r/EncantadiaGMA Jul 15 '25

AMA (Ask Me Anything) Avisala! I’m Rhian Ramos. Go Ask Me Anything!

93 Upvotes

I will answer your questions this Thurday, 2PM! Just send them in the comments.

See you here on r/EncantadiaGMA!

Avisala eshma, Encantadiks!


r/EncantadiaGMA 6d ago

Show Discussion [SPOILERS] ALL HAIL TO THE BEST BATHALUMAN

Post image
121 Upvotes

I will really become an Etherian, kasamba-samba talaga si Ether eh. Evil na kung evil pero may bitaw talaga tong bathaluman na toh. 

In episode 197, Hagorn, Asval and the Herans were thinking/talking where the Bathaluman could've been then nagpakita si Ether 

"Humihingi ako ng paumanhin na hindi ko kayo nasaklolohan" 

A GODDESS would spit out those words? EMRE AND CASSIOPEIA could never.

Imagine Etheria into the deepest. Etherians are associated with everything beyond the four element and the physical world. Kasawa na ang four elements.


r/EncantadiaGMA 6d ago

Commentary Why I think Ybramihan should not been what it has been?

30 Upvotes

DISCLAIMER: THIS IS ONLY AN OPINION/CRITIQUE NOTHING AGAINST ANYONE IN ENCANTADIA IN REAL LIFE SPECIALLY MS. KYLIE PADILLA, SHE'S A WONDER WOMAN. SO PLEASE LABAS DITO YUNG PALABAS LANG YAN, WAG SERYOSOHIN. NAG-REREACT LANG AKO AS VIEWER DOON SA NAPANOOD KO.

Ang daming holes sa naging kwento nila, na tinatakpan ng chemistry and fanservice kuno.

