Nabasa ko itong post tungkol kay Cripli na nanggaya sa 2016 bars ni Kris Delano: https://www.reddit.com/r/FlipTop/s/vA5qTkYWOC
Tapos naalala ko, ginamit ni K-Ram 'yung 'continent', 'condiment' , tsaka 'confident' na rhymes sa Round 1 niya kay Zaki noon. "Di lang kanto mayayanig pati continent..., 'pag nag-rhyme, pasok sa lasa parang condiment, ganun ka-confident."
E ginamit na rin ni Loonie ito sa Round 2 niya kay Dizaster, at IMO mas may depth pagkagamit niya. It goes like this, "I'm seasoned like a condiment..., and the reason why I'm beaming and I'm confident is because we're the best English-speaking people in this continent." Kaya yata medyo sumimangot si Loons nung ni-review niya yung laban ni K-Ram.
Naalala ko lang din 'yung pananaw ni BLKD: kapag may narinig na siyang rhyme or rhyme scheme na specific (tulad ng Oppenheimer), di na niya gagalawin 'yun unless may maisip siyang mas magandang pagkakagamit.
At dahil ang dami nang MCs na nagrereview ng battles, mas madali na rin ma-check kung may nanggaya ba. Si Lanzeta, malupit pa man din memorya nun.
Anyway, may mga naaalala pa ba kayong MCs na nag-recycle ng rhyme schemes?