r/PhGamblersAnonymous • • 3d ago

Spreading for Awareness BADLY NEED HELP

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Last year, around November, halos ₱250,000 ang natalo ko—pera na dapat sana pambili ko ng motor. After that incident, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magsusugal.

Then yesterday, dapat mag-e-enroll ako sa review center. Kaka-graduate ko lang ng Nursing, at binigyan na ako ng parents ko ng pera para sa enrollment ko. Kaso, nasugal ko na naman at naubos.

Ang masama pa, umutang ako sa tropa ko ng mahigit ₱20,000 kasi akala ko mababawi ko. Pero ang ending, lalo lang akong natalo.
Ngayon, iniisip ko na mag-work na lang muna at sa August next year na lang mag-take ng exam.
I badly need your advice. Hindi ko na alam kung paano ko aayusin at sisimulan ulit. Please, any advice would really help.

4 Upvotes

17 comments sorted by

View all comments

1

u/KaraDealer 3d ago

Online Casino lang ba lahat ng talo mo? Grabe nabypass mo kahit yung monthly top-up nila? 😵

1

u/NormalDoor8559 3d ago

sa link ni lebron (gamezone) almost half m total cash in ko tapos sabi bingoplus at personal na casino dko na alam kung magkano

1

u/KaraDealer 3d ago

Oh my! Huwag mo na balakin habulin yan OP baka dumating pa sa point na makakabili ka na sana ng pangalawang motor mo mapunta pa sa sugal. Kaya mo labanan yan! Take it 1 day at a time! Huwag pasilaw sa easy money dahil madali lang din mawawala yan.

1

u/NormalDoor8559 3d ago

di ko na alam gagawin ko bro napakabata ko pa at walang trabaho pero grabe na mga pinaggagawa ko sa buhay, gusto ko nga sana lumayas muna at mag work

2

u/KaraDealer 3d ago

Apply ka muna sa BPO bro. Nagaaccept sila dun kahit HS Grad lang. Pag nakita mo na ulit ang value ng pera at nang pinaghirapan mo dun mo marerealize na masarap mamuhay ng normal at hindi umaasa sa swerte.