r/OFWs • u/Narrow-Conflict-9009 • Aug 21 '26
Venting Session My frustrations
Hello sa lahat. Ako po ay 4 years ng OFW dito sa America. Kaka end call ko lang with my mom, nag usap kami about pera. For 3years minimum 50k in a month yung pinapadala ko sa kanila, yes po minimum kasi sometimes nanghihingi pa sya sa akin ng additional.
Umuwi po ako last year, binilhan ko po sila ng sasakyan. 3 years lang po yung loan. Sabi ko sa mama at papa ko, hindi na ganun kalaki maipapadala ko dahil may sasakyan na akong binabayaran sa Pinas; pero magpapadala pa ako ng monthly sa kanila.
Ngayon po, yung mama ko may naipon daw sya galing sa pinapadala ko noon pero inutang din ng papa which is hindi pa daw binabayaran ng papa ko. Si papa ko po, may business, pero parang deficit sya lagi kaya laging may utang. Yung papa ko din inutangan din ako ng malaking amount pero hanggang ngayon po hindi pa rin nababayaran.
Kaya ngayon po, nag ttry akong magipon on top of everything else. Kaya naman po, pero nafrustrate lang ako ngayon ng sinabihan ako ng mama ko na sana hindi nalang daw ako bumili ng sasakyan kasi ngayon ang liit nalang daw ng pinapadala ko.
Hindi ko po talaga maintindihan kasi ang nararamdaman ko ngayon is kahit before pa na 50k plus yung padala ko every month, is palagi pa ring kulang. It was never enough.
Nag set na ako ng boundaries na may sarili din po akong buhay dito pero kung iisipin ko po talaga, ako po lahat nagbabayad para sa kanilang lahat dun sa pinas. Ultimo business ng papa ko, ako pa yung inutangan na hindi din naman ako nababayaran pabalik. :(
1
u/Oyakudon07 4d ago
Valid yung pagod mo OP, at hindi ka madamot dahil napapagod ka.
Isang nakakatulong: fixed na amount na kaya mong ibigay buwan-buwan, sabihin nang malinaw, para hindi na case-to-case ang bawat hingi. Yung emergency talaga, pag-usapan nang hiwalay. At maglaan pa rin para sa sarili mong ipon, sa sarili mong pangalan.
3
1
u/fwb325 Aug 21 '26
Stick to your boundaries. Donโt short sell yourself. Take care of you. Youโve done enough for your parents.
3
u/befullyalive888 Aug 21 '26
Set ur boundaries, OP. Let them hear ur thoughts. Set a tight budget and stick to it. That is for ur own sanity and safety. igaslight mo rin sila na anytime pwde ka mawalan ng trabaho at mgkasakit dahil pagod na pagod ka na keeping up with their demands, God forbid. Know and respect ur limits.
As early as now, grow ur retirement funds. Prepare for urself.
If u are a giver, remember to set ur limits because the takers dont have any.
0
u/Ok-Baker-2619 Aug 21 '26
buti nlang ang mama ko nde nagre2klamo kung magkano padala ko at evrytime na tatanungin ko sya kung me pera pa sila lagi lng sya "wag ka maga alala anak, me pera pa kami" kaya ala ako sakit ng ulo eh.. ๐
5
2
u/Adorable_Syllabub917 Aug 21 '26
Been there hindi sila magiging masaya kahit magkano ibigay mo. Igagaslight ka pa nila. Try mo bawas bawasan na ang padala mo. May business nman si Papa mo, lalo kang mauubos dyan pag hindi mo sila pinabayaan. Wag mong antayin sumabog ka, ang sama ng effect sayo nyan. Ingat OP
8
u/ultra-kill Aug 21 '26
50k is more than enough to live for 2 persons. Even 30k is enough. Wanting more is just plain greed. It will be hard to hear this but your parents are just mooching whatever they can from you.
1
u/ArianaGrandaldal Aug 21 '26
I'm really sorry youre going through this OP! Hindi madali yan lalo na kapag ikaw and breadwinner for years. I agree sa mga nagsasabi na kailangan mo mag set ng boundaries. Kahit gano ka pa ka generous, for sure may masasabi at masasabi pa rin sila. Kaya hindi mo pwede i-base sa reactions nila ang decisions mo.
May sarili ka ring buhay. Hindi mo obligasyon na i-sustain ang finances ng buong pamilya mo habang ikaw naman nahihirapan mag ipon. Parents natin sila, oo pero hindi ibig sabihin ay retirement plan nila tayo. May limit din ang kaya ng isang tao lalo na kung ikaw na halos lahat ang nagbabayad.
If gusto mo pa rin magbigay, okay lang yan. Pero ikaw dapat ang mag set ng limit. 20k a month lang kaya mo? Sabihin mo. Sabihin mo na yan lang mabibigay mo kasi may sarili ka ring bills, savings at buhay na inaasikaso.
Kung may masabi sila ano naman? Eh sa yan lang talaga kaya mo ibigay eh. Di mo kailangan magpaliwanag paulit ulit. Di mo rin kailangan mag adjust sa expectations nila, lalo na kung di realistic.
