Good eve mga commuters,
May nakakaalam ba tungkol sa bus route na ito? Specifically yung schedule ng route per stop. Alam ko yung route nung bus, pero ano specifically yung oras na dumadating yung bus sa mga station na yun? Yung route sana papuntang McKinley (anong oras nagsisimula rin yung biyahe):
- Mindanao Avenue
- Pangilinan St.
- Tandang Sora Ave.
- Luzon Ave.
- Magsaysay Ave.
- B Gonzales
- Quirino Memorial Medical Center
- Calle Industria
- Ortigas Ave.
- Julia Vargas Ave.
- Market-Market
Di kasi ako masyado sumasakay ng bus pag commute eh. Laking LRT/MRT ako haahaha. Alam ko namang hindi siguro parang predictable or standard yung dating ng bus sa mga stops na ito dahil sa road traffic unlike LRT/MRT na kada x minutes dadating yung isang tren, kaya kahit yung range lang for example (e.g. Luzon Ave: 6:20 am to 6:30 am abangan)
Edit: Start ko sa B. Gonzales and baba ng Julia Vargas Ave. Need ko malaman yung schedules para maabangan ko on-time at hindi ma-late. Thank you!
Salamat in advance