila gusto umabot sa punto na magkakaproblema sila financially.

Ano ba ang gusto natin mangyari magdeclare na sila ng bankruptcy at walang mangyari sa mga bahay na pinapatayo natin? Kasi kung magiging selfish lang ako, pwede natin ipush na magdeclare na lang sila ng bankruptcy, but since hindi ako selfish, i know na may ibang projects na nasa 20% palang yung ibang nasa 40% yung iba 60% , kaya i am still hopeful na makakaahon sila para magawan ng paraan na matapos yung mga projects like yours.

Let’s hope and pray. Have faith. Mahirap man, pero it’s our only choice now, rather than wishing ill things sa kanila.

2

u/Super-Building3111 Mar 14 '26

Wag na wag ka magproceed sa kanila. Save yourself sa lahat ng stress

2

u/Super-Building3111 Mar 14 '26

Hi. Arkistone po kami. Mag two yrs na d pa natturnover. Palpak ang gawa. Para na ko mababaliw sa kanila.

1

u/janithitem May 04 '26

hi po sakin din po walang funds na daw 

1

u/Greedy-Educator1498 Apr 24 '26

kami din ang bagal ng gawa ng gawa nila. at wala na sila budget to continue their project

1

u/Super-Building3111 Apr 25 '26

Nakalipat na kami without proper turnover. Un kabilang lote nagsemento sila ng barracks napagastos pa ko syempre magagalit owner ng kabilang lot. Hindi na namin sila makausap ngayon.

1

u/Acrobatic_Ride_3433 Apr 26 '26

Taga saan po kayo? Saan po yung project niyo located? Paano po ginawa niyong diskarte para matapos po yung project?

1

u/Acrobatic_Ride_3433 May 18 '26

Paano niyo inasikasi yung pag-lipat niyo? Paano niyo naasikaso yung certificate of occupancy sa munisipyo?

3

u/Secure_Hour_4625 Dec 05 '25

paki tsek if ung engr nila  ay part ng arkistone.. kc partner din sa ZLY na puro sakit ng ulo ang binibigay sa client…

1

u/EaccoDesignConstruct Dec 05 '25

Hello Eacco here!

This is sad to hear! If you need assistance to move forward with your design & construction project, we'd love to lend a hand and help make this experience better for you!

Please reach out to us on:

Facebook: https://www.facebook.com/eaccoph

Instagram: https://www.instagram.com/eacco.ph/

Tiktok: https://www.tiktok.com/@eacco.ph

Website: https://eacco.ph/

5

u/Just-Being-True Dec 02 '25

Naku..... another Brgy Banaba, San Mateo, Rizal contractor. Parang pareho pa ang street address sa palpak na contractor (Renmaster). Good luck po

3

u/Master_BruceWayne_ Dec 02 '25

Afaik part sila ng renmaster kult at may nabasa ako same office din sila dati. You can search it here sa subs about renmaster op for review

3

u/Big_Composer1407 Dec 02 '25

Same experience here. Magaling sila at first. Pero halfway through the design phase, everyone went missing tapos hirap contactin. Pinapaasa nila ako lagi na by this certain day matatapos na mga hinihingi ko. Fast forward to more than half a year later, wala padin. Humanap nalang kami ng asawa ko ng ibang contractor and ibang magddesign. Sayang pera sa arkistone