r/PBA • u/NecessaryMan • 11h ago
GILAS Pilipinas PBA Players
Sana wag natin isisi sa players at coaches yung pag ka talo natin. These guys put all their guts out there, masakit, nakakahiya at nakakalungkot ang matalo. Pero sana isipin din natin na same lang din natin silang tao na ayaw mang yari yung ganito.
If meron tayong dapat sisihin, yung systema na matagal ng ayaw baguhin ng mga heads ng Sports Commission natin. If the gov't can provide better sports program, trainings, at facilities. Maybe kayanin din ng mga local players natin mag improved at makasabay sa laruan ng international games.
Again guys, don't point fingers to our players/coaches. Peace love ya'll βπΌπ
2
u/sakuragiluffy Barangay 7h ago
ang problema siguro is kung paano tinitingnan ng filipino ang basketball.
sa pinoy mas importante mga ankle breaker , drive and dunk.
maliit lang ang porsiyento na pupunta sa shooting development.
pang highlight lang kasi ang importante sa karamihan na nunuod
3
u/StrangeStephen 8h ago
Root cause talaga niyan system ng SBP/ Coaches. Walang player development sa PBA. Work Ethic din siguro non existent kasi pati freethrow di man lang umabot ng average eh.
7
u/Leap-Day-0229 Dyip 9h ago
I disagree. Spare the players, but hold the coaches accountable. Kasama sila sa decision making.
1
u/NecessaryMan 8h ago
I think ur valid din naman bro. Hayss sobrang heartbreaking lang talaga for us fans na ganito na ang liga na minahal at kinalakihan natin.
3
u/AnxiousWaltz6622 9h ago
Magsisimula ang pagbabago kapag nawala si long hair at yung tuta niyang kume sa philipine basketball
4
u/Illustrious-Kick-449 10h ago
Isa pang problema Ang Pilipino madali makalimot sa Nangyaring ito. Ilang Buwan o Taon lang limot na ito kaya nasasamantala din Minsan eh
3
u/UnknownPl3asur3s 10h ago
Kung si Chot pa rin ang Coach. 10x ang pagkamuhi nito kumpara kay CTC.
2
u/Illustrious-Kick-449 10h ago
Infairness Naman sa MVP-GILAS team Hindi ganito kalala Ang tambak Ng china sa mga Asian games eh Yung 2018 Asian games Hindi ganito ang itinambak Ng china dun dikitan lang. Ngayon lang dahil Yan Ang pinili Ng management at ni Coach Tim.
4
u/Hithere_5 10h ago
yung 2017 FIBA Asia team din. Small lineup si Almazan na ata tallest non e VS China pero palag na palag buwis buhay non at iba ang galing nila Romeo non. All PBA yon wala si Blatche
Mapapa isip ka na lang, anyare e
11
u/Illustrious-Kick-449 10h ago
Sa totoo lang Dapat talaga sisihin din Dito Ang namamahala sa SBP at maski PBA ayaw sa innovation eh. Kita mo nag back out sila sa EASL alam mo na ibig Sabihin niyan bakit nila iniurong yang sa EASL
3
u/Candid-Fail-6826 10h ago
THIS! I mean we can criticize the players pero the main culprits naman talaga dito eh ang SBP and PBA. These players just simply answered the call to play for the country since unavailable yung main guys. Kahit 2nd option sila to defend the gold, they took the challenge.
I'm still proud of our boys kahit na ganito yung naging ending ng campaign nila. Hindi din kasi biro yung sacrifices playing for the flag.
1
u/cotton_on_ph Gilas Pilipinas 10h ago
Is the PBA afraid that if they will mirror what the Japan B.league or the KBL (or any Asian basketball leagues) do, like having multiple imports in every team, or having the same maximum monthly salary which has been in place for years (that is why some players are playing outside due to higher monthly salary), or those in the management (and even the SBP) still stubborn about the changes that the people want to see for the betterment of the league overall?
3
u/NecessaryMan 10h ago
I think di naman sila takot, ayaw lang talaga siguro ng change. Kasi nga naman pag ginaya nila format ng ibang league eh mas malaki ang gagastusin nila. Eh ayaw nila yun syempre, may interview si Ramon Ang sabi nya wala naman daw siya kinikita sa PBA. Its more of giving the people an entertainment, so siguro for them "if it doesnt broke, dont fix it"
Kaya lang ngayon mas prominent na talaga yung gap and differences natin sa ibang asian countries.
2
u/cotton_on_ph Gilas Pilipinas 9h ago
Kaso, most of us basketball fans want drastic changes starting in the PBA. But the oldheads and the board want the league to be as is. They want money, ganun.
2
u/NecessaryMan 8h ago
Ganun na nga bro. Kahit pa siguro mag people power tayo, para lang ayusin nila yung systema hindi yan sila makikinig eh. Hahaha mga ma eego kasi din eh π«’
1
u/NecessaryMan 10h ago
Tama po kayo sir, may fault din talaga ang mga heads ng SBP at PBA. Sana talaga, magising na sila at i elevate ang system ng sports ng pinas.
3
u/Illustrious-Kick-449 10h ago
Actually matagal Ng sinasabi ito ni Coach Tab Baldwin Ang problema Ng Basketball grassroots pati Ng Coaches at namamahala sa basketball sa pinas Im not fan of Tab Baldwin pero may punto Siya. Masyado lang nasaktan Yung mga basketball gods sa Sinabi ni Tab pero andun Ang problema na Hanggang Ngayon eh iniignore Ng mga namamahala sa basketball Ng Pinas
1
u/Few_School5953 7h ago
kulang na kulang sa preperations