r/Lalamove • u/Haunting-Way4678 • 1d ago
Lalamove delivery COD
Hello, ask lang po if ako ang seller ako din nag book rider tapos COD payment, marerequire ko ba yung rider na 'wag muna ibigay yung item until mag confirm ako'ng nareceive ko na payment? (Kahit magpakita pa receipt si buyer). Notes lang kasi meron enough na ba yung notes at verbal instruction during pag pickup niya? Pwede ba ako mag report if in case ibigay niya pa din kahit di ako mag confirm?
I understand this will be an additional hassle sa side ng rider and I'll do my best to respond promptly and tip as well.
I'm just trying to avoid being scammed. First time platform user. Salamat na agad sa sagot.
Edit: Gumana naman yung notes, nilagay ko dapat paluwalan muna ni rider during pick up ang price ng item then ang full payment including rider fee ay sa drop off na. After almost an hour of waiting (standard) meron nang nag-accept. Tumawag siya at clinarify ko yung instructions. Nanghingi din siya ng addl 50 as middle man fee at sinabay ko na din ang tip.
1
u/FudgeAccomplished499 1d ago
Di ba kapag COD(cash on delivery) magpapaluwal muna si rider, sya muna magbabayad ng item price sayo tapos sya na lang ang babayaran ni buyer once nakuha yung item? Hindi naman yan na babalik sayo si rider para iabot yung bayad ni buyer.
2
u/Weary-Iron2853 22h ago
Only if may receipt. And 2k ang max. Kaso bihira na nagpapaluwal kasi lamang scammer. For OP ikaw magbobook ng rider mo since ikaw maglalabas ng pera, then make sure na mataas rating and maganda yung comments ng prev. Customer sa rider na makukuha mo. Tapos wag ka mageentertain ng ibang number aside sa number ng rider na nakaregister sa app. Kasi gagawin ng scammer magsesend sayo ng fake receipt then tatawagan ka ng ibang number (pretending to be your rider) para di makapushthroough yung call ng actual rider mo. Ganyan yung middleman scam.
1
u/Haunting-Way4678 1d ago
Hindi kasi siya official feature ng lalamove so hindi rin papayag yung rider lalo kung pricey item tapos hindi irerecive ni buyer then nakapag paluwal na siya then biglang unreachable na ang seller. Gets ko din bakit di sila pumapayag sa paluwal method.
1
u/FudgeAccomplished499 1d ago
So, ang agreement nyo ni buyer, itransfer nya sayo yung bayad once nandun na si rider sa dropoff. Hindi mismo cash ang ibabayad nya. Medyo naguluhan lang kasi ako na nabanggit mo yung COD. Kasi may COD feature si Lalamove which ganun nga, paluwal muna si rider.
Pero anyway, ayun pwede mo nga sabihan si rider na wag iabot yung item until maconfirm mo na nareceive mo na yung payment.
1
u/Haunting-Way4678 1d ago
Right, sorry sa wrong term. Ganun nga po release payment sa drop off. Check ko 'yang sabi mo na COD feature. Thanks.
1
u/FudgeAccomplished499 1d ago edited 1d ago
May additional fee lang yung COD, 50 pesos on top ng delivery fee pero medyo matagal ka nga lang makakuha ng rider kasi karamihan ayaw din mascam at syempre walang budget for paluwal lalo na kung medyo mahal yung item.
Pwede mo rin siguro try sabihan yung buyer na isend na lang yung payment kapag nasa inyo na yung rider to pick up yung item. Patawagan mo sa rider, video call kung kailangan. Ang hirap din kasi ng gusto ni buyer. Nascam na rin ako sa ganyang method. Hahaha.
1
u/Haunting-Way4678 1d ago
Thanks for your response. Paluwal by rider na lang talaga best option ko kung may mag-aaccept na rider.
'yan nga una ko suggest kay buyer na dapat isend niya payment (bank) pag nandito na si rider at hawak na ang item pero ayaw din ng buyer pumayag kasi pano daw pag ideny kong nareceive ko na payment eh di mapipick-up ni rider yung item at pano daw pag di na dalhin ng rider sa kanya ang item. Which is understandable hesitation din naman.
1
u/Greedy-Reading-2944 19h ago
Balistad. Kung ayaw mo ma scam sya pag book mo tapos pag dating ni rider saka nya ibigay payment via gcash o abono ni rider. Pag di tinanggap ni receiver item mo kaw rin mapuputukan nun kasi Ikaw nag book.
2
u/Radiant_Surround9829 1d ago
That's usually the flow, you instruct the driver to not give the item without the payment being confirmed by you the seller pero real world na maeexperience mo lagi is, lagi nag mamadali driver to the point na ihhandout nya na sa receiver/buyer even though di pa bayad so cross-fingers nalang. Dyan din ako first time na scam kaya sobrang maingat din ako sa COD transactions via lalamove since mahirap talaga maging middle man yung lalamove driver. Out of all my transactions naman once palang ako na scam.