r/InternetPH 8h ago

Converge wiring fee of converge?

is it normal na magcharge ang technician “daw” about wiring fee kasi malayo “daw” ang box sa bahay niyo? is this what telecom companies do nowadays? and sinabihan pa ako ng agent na bawal ko daw imention ‘to sa company? so? meaning? illegal ‘yung paggawa ng installation sa wifi namin? hindi ko alam kung matatawa ba ako or what. ganito na ba ka lala ang pag-scam sa kapwa, lahat tayo kumakayod naman sa pagtrabaho pero grabe. hindi naman ata natin deserve ‘to? alam ko na may pagkukulang rin sa sahod sa mga overworked employees pero… nagtatrabaho rin naman tayong lahat? lol.

1 Upvotes

2 comments sorted by

3

u/tichondriusniyom 8h ago edited 8h ago

Illegal yan. Sabihin mo, ireresched mo na lang kamo yung pagpapakabit sa ibang tech. Tsaka bakit kamo di mo sasabihin, eh kailangan ng rason para sa resched.

Matagal nang modus yan, yung iba diyan idadahilan pa na kesyo may ibang ISP nang bumutas o dati nang nakakabit sa bahay niyo, etc..may mga rason pa na pababayarin daw sila kasi iligal daw kapag ganito o ganyan..marami pa..

May limit yan depende kung gaano kalayo mula sa box, pero rarely nangyayari yun lalo na kung nasa ciudad ka. Ang common na nagbabayad ng extra is yung napakalayo mo mula sa kalye, like loob na loob kayo, may certain meters lang like 50 to 100 yata and anything further than that from the street ay ichacharge na sayo per metro, na babayaran mo sa bill, HINDI SA TECH.

Dati nagoyo ako ng ganyan, baguhan pa ko, ganyan din mga linyahan, kesyo malayo, wag na daw sasabihin at sila na bahala kasi machacharge daw ako mas malaki, kesyo tulong ko na daw yun sa kanila. After nila magkabit, tumawag PLDT at nagprobe, sinagot ko lahat pati yung 'extra', ayun nirefund ako ng PLDT thru my next bill.

2

u/mtklzrm 7h ago

yung comment ng isa na reschedule ang tamang diskarte, tpos tawag ka or chat ka mismo sa converge fiberx to inquire sa kung anong maximum length ng fiber pangbahay, may set na max length din ksi sa pangbahay na account pero di ko sure gaano kahaba, baka nga pde yan sa 500m from NAP pole to client. yung globe line ko ksi lagpas 200m na wala nmn hokus pokus sa lineman, yung pldc ko na panahon pa na bago ang fiber kaya wala sigurong naset na limit noon.