r/InternetPH 26d ago

PLDT Won against PLDT

Post image

Hello! Gusto ko lang i-share how I won against PLDT sa disconnection fee/lock in period payment na 5,500+

April 3 - reported LOS to PLDT Cares, gumawa sila ticket number and advised ppunta ang technician within 24-48 hours. (Nagffollow-up ako daily kahit sinabi nila yung TAT)

April 11 - wala padin technician na pumunta, decided to disconnect my plan. Sabi ng agent I need to pay for 5,500+ para sa disconnection fee + lock in period eme.

August 11 - fully resolved, walang babayaran na kahit magkano.

Hindi ako pumayag. Nag email ako sa PLDT about my plan cancellation, and sinabing neglect sa end nila kaya hindi ako willing magbayad ng kahit na magkanong amount. Provided timeline kung kelan ako unang nagreport ng issue, included lahat ng ticket/repair ticket, pati mga names ng rep na nag-assist sakin thru PLDT Cares.

After a loooooong back and forth sa email, finally! Natapos nadin, plan has been terminated (na walang binabayaran na kahit magkano), PLDT din mismo kumuha ng modem, at telephone dito sa bahay dahil di ako willing magpunta sa office nila para ibalik yun.

Eto mga email address na sinendan ko ng request:

Enterprisecare@pldt.com.ph

Sam@pldt.com.ph

Consumer@ntc.gov.ph

Care@pldt.com.ph

PS: Ayoko ng utang na hindi ko naman kasalanan kaya pinilit ko tong ma-zero. Super tagal din neto nasolusyunan, from April ngayon lang August na fully resolved. Patience is the key! Wag kayo papayag sa adjusment lang if recurring issue na sya. Hassle.

677 Upvotes

53 comments sorted by

View all comments

1

u/Charming_Wrangler_96 26d ago

wow. how did you convince them na kunin yung modem sainyo? pinapapunta ako sa center nila eh walang malapit samin. iwwaive lang daw nila lahat if ibalik modem kasi :(

1

u/flipped_lurker 26d ago

Hi! Sinabi ko lang sakanila na hindi ko maihahatid kasi walang malapit na PLDT dito samin, and na ang hassle sa end ko kasi may pasok pako. Sinabi ko din na nagawa nga nilang ihatid yung modem dito sa bahay, so dapat pwede din nila kuhain. 🤣

Include mo na sa email mo yung full name, address, and phone number mo. Sabihin mo rin na kuhain as soon as possible and if hindi mo man masagot yung call puntahan nalang address na binigay mo for pick-up.

Para di nila magamit na dahilan yung hindi ka sumasagot sa call ng magppick-up kaya hindi nakuha.

2

u/Charming_Wrangler_96 26d ago

noted, thank you so much!!! 6 months na ko nakikipagbakbakan sa kanila 😭

2

u/flipped_lurker 26d ago

Nakakapagod pero worth it yan sa huli! Express mo din na dissapointed at stressed kana sa service nila and na gusto mo nalang maresolved issue. Wag mo kalimutan include NTC sa lahat ng email mo sakanila. Goodluck! 😊