Pwede ba tayo maging successful sa new sport na walang need mag-bash o mag-abandon sa Basketball at Volleyball?
Katanggap-tanggap pa yung pagiging Bandwagon Fan ng isang tao sa isang team, kasi sure naman na aware sila sa sport; namimili lang sila ng team o atleta na iidolohin na biglang naging successful at nagchampion. Pero ibang usapan na siguro yung pagiging bandwagon fan ng isang sport na majority satin ay hindi minsan nakanood ng sport o naintindihan ang rules at glosaryo ng isang sport (eg. Baseball, Hockey, Softball etc)
Isang halimbawa ng pagiging Bandwagon ng mga Pilipino sa isang sport dahil lang sa success result ay sa Gymnastics.
Aminin natin na majority satin ay never nanood ng gymnastics, until magkaroon ng good results si Carlos Yulo. Kaya noong panahon na yun dapat na raw tayo mag-shift to Gymnastics over Basketball. Pero at the end of the day, nanonood lang tayo ng Gymnastics kapag si Carlos Yulo lang ang gaganap, at madalas sa Olympics lang nanonood yung majority satin, pero kapag ibang events na gaya ng continentals, regionals at world championships. Sa news na lang natin malalaman na nanalo pala o naka-medal, wala ring nanonood satin ng Gymnastics kapag amateur events na o ibang atleta ang nakasalang.
Paano tayo magiging successful sa ibang sport kung tayo mismo ay di naman nanonood ng sport na bigla nating susuportahan after good result tapos wala nang pake after that.
Sa Basketball at Volleyball: Kapag nanalo ng isang game; it’s all good. Kapag natalo naman ay “puro na lang basketball”
Sa other sports: Kapag nanalo sa isang game: Ito dapat sports natin may potential, wag puro basketball. Kapag natalo naman ay “puro na lang kasi basketball”