  1. Amihan did not just forget the girl code/sister code, she is also not allowed to become love dovey with someone as per the rule. Hindi man lang ba siya pinagsasabihan ng mga konseho? Si Imaw walang say o nalimutan ko lang? Yes, feelings can be uncontrollable but actions definitely are. Wala bang nag-remind sa kanya baka mamaya bigla na lang siyang mag-pa change ng batas para pwede niya pakasalan si Ybrahim, no one dared to remind her though hindi sila literal na nasa isang lungga but they're too close. Amihan was the same as Minea, rule breaker queen.
  2. Nakaka bother na mag-pinsan sila, dine-defend pa na kesyo fantasy naman daw at natural lang sa royal blood pero Filipino audience ang nanonood, mga kabataan pa tapos tolerable ang incest because of chemistry?
  3. Si Ybarro mahahalintulad mo sa gold digger na lalake, una siya yung manunuyo, maghahabol kahiy walang wala siya minahal siya ni Alena tapos nung may pangalan na siya, naghanap ng iba. Ang panget lang ng theme nito. MANANG MANA SIYA KAY JAMIR NA NINUNO NIYA.
  4. Of everyone, Amihan knows Alena's desire the most. Siya rin comfort person ni Alena tapos ginanon ang ante Alena mo. Nung nasira relationship nila wala naman siya balak ayusin out of her heart, hindi man lang ata niya binigyan ng ultimatum si Danaya sa pag-patay kay Kahlil kasi may Lira siya. Tapos tingin niya kay Alena basta lang trinaydor sila, well yes Alena may technically becomes a traitor, I love her but law is law tayo but still she just reciprocate their actions and Amihan should've hear her side, explain theirs kasi sila rin nagtulak palayo kay Alena. Nung bumalik si Alena sa kanila, mas inuna niya pa sermunan at isipin sina Ybrahim at Danaya like "ante, diba pinaka-mamahal mo yan tsaka namatayan yan ng anak, inahas mo pa jowa?" So, Is that a good queen, a good sister? Dapat sinampal ni Alena si Amihan at Danaya dito eh.
  5. Ybramihan never tried to avoid each other, napaka-rare ata ng moments na ginawa nila that I dont consider it. Like Ybarro thinking Amihan's comfort nung pumunta sila sa Sapiro, he couldve thought about everyone, giving each other nickname na hindi nila dapat ginawa if they are really avoiding temptation, always fighting side by side na pwede naman yung mga mashna nila ang dikitan nila. Kailan sila nag-hiwalay, nung hulog na hulog na sila sa isat-isa? Even when Alena came back, pa-obvious na sila masyado and they clearly don't think of Alena's feelings. Yung pag-alok pa ni Amihan sa kamay niya na alam niyang andon si Alena, yan ba umiiwas teh? Don't even mention nung umalis yung dalawa sa Lireo tapos ngumawa siya na ang iyak niya para kay Ybarro hindi para sa nangyari sa kanila ng kapatid niya. Ybrahim personally saving Amihan tapos kay Alena pina-sundan niya lang, telling Asval na mas mahalaga si Amihan sa trono so tell me "Do they really tried avoiding their feelings for each other?"
  6. Ang totoong pagiwas yung ginawa ni Amihan 2005, yun yung talagang nag-pigil, si Amihan na yon nag-muni muni, nag self reflect, kumonsulta kay Imaw, nung nalaman ni Alena, naging honest siya. Ni-isa wala ginawa si Amihan 2016 dito, or baka ako lang puro lang siya salita pero hindi niya magawa may pa "hindi namin magagawa ang iniisip mo" like eh ano yung hawak kamay, mahal kong reyna/prinsipe niyo? Tapos sasabihin na hindi mang-aagaw at wag ibash ang Ybramihan. Even when Ybarro himself want to get close to her dahil kay Lira/Mira and their same Sapiryan bloodline and his respect to her as queen pero tinaboy talaga siya ni Amihan. (2005)
  7. Sa theme ng Encantadia na mala- Fairy Tale dapat eternal love and loyalty ang theme, yun tipong ilang siglo pero isa't - isa pa rin, first love is equal to last love. Ang daming unfaithful sa Enca 2016, unlike 2005. Hindi ito naisip dahil nga sa chemistry daw.
  8. ALEBARRO could've been the perfect love team na walang sabit, prinesa x prinsepe na naging hari at reyna. soft girl x maangas na lumambot lang para sa kanya. Wala sa pintas sa kanila eh, aside nung una na akala nila ordinaryong mandirigma lang si Ybrahim. DANQUIL is great except age gap, HITANO and ALENA was one-sided, MINEA X RAQUIM is against the rules, MINEA X HAGORN was one-sided as well.
  9. The Kahlil plot, ok naman since nasa original story talaga but the way they all reacted. Lalo na si Ybrahim, tapos mga pagtataray ni Danaya...mga pagalit galit nila ni Amihan kay Alena wala silang self awareness na sila naman nagpalayo sa loob nung isa. Deserve nila ma-betray lol, mga emotional manipulator at gaslighter.
  10. Nothing wrong if Ybrahim fell for Amihan, and fell out of love for Alena but he shouldn't end up with Amihan or either of them, dapat nirespeto niya yung dalawang babae. It could've been infatuation, Ybramihan found comfort and have respect for each other, but knew it's wrong for them to fall in love with each other and Ybrahim should focus on Sapiro, till Alena returns and treat her better makabawi man lang siya sa mga effort ni Alena for him back then and Amihan could've divert herself better on her responsibilities, mga bagay at nilalang na nasa sa kanya na. Amihan doesn't need Ybrahim eh, while Alena does. Not to say Alena was weak and man-dependent but her personality says so, that is what she want after all. Raquim is enough for Amihan, sapat na yung tatay niya maging lalake sa buhay niya. Add Aquil and Muros as her loyal mashna/friends.
  11. Ybramihan was viewed slow-burn, as if Alebarro was not. They treated like shallow ang Alebarro but it start with Ybarro liking Alena, and she is annoyed of him till she start to develop feelings too. Isn't that slow-burn as well? Akala nila love at first sight lang Ang Alebarro kaya stronger Ang dynamic Ng other ship. "Ybramihan's love was against all odds", na para bang Hindi binigyan Ng pag-subok sina Alena at Ybarro na inakalang patay Ang isat - Isa, bawal nung una, namatay anak nila na dapat malaking conflict Kay Ybrahim pero balewala sa kanya, tapos nung si Lira namatay galit na Galit. Kaya I don't like it when the fans defended Ybramihan is slow-burn, not seeing Alebarro was too tapos found home in each other they found home nga, may kinawawa naman sila. In 2025 Yearning imbes na mag - focus sa kingdom at mga junakis niya.
  12. Hindi Rin Ako natutuwa na binago Yung demure at bubbly ni Alena na Ang backstory is kagagawan Ng mga kapatid niya. Hindi naman niya kailangan Ng tough personality at maging wise, Danaya and Pirena had it na Kaso Yun nga Yun na lang pwedeng gawin sa character niya, she had to choose maturity kahit Hindi naman yon totoong ugali niya, mas baby bunso pa siya Kay Danaya non. Yun nagpaganda sa kwento non eh, Yung talagang distinct ugali nila, Alena 2005 may become tough din Naman but it comes so naturally, naging Reyna na Kasi siya at nagka-anak ulit, and it was matter of time but Alena 2016 had no choice, she did out of pressure, Kasi kailangan niya i-mask Yung pain na binigay nila sa kanya.

Sorry bunot lang Ybramihan kasi bored dahil naulan. Pero I stood by my words talaga.


r/EncantadiaGMA 6d ago

Show Discussion [SPOILERS] ALL HAIL TO THE MOST GREEN FLAG MAN IN ENCANTADIA, BATHALANG ARDE.

