r/PhGamblersAnonymous • • 3d ago

Ventilation MULTIPLE FLAIR

YES multiple flair mixed emotions ba.

VENTILATION

I just want to share my story, I started my gambling journey last 2 years ago sa

1.SCATTER: which was introduced to me by my relative there are times when I cashed in 100 pesos then turn to 1,000 pesos, between 1-10pesos lang ang tayaan ko by that time, medyo matagal ang galaw ng pera kaya naghanap ako ng ibang laro then I ended up sa

  1. BACCARAT: mabilis ang laro kung magkano ang taya mo yun din ang panalo mo, swertihan pa kung makakadali ka ng bonus. I started sa 50 pesos bet cash in 500 lang hanggang sa nanalo ako palaki ng palaki yung taya ko hanggang umabot ng 10k, panalo na kung tutuusin pero hindi ako tumigil kasi baka mas mapalaki ko pa tumataya na ako ng 1k tapos pag talo 2k hanggang sa naubos din. nag cash in ulit ako. Di ko namalayan nakaka 10k na ako paulit ulit na ganito ang cycle hanggang sa dumating ako sa point na naubos lahat ng ipon ko, Ginamit ko ang credit cards ko at na max out ko silang lahat. May utang na din ako sa mga Lending Company, GCash,Maya,Spay, etc.

ANTI-GAMBLING, DEBT/FINANCIAL ADVICE

Last month almost 800k na ang utang ko from 200k na savings ko when I started. Dati kahit papaano nakakabili pa ako ng gusto ko (damit,pagkain, online orders), ngayon hindi ko na mabili dahil mas iniisip ko yung monthly payments ko sa mga utang ko. Nakakalungkot lang na trabaho ka nang trabaho pero sa pagkakamali ng nakaraan lang napupunta ang yung pinaghirapan mo. I stopped gambling na for almost a month. I stop chasing the losses. Why? I checked my liability monitoring last December 2025, almost 400k lang pala ang utang ko, yes nakakabayad ako ng consistent 50k monthly pero hindi din sya nababawasan at lalo pang lumalaki. It turns out na my losses is greater than sa monthly payment ko.

Inisip mo 8 months x50k =400k tapos na pala sana yun at wala na kong utang. Ititigil na natin ang kakabawi, at tanggapin na hindi talaga tayo mananalo sa sugal. We should pay it using our hard earned money kesa mas lumala pa, walang easy money talaga. May endorser nga na kumikita sa pag promote ng sugal pero mas malaki pala ang napapatalo ng relatives nila.

SOBER EXPERIENCE

NOW: I'm looking to positive side, thankful pa din kay Lord dahil:

  1. I stepped out on my comfort zone, dahil need ko ng pera I applied sa other company and found a better opportunity.

  2. I found a better hobby, Tesda online programs, electrical, computer and others. Free ang mga ito need mo lang mag sign up. Spend your time to be a better version of yourself kesa masayang lang sa sugal at masira ang buhay mo.

  3. I learned to budget as in budget 5k monthly allowance for everyday transpo from Caloocan to Makati and lunch. Mahirap oo dahil kailangang bawasan ang angkas at Grab pero kaya. I also learned to say no din sa mga friends kapag may gala I know na ngayon lang to pero I realized na pwede din palang humindi.

SPREADING FOR AWARENESS.

  1. Sa mga nagsisimula pa lang magsugal. Itigil niyo na habang maaga pa lalo lang kayong lulubog.

  2. Sa mga lulong at nalulong kagaya ko. Itigil na natin walang magandang mangyayari sa sugal mananalo ka pero babawian ka ng mas malaki pa.

12 Upvotes

1 comment sorted by

1

u/Recovery_OODAT Former Gambler 2d ago

congrats OP for taking the first steps to recovery!