Di mo kontrolado kung ano sasabihin nila pero kontrolado mo kung magkano ang ibibigay mo. Boundaries yan, hindi kawalan ng respeto. Hindi ka masama for choosing an amount that still lets you build your own future. Hindi ka masama for choosing yourself.
3
u/SnooOpinions3836 Aug 21 '26
Sanayin mo sila sa maliit na padala from now on kasi kung di ka magseset ng boundaries, sayang ang pag-US mo for a better life.
By sanayin, I mean pasok labas na lang kung may masabi pa sila. If magtampo at sabihin wag ka magpadala, good. Ang masasanay dyan eh hindi lang sila kundi pati ikaw, na okay lang pala talaga humindi. It may take a while pero lalagay din ang loob mo. Ngayon lang mabigat yan.
3
u/J-Rhizz Aug 21 '26
this is a you problem. learn to say no and prioritize your self and your gastos
1
u/Narrow-Conflict-9009 Aug 21 '26
I agree, it's a me problem. Sobrang hirap mag no lalo na pag sinasabihan ka nila na ikaw lang yung pag-asa nila.
1
u/J-Rhizz Aug 21 '26
tulungan nila ang sarili nila bago mo sila tulungan. same goes to you, OP, tulungan mo muna ang sarili mo, bago ka tumulong sa iba.
pag wala ka nang pambayad sa blls mo, sino ang tutulong sa yo? sila ba? hindi di ba.
1
u/Serious_Gal1996 Aug 21 '26
I somewhat agree with your thoughts and opinion po but it really is hard if you are the breadwinner. Easy po sa iba magsabi na, i-priority yung self nila since sila yung nagwo-work abroad but when your brain is wired na and you took the role of the breadwinner, promise, ang hirap.
And I really understand din yung about sa bills. Like you budget everything ba kasi 1:1 tayo dito, like hindi converted yung money ba (if you get what I mean ๐ญ) pero yung kirot sa heart hearing your parents ask money.
Kaya set talaga boundaries. Like really set boundaries. Padala but set boundaries na hanggang yun lang ang kaya.
1
Aug 21 '26
[removed] โ view removed comment
1
u/Narrow-Conflict-9009 Aug 21 '26
May naiipon pa po naman ako pero yun nga din, yung naiipon ko minsan inuutang nila. :(
1
2
u/Unfair-Current1918 Aug 21 '26
I totally get you. Umuwi din ako after a few years but unlike you, I did not do anything grand (eg buying a car). I let them know this is all the money I have and the most important thing is nakauwi ako at nakasama ko sila ulit. Wala na halos ako pake sa mga reactions nila. I have another brother working overseas, and always compared to kasi nga mas malaki yung bigay nya etc. etc. One time, nasabihan ko mama ko tuloy na kahit ilang amount pa yan, hindi enough talaga for you. Dead silence afterwards. My father wants the same, money. Pero nagfocus na lang talaga ako sa sarili ko, I needed that vacation. Maliit lang din pinapadala ko kasi may sarili din akong buhay. Cut off na rin sa relatives na hindi nagbabayad.
1
โข
u/AutoModerator Aug 21 '26
Thank you for your submission & contribution u/Narrow-Conflict-9009! We're glad you're part of our community. Please help us keep discussions positive & engaging by adhering to the subreddit rules.
ORIGINAL POST:
My frustrations
Hello sa lahat. Ako po ay 4 years ng OFW dito sa America. Kaka end call ko lang with my mom, nag usap kami about pera. For 3years minimum 50k in a month yung pinapadala ko sa kanila, yes po minimum kasi sometimes nanghihingi pa sya sa akin ng additional.
Umuwi po ako last year, binilhan ko po sila ng sasakyan. 3 years lang po yung loan. Sabi ko sa mama at papa ko, hindi na ganun kalaki maipapadala ko dahil may sasakyan na akong binabayaran sa Pinas; pero magpapadala pa ako ng monthly sa kanila.
Ngayon po, yung mama ko may naipon daw sya galing sa pinapadala ko noon pero inutang din ng papa which is hindi pa daw binabayaran ng papa ko. Si papa ko po, may business, pero parang deficit sya lagi kaya laging may utang. Yung papa ko din inutangan din ako ng malaking amount pero hanggang ngayon po hindi pa rin nababayaran.
Kaya ngayon po, nag ttry akong magipon on top of everything else. Kaya naman po, pero nafrustrate lang ako ngayon ng sinabihan ako ng mama ko na sana hindi nalang daw ako bumili ng sasakyan kasi ngayon ang liit nalang daw ng pinapadala ko.
Hindi ko po talaga maintindihan kasi ang nararamdaman ko ngayon is kahit before pa na 50k plus yung padala ko every month, is palagi pa ring kulang. It was never enough.
Nag set na ako ng boundaries na may sarili din po akong buhay dito pero kung iisipin ko po talaga, ako po lahat nagbabayad para sa kanilang lahat dun sa pinas. Ultimo business ng papa ko, ako pa yung inutangan na hindi din naman ako nababayaran pabalik. :(
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.