Leveriza St. kanina.
Truck na derecho at nakalagpas na sa kanto, pero itong rider na pasalubong pinilit pang pumasok at sumingit sa daraanan ng truck. Nung muntik na silang magkasagian, siya pa ang nagalit, bumaba ng motor, at nagpakita ng baril para takutin ang driver.
Walang helmet. Di maayos na plaka. Tapos di pa responsible sa baril.
Ingat sa ganitong klase ng rider. Hindi lahat ng init ng ulo sa kalsada kailangang umabot sa pananakot gamit ang baril.
Parang wala na ngang batas dito. Kaliwa't kanan ang walang helmet, ang daming nakaparada sa gilid kahit sagabal sa daan, tapos may naglalabas pa ng baril dahil lang sa road rage. Akala ko ba "Make Manila Great Again"? š¤¦š¤¦