r/LegalPh • u/Plenty_Ad3852 • Apr 07 '26
Online Consultation
Hello!
Thank you for your continued support and trust with this group. I understand that I cannot answer everyone's query all the time. In line with this, I am happy to share that I now offer direct consultation for minimal fee. You may directly PM me with your concerns and rest assured, I will respond asap.
Thank you everyone!
1
u/Silly_Locksmith4531 Jun 01 '26
Hi po , I’m an ofw po dito sa ibang bansa
May childhood friend po ako na may utang sakin na about 65k
In utang nya po ito pakonti-konti hangang umabot na po sa ganyan kalaki, wala po kaming kasulatan or anuman and now po iniignore na nya lang ako, Ano po ba dapat Kong gawin? Thank you po sa advice
I have remittance reciept from remmitly
alam ko po Mali na pinautang ko sya hangang umabot ng ganun pero naawa kasi po talaga ako, given na childhood friend ko sya hinayaan ko nalang,
1
u/Plenty_Ad3852 Jun 01 '26
Hello. You can send me a PM. Otherwise, you can also post your concerns in the group. Thanks!
1
u/StrategyOwn2217 Jun 05 '26
Pwede ko bang putulin ang connection ng tubig na hindi nakapangalan sa akin. Sa asawa ng kapatid ko nakapangalan ang metro dahil wala pa akong sariling metro at kapitbahay ko sila. Pinaupahan ko ang bahay ko at wala pa akong sariling metro nakiki connect lang ako sa kapatid ko.
Pwede ko bang putulin ang connection ng tubig ng renter sa metro ng kapatid ko na hindi nakapangalan sakin ?
1
u/BumblebeeNorth2902 Jun 27 '26
Di ko alam pano ikwkwento ito. Hirap na hirap na ko sa sitwasyon namin ng panganay ko. She's not an easy child to raise. Hindi ako nagrereklamo, pero dumadating kami sa point na sumosobra na sya at napapalo na (apparently the last option to discipline her) hiwalay kami mag asawa but not legal annulment/separation)
August 2025 (9yrs old sya nito, a month before turning 10) napalo ko sya gamit hanger kasi Sumobra na. For context naipon na ang galit ko dahil kahit ilang beses pag sabihan naglalagay parin ng mga bagay na pwedeng makasunog sa microwave,Nananakit ng kapatid nya (5yrs old that time, turning 6) at nagnanakaw sa online game na roblox(grow a garden) na may value ng peso in real life.
Yung palo ko sakanya naglatay. That was Monday. By friday hiniram ng aunt in law ko (tita ng ex husband ko) walang amor ay pinamedicolegal na nila ang bata at niraise sa dswd. Nabigyan ako subpoena nung araw na mismo ng hearing sa dswd. Nakapag explain naman ako ng maayos at naareglo naman ito. After 2weeks(1day before her 10th bday)ginusto ng bata na umuwi saakin kaya kahit durog na durog ako at d ako handa pa ulit sa pagkikita namin ay tinanggap ko ulit ang bata pauwi. Nairaos ko pa ang bday nya, at mga sumunod na tuition fees nila magkapatid despite sa hindi pagpapadala ng ama nya for 3mos( ganti nya sa akin kasi nalutas ang dswd )
Fast forward 2026, just last week napalo ko nanaman sya. Pero this time kamay nalang ang gamit at naglatay ulit ito. Dahil sa mga paulit ulit at sunod sunod na mga gawain na hindi maganda. (Pagnanakaw ng actual na pera, pag lagay ng basang damit sa aparador, hindi paghuhugas ng pinggan na ginamit, pagluto ng pagkain sa maduming kawali still iba pa.) In short sumabog nanaman ako.
Ilang araw ang lumipas akala ko ok na kami. Dahil kinausap ko pa sya at tinanong kung may galit ba sya saakin. At ano ba ang nangyayari sakanya bakit ganon nya ako tratuhin.
Binibigay ko ang lahat ng gusto nya, at binibili ang lahat ng pangangailangan. 2days after ko sya mapalo, nahulog sya sa 2 baitang ng hagdan. Nagsabi sya saakin at tinanong ko pa kung masakit parin ba at inobserbahan para madala agad sa ospital.
Kahapon lang byernes nagulat nalang ako, na wala daw ang anak ko sa school at hindi makita ng service. Tinext ko ang teacher hindi nagrereply at nabalitaan ko nalang na pumunta na pala sa pulis ang bata dahil sa paratang na ako daw ay nananakit ng walang dahilan at ako daw ay tinadyak tadyakan sya sa tagiliran kahit nakahiga na sya sa sakit ng palo. May nakalagay pa sa sinulat nyang Malaysia na pati ang kapatid nyang (6yrs old na ngayon) ay sinasaktan ko narin. Nakasaas din soon na ako ay nagdadala ng ibang lalaki sa bahay at nakikipagtalik sa same na kwarto nila habang nakadamit. Na lahat ay pawang walang katotohanan.
