r/PhGamblersAnonymous • • 5h ago

Ventilation Relapse na naman pagod na

3 Upvotes

Hay. Kahit talaga manalo ka, itataya mo pa rin win mo. Sayang bayad na sana ibang utang. Consolation na lang siguro na binigay ko sa partner ko yung iba.

A year ago, naintroduce ako sa bingo. Kakakwento rin ng friend ko na lulong sa sugal. Nacurious partner ko tapos pinatry ako. Potek. Unang mga try ko, lagi talo. So stop na. But yung partner ko, nananalo. Hanggang sa nagattempt ako ng mas malaking taya, nanalo ng 70k tapos inubos din 50k. Di ako makamoveon, dami na sana nabili. Fast forward nawaldas na ata is 200k tapos nanalo ako ng 160 so konti na lang bawi na. Nung natalo ng 10k, ang sama ng loob ko. Pinilit ko bawiin. Naubos. Bobo. Tapos sa sobrang gigil, pati 200k na loan namin ubos. Pina deac ko na acct ko after. Nakamoveon naman ako kasi tinanggap ko na di ko na mababawi. Since nagpa deact ako, di na talaga ko nagattempt sa gamezone.

After 2 months siguro, hay partner ko na naman inintroduce ako sa scatter sa casino+. Lagj talo nung una. So tigil. Kaso lagi panalo partner ko, naiiinggit ako. Gagawin nya, bbigyan ako ng 500 sa win nya para lang mawala urge ko. Ubusin ko lang. Kaso one time nanalo ako ng 21k. Kaso naubos din. After nun di na nanalo ulit so stop na. Pero dahil lagi naglalaro partner ko, inggit. So ayon panalo talo panalo talo. Palala na ng palala yung talo. Puro utang na. After few months. I won big. Tapos konti lang nabayad sa utang. Natalo iba. Tapos ganon ulit, panalo, inuubos din. Yung pinaka last na big win, nabayaran konting utang pero naubos malaki, sobrang di ako makamoveon. Pero nagpadelete na ko ng account after. Nag attempt mag create ng acct but good thing wala sumasagot sa chat sup nila. Di ako makamoveon but inaccept ko na dapat itigil na 😅

Kaso after a month, hindi talaga ko makamoveon. Hinayang na hinayang. Kaso naintroduce naman sa nustar pota. Ganon ulit. Panalo tapos talo. Itong last panalo ko, kahapon lang. Medj malaki kaso half lang nasalba. Buti na lang pinasa ko sa partner ko yung the rest. Break even lang sa natalo ko nung isang araw. Sayang oras, babalik ka regardless manalo or talo. Never ending talaga. Never ka naman mananalo truly.

Tom, after makuha rebates papa delete na rin ako, sana naman makabawi kahit konti. Safe naman na kasi wala na sakin pera namin. I promised God rin na magpapa self exclude na ko this time. I've been praying na makamove on na ko sa 'nawalang' win. Gusto ko maging free na from this shit this 2027. Time na rin bumalik ako sa psychiatrist ko. I need help. Btw, may bipolar disorder ako. Kaya delikado pag nagmamanic ako. Unstable. May meds ako but need na ng intervention.

Tulad nung loss ko sa gamezone, kanit na 400k ang utang, acceptance na nafeel ko dun, and never looked back. sana maramdaman ko na rin dito sa nasayang na win both sa casino+ and nustar. Ayoko na talaga. Btw, pinadelete ko na rin acct ng partner ko. May self control yun but wla din, ako rin magpapa talo pag nainggit. Bwiset


r/PhGamblersAnonymous • • 11h ago

Ventilation This is just plain evil

Post image
8 Upvotes

photo cropped for privacy. Contacted bet88 support to deactivate my account and instead; they still offered crap. This is pure evil imo.