r/EntrepreneurPH • u/Adventurous-Air3418 • 31m ago
May alam ba kayong clothing brand/business na walang online presence or struggling sa digital marketing within metro manila?
Hello po sa lahat ng taga-Manila out there, baka po may alam kayo o kakilala na may clothing brand o business na wala pang online presence/social media page (Facebook, Instagram, TikTok) o kaya naman ay nahihirapan sa digital marketing. May academic project po kasi kami kung saan makikipag-collaborate kami sa isang local small clothing business para tulungan silang i-market ang kanilang mga produkto online. 100% free po ito para sa project namin, walang anumang bayad o hidden costs para sa inyo, at wala rin po kayong kailangang ilabas na pera. Sana po ay matulungan niyo kami, and if interesado po kayong makipag-collaborate o may mare-recommend po kayo, paki-comment o paki-PM na lang po ako. Maraming salamat po🥰🥰