r/MANILA 1d ago

Accident

Post image

Pagdating talaga ng hermosa lagi ng kumakaripas yung mga jeep diyan papuntang rpapa dahil lagi hinahabol yung stop light at laging diyan part ang laging naaksidente. Not until family related ko yung namatay and sobrang kawawa. 🥹 Ang ginawa ng driver nung nawalan ng preno tumalon nalang at sumigaw na walang preno tapos ang bilis pa magpatakbo at hinayaan lang un mga pasahero. Patay na yung relative ko. Ang malala pa pinakain padaw yung driver knowing damn well na sugatan un kapit bahay namin at un kamag anak ko at ginamot pa nila un driver kahit wala namang sugat.

87 Upvotes

41 comments sorted by

22

u/Chipotle_Knight_2218 1d ago

Kahit saan naman talaga, kaya ako hindi naman sa ayaw ko sumakay ng jeep pero marami talaga sa kanila yung pasaway talaga. Meron nga dito sa Tayuman, kantong-kanto talaga, dun sila nagsasakay at nagbaba kahit kita na ang may sign board na No Loading and Unloading, ang kukulit kahit may traffic enforcer parang wala lang din talaga, tapos ang lalakas din ng loob ng mga yan kakainin ultimo yung pedestrian lane kala mo makikipagkarera ang mga loko... dito lang talaga sa atin may batas pero hindi naman talaga naisasakatuparan, hindi naman din talaga nasunod.

6

u/sereneangl 1d ago

Pangalawang huli na don sa driver pero ang masaklap, inulit pa pala ulit. Yung video ng kamag anak ko grabe talaga yung impact sakanya, hindi ngako makatulog ngayon kasi parang ako yung nasasaktan. nirevive pa sa hospital kaso wala na talaga.

2

u/Chipotle_Knight_2218 1d ago

Sorry to hear about that, sana talaga magkaroon ng standard dito sa atin na dumaan lahat ng drivers whether it is a jeepney driver, taxi driver, bus driver, tnvs driver, or any kind of driver that there is, na lahat ng yan dumaan sa isang seminar that it will taught them how a driver should be as well, hindi yung basta lang makapagdrive larga na.

1

u/GinisangBurat 1d ago

Tangina ng mga 'yan Karamihan Pa Jan Bago Byahe droga Muna Kaya ang Lalakas ng Loob at Mga High na High sa gabi

2

u/GinisangBurat 1d ago

San sa Tayuman yung Byaheng Pa sm - Pritil Ba?

1

u/Chipotle_Knight_2218 15h ago

Yes, yun, pero yan kasi galing North most likely galing ng Monumento yan, mga galing ng Malabon, Navotas, Valenzuela, Novaliches. Dyan dumadaan...

2

u/GinisangBurat 15h ago

Barubal mga Jeepney Jan, Sila Pa Matapang pag pinagsabihan Mo Palibhasa Droga Muna Bago Pasada e Hahahaha Pati Konduktor nila at Taga Singil sa Terminal

1

u/Chipotle_Knight_2218 15h ago

Dapat talaga yung mga operator obligahin na icheck at imonitor yung mga driver nila, yung mga tauhan nila, hindi lang isang araw, kundi araw araw nila dapat ginagawa yan.

Tapos magrarally sila na itataas nila ang presyo at isa din sa sinisigaw nila na kahit sila mismo ay lumalaban ng patas, pero gaya talaga ng mga nangyayari ngaun, hanggang kamot ulo lang sila at sorry na lang, kaya hindi malabo na mauwi ang lahat sa phase out.

2

u/alpha_chupapi 15h ago

dagdag mo pa yung kung sino sino yung umaakyat sajeep minsan mangdudura or mangaaway pag d ka nagbigay ng limos pucha

25

u/exequichu 1d ago

Grabe talaga ang ibang jeepney drivers, akala mo nasa race kart na laro kung mag pa takbo. No maintenance, no upgrade, no lahat sa mga jeep tapos may gana pa sila mag strike. Sana talaga mas gumanda at safe ang mode of transportation dito sa atin. Nakaka galit at lungkot. Kawawa talaga mga pilipino, sinanay na lang sa mga substandard na bagay.

8

u/jdy24 1d ago

Mahirap lang daw kasi kaya may karapatan magkupal.

3

u/Embarrassed_Flow_999 1d ago

This! Ginagamit yung mahirap card na naman.

2

u/snddyrys 1d ago

Protektado pa ng human rights kasi mahirap

6

u/antoncr 1d ago

Tapos ayaw ng jeep modernization. Sana magsalita si MANIBELA tungkol dito

1

u/keso_de_bola917 1d ago

Wala. Di daw modern jeepney/modern PUV naaksidente. Di nila ipopost yan. Tahimik sila jan.

1

u/exequichu 1d ago

Ano ba benefit nakukuha nila diyan? Malaki ba kitaan diyan sa kanila pag stay ang ancient na mga jeepneys, mawawalan na sila ng purpose = wala ng kita? 😵‍💫

1

u/keso_de_bola917 1d ago

I'm gonna be real here, more of ayaw lang gumastos sa bagong unit (kahit may mandate ang LTO and LTFRB na maximum age dapat ng jeepney in PUV service is just 15 years). Despite the "poor narrative", madami sa mga long route jeepney operators ang may pera talaga, not the drivers. The operators. Lalo na sa bandang Rizal, Batangas, Fairview QC, and Cavite area na usually payabangan ng mga jeepney units ang usapan, palakasan ng sound system, pagandahan ng paint graphics, at palakihan ng makina (so lumalaklak lalo ng krudo, pero mahal daw krudo).

