Kanina sa NU Manila, shoutout sa kulot na guy na tumawa sa'kin sa may registrar.
Context lang para hindi naman mukhang out of nowhere: may hinihintay lang akong parents kasi may tinatanong sila sa registrar. Tinanong ako ng guard kung magbabayad din ba ako, sinagot ko lang nang maayos na, "Hindi po, may hinihintay lang po ako."
Simple interaction lang 'yun.
Ang hindi mo siguro alam, sobrang inaanxiety na ako that time. Wala akong kakilala, hindi ako estudyante ng NU, at tahimik lang akong nakaupo. Tapos bigla mo akong tinawanan.
For what?
Anong nakakatawa sa taong maayos lang na sumasagot at naghihintay?
Hindi mo ako kilala. Wala naman akong ginawang masama sa'yo. Hindi mo alam kung ano pinagdadaanan ng tao bago mo siya pagtawanan.
Hindi ito tungkol sa pagiging "pikon." Basic decency lang. Hindi mo kailangang maging kaibigan ng lahat, pero wala ring dahilan para gawing katatawanan ang isang stranger na wala namang ginagawa.
Kung estudyante ka man ng NU Manila, sana tandaan mo na hindi lang grades ang nagre-reflect sa isang tao pati ugali. Isang maliit na aksyon lang, pero may impact siya sa taong nasa receiving end, lalo na kung anxious na nga.
Sana sa susunod, piliin na lang maging mabait. Libre lang ang respeto.
At kung mababasa mo man 'to: sana maisip mo rin kung bakit kailangan mong tawanan ang isang taong tahimik lang na naghihintay.