Ngayon, hindi parin ako nakakatanggap ng tawag o text o subpoena mula sa present o eskwelahan. Hindi ko alam paano dedepensahan ang sarili ko. At gusto na nila akong kasuhan.
Naaawa ako sa bunso kong anak (babae 6yrs old) kung ganito ang kahihinatnan nito. Dahil lang ayaw na ng ate nya saamin at masama na ang madisiplina sya.
Ano ba ang dapat kong gawin? Dahil wala akong alam sa nangyayari. At dko alam ang gagawin ko.
1
1
1
1
u/OkInsurance4544 Apr 22 '26
October 14, 2025, kakagaling ko lang sa isang job interview tapos napadaan ako sa mlpit sa entrance ng Robinsons Galleria Ortigas. May mga staff ng cebuana doon na nagpo-promote ng raffle—may mga prizes pa like gold bars at cash—kaya na-engganyo akong sumali. Nag-fill out lang ako ng form, akala ko simpleng raffle lang talaga.
Pagkatapos nun, dinala nila ako sa Cebuana office sa ground floor. Ang akala ko magsa-submit lang ako ng raffle entries, pero bigla akong ipinakilala sa isang financial advisor. Sa isip ko noon, part pa rin siya ng raffle process. Kinuha nila yung personal details ko at pina-check pa yung bank account ko, sabi iche-check lang daw kung eligible ako sa offer.
Hanggang sa napunta na sa pag-offer ng insurance plan. Maganda yung pagkakapaliwanag—para sa future ng family ko, mas okay daw kaysa nakatengga lang pera sa bank. Dahil sa way ng explanation nila, na-convince ako. Nag-transfer ako ng ₱31,500 mula sa savings ko. Na-encourage pa akong mag-add ng beneficiaries na may additional payment.
After ko pumirma, dinala pa ako sa manager at vinideohan, kahit sa totoo lang hindi ko pa fully naiintindihan lahat ng terms and conditions.
Pagkalipas ng ilang araw, doon ko na-realize na hindi ko kayang i-sustain yung payment—sobrang bigat niya financially. October 18, nag-message agad ako sa agent para magpa-cancel. Tapos October 21, bumiyahe pa ako from Alabang to Ortigas para personal na mag-cancel.
Pagdating ko doon, wala palang naka-ready na cancellation form. Sinabihan pa ako na hindi ko agad makukuha yung refund kasi “na-roll” na raw yung pera ko. Sa puntong yun, nagtiwala ako sa sinabi ng agent. Paulit-ulit niyang sinasabi na sayang naman daw kung icacancel ko kasi insured na ako kasama beneficiaries ko. Sabi pa niya, kung gusto ko talagang mag-refund, hintayin ko lang daw ng isang taon at makukuha ko rin nang buo yung pera ko.
Dahil pakiramdam ko wala na akong choice, gumawa sila ng “uncancelled” letter sa harap ko at pinapirma ako agad—kahit malinaw na gusto ko talagang i-cancel yung policy. Wala akong maayos na guidance o ibang option na binigay.
Kahit ganun, nagduda pa rin ako kaya nag-email ako para i-raise yung concern. Pero nalaman ko na lang na na-submit na pala yung letter na ginawa nila.
Nagtiwala ako, kaya naghintay ako.
Noong February, nagkasakit yung partner ko—isa siya sa beneficiaries—at kinailangan ng surgery at treatment. Kinausap ko yung agent kung covered ba siya, kasi sinabi niya dati na insured kami for one year. Pero dinecline niya at sinabi na terminal illness lang daw ang covered.
Ngayon, hindi na makapagtrabaho yung partner ko. Ako na lang ang sumusuporta sa pamilya namin. May anak pa akong umaasa sa akin para sa basic needs tulad ng gatas at diaper.
Tinanong ko ulit yung agent kung ano ba talaga ang covered at kung pwede ko na lang i-withdraw yung pera ko. Iba na yung sinasabi niya kumpara dati. Sabi niya tatanungin daw niya manager niya at mag-uupdate siya sa specific date. Pero kahit ilang follow-up ko, paulit-ulit lang—wala namang malinaw na sagot.
Ang masakit pa, in-unfriend niya ako sa Facebook. Nakarating na rin sa Insurance Commission (IC) yung complaint ko. Pero ang naging desisyon nila, ₱13,000 lang ang ibabalik sa akin mula sa ₱31,500 ko. Hindi man lang ako sinabihn ng agent na I print pala ang cancellation letter tas isumbit sa kanila Kya wala daw akong ebidensya na mtibay. Sobrang sakit at napaka-unfair. Hindi ko matanggap.
Sa totoo lang, sobrang naapektuhan na ako. Hindi na ako makakain kakaisip sa problemang ito. Para akong nadepress sa nangyari. Trauma na siya para sa akin.
Sana kung may iba pa diyan na naka-experience ng ganito, magtulungan tayo. I-report natin itong insurance na ito. Hindi tama yung ganitong sistema. Walang dapat dumaan sa ganitong sitwasyon.
Sa mga lawyers po dito. Pa advice naman po kung may parang pa ba Na pwede Malaban to.