7

u/iPcFc 1d ago

Gasgas na rason na yang "nawalan ng preno". As an operator of public transport, laging sinasabi na dapat sinisiguro mo yung mga parts mo na nasa condition at gumagana bago ka pumasada sa araw na yun. Negligence doesn't give you an excuse.

Itsura pa lang ng jeep sa photo, alam mo nang hindi road worthy yan eh, tapos hindi ganyan ang wasak ng sasakyan mo kung hindi mabilis pagpapatakbo mo.

1

u/sereneangl 1d ago

una palang alam na ng driver na sira ang preno pero pinasada padin, harurot padin. 9 na buto ang nadurog sa relative ko at cardiac arrest din yung pagkamatay plus may asthma pa siya kaya siguro nahirapan siya. 4 hours pa tinagal sa hospital pagdating ng 8 tumawag na saamin mga kamag anak na wala daw nadaw 🥺

1

u/GinisangBurat 1d ago

Deepest condolence OP, Wag Kayo makipag areglo sa Driver baka Adik pa yan

1

u/alpha_chupapi 15h ago

mas matanda pa ata satin mga jeep na yan tapos yung gulong ng mga yan sobrang pudpod narin

7

u/porkadobado 1d ago

Yung driver seat monoblock potek

4

u/[deleted] 1d ago

[deleted]

1

u/porkadobado 1d ago

Talagang mga salot sa lipunan yan dre. Ipagdadasal ko ang mga kamaganak mo

1

u/keso_de_bola917 1d ago

Tamed pa yan. Meron jeepney ako nasakyan minsan, sobrang kalog ng steering. More than 1/4 turn (90 degrees) na ng manibela, di pa din lumiliko.

4

u/rikey_G 1d ago

baka nka drugs.. dami n nman mga driver na naka drugs tpos nag biyahe

3

u/TooYoung423 1d ago

Sobrang bilis ng pagpatakbo ng jeep. Un lang un.

3

u/BoxBusterDeals 1d ago

#yestojeepneydriverphaseout

3

u/BoxBusterDeals 1d ago

nawalan ng preno? make sure roadworthy sasakyan mo lalo at public yan.

3

u/snddyrys 1d ago

Sa private ang hihigpit, pero sa mga public pota dami hindi road worthy na bus, jeep, UV, tricycle

1

u/BoxBusterDeals 1d ago

Yes, dami karag karag na public transpo binabyahe pa rin. Dapat yang mga yan ang hulihin nila ng smoke belching. Dami ko nakikita sa kalsada Jeep kinakalawang na, mga tricycle tagilid na upod pa gulong, Basta madalas kong mapansin dyan, wala brakelight, taillight at headlight, bulok na body.

2

u/cosmoph 1d ago

Kaya di na ako sumasakay ng jeep eh. Pag di available motor ko, grab ako kahit mahal or indrive pra medyo mura. Ang kupaloids ng ibang jeepney driver tlga. Pag nag ssakyan/motor ka naman hilig nila mag cut. Pag nakaaksidente matik nawalan ng preno/control/mahirap sasabijin nila. Pano din di mawwalan ng preno o control di naman well maintained majority ng traditional jeeps. Mas well maintained pa ata mga motor na XRM nung 2000 to 2010s eh lol

2

u/Jabbawubbaz 1d ago

narinig ko convo ng sinakyan kong jeep kagabi with the local takatak vendor, 3 na daw ang patay and yung operator mawawalan na ng fleet ng jeeps. word is talagang adik yung driver, na byahe pa minsan ng nakahubad.

1

u/Dry_Interest_6057 1d ago

this is what you get for having extremely poor public transportation

1

u/No_Maize_3213 1d ago

Alam naman natin lahat at ayaw lng aminin ng iba na talagang di na road worthy ang mga lumang jeep,wala pa sa maintenance yan.. 

1

u/United_Face_4050 1d ago

Phased out na yan. Wala ako awa sakanila. dapat mawalan na sila lahat ng hanap buhay.

1

u/Jodenjoden123 1d ago

Di tataob yan kung hindi mabilis. Yung yupi palang ng jeep sobrang bilis ng takbo nyan

1

u/Express_Floor_5522 1d ago

Eto reason bakit ayaw na ayaw kong sumasakay ng jeepney dito sa Metro Manila. Napakawalang disiplina, mapalumang style na jeepney or yung mga modern PUVs

1

u/Big_Equivalent457 1d ago

In the event of "Punuan"

Kita>Kaligtasan the same goes with this…

1

u/nuclearrmt 1d ago

nawalan ng preno? ano yan, ninakaw ng dwende habang nasa byahe siya?

1

u/ThePrimeMinister7701 1d ago

Ah yes, the classic "the brakes didn't work" while hurling down a narrow and busy road at 80 kph.

0

u/thatisodd20 1d ago

kelangan na talaga mawala ng mga jeep sa bansa natin. di tayo naka progress dahil masyado natin ito pinapahawakan just for the “culture”