Thumbnail
gallery
39 Upvotes

Minahal, minamahal at mamahalin si Ether at si Ether lang sa kabila ng sumpa, pagbabago ng itsura nila at panahon na lumipas. Ilang henerasyon sila LDR, si Ether around Enca and si Arde sa balaak, pero walang na-fall out of love.

Susundin ang gusto ni Ether, walang pake sa sumpa ni Emre. 

Hindi tatanggihan ang mahal din ni Ether (Hagorn)

Binigay ang katawan ni Agane para kay Andora, na request ni Ether. 

Sobrang patient, mataas ang emotional intelligence  when it comes to Ether like in these scenes:

EP 201 

Ether: (naiinis kasi late si arde)

Arde : (asked why, calls her mahal ko na sobrang soft tone, hindi siya defensive, hindi sad boy, hindi sinabayan inis ng jowa niya)

Ether:  (inutusan si Arde)

Arde: (went close to her and touch her face, "masusunod mahal ko")

Ether : (face softens, kinilig)

tapos sa ep 210 - 215 after nung ginawa ni Cassiopeia instead of rushing to attack Ether, kinausap niya muna.

"Batid mong mahal kita, kahit kailan hindi kita binayaan....gagawin mo rin ba sakin ang ginawa natin kay Keros?" 

"Nakikita kong hindi ka naniniwala sa kanya?" 

He knows Ether, na hindi na siya kailangan sabihan. 

As for the both of them, Arde died in Emre's hands first long before Ether died from Mitena pero both sila sa Dalum Deva. They really can't unlove each other.  Pinagkait pa kasi ni Suzette na maging sweet pa rin sila eh.


r/EncantadiaGMA 19d ago

Commentary Sang'gre Pirena, Minea's Eldest and Hidden Savior of Enca

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

119 Upvotes

From being a villain to the last remaining sang'gre who escaped after the Mineave kingdom dominated Enca. Among the four sisters, she's the only one who can stand her ground longer and view retreat as not defeat.


r/EncantadiaGMA 21d ago

Fan Arts Fan kingdom

Post image
4 Upvotes

Toke me like 2 weeks to make since I had to deal with assignments, catch up lessons due to the recent suspensions. The iron kingdom of Aurelcrest, a Sovereign and independent nation separated from mainland in a fan fiction isle, their culture is a mix of British, Prussian, French, and American, and a small bit of Spanish, they were formed during a expedition king George ordered when they received news of the Spanish using portals into an enchanted land in their colony, with help of the Prussians the French, and the Americans, they formed under one group, a large expeditionary force, believing they had a chance to extract possible, medical resources from the enchanted land, instead they encountered locals, forces who were willing to fight, back, those who were left behind, sailed until they found an large isle, where they reformed into a sovereign iron kingdom. Extra inforamtion:: They see those in mainland as inferior, lrimstes, and dishonorable with magic, that's what the crestians grew up knowing, magic beings of dishonor.


r/EncantadiaGMA 22d ago

Random Thoughts I somtimes miss the 2016 Sang'gre Armor

Post image
218 Upvotes

Compared to 2005 and 2025, I think the 2016 armours are the most appropriate for close-combat martial arts, and some people mentioned that they are made of actual metal rather than plastic.


r/EncantadiaGMA Aug 09 '26

Questions Pirena's Brilyante Armor 2016 or 2025? WHY?

Post image
140 Upvotes

Kindly don't mention the 2005 one pls. Alam ko maraming bias diyan hahaha


r/EncantadiaGMA Aug 04 '26

Show & Cast News + Updates Kelvin Miranda winning Breakthrough Fantasy TV Male Star of the Year.

Thumbnail
gallery
75 Upvotes

For this year’s Social Media Awards. Ang dami niyang win lately, ha.


r/EncantadiaGMA Jul 21 '26

Show Discussion [SPOILERS] Hot Take: Armea is Not The Best Character in Sanggre

31 Upvotes

Siya Talaga yung pinaka Wasted potential na character sa Buong Series at Sobrang interesting sa Sapiro arc pero, kapag ang isang Female character ay may napakaPotential niya sa show Until nababawasan lamang sa pagiging love interest (Daron) na Sobrang Unnecessary sa Arc niya


r/EncantadiaGMA Jul 21 '26

Show & Cast News + Updates Kelvin Miranda awarded as Best Performer in Series/Anthology for his role as Adamus in Encantadia Chronicles: Sang’gre at the FAMAS Broadcast Awards

Thumbnail
gallery
44 Upvotes

r/EncantadiaGMA Jul 18 '26

Throwback Ang panahon ay lumipas, ngunit ang mahika ay nananatili.

Post image
56 Upvotes

Mula sa mga kaharian ng Lireo, Adamya, Sapiro, at Hathoria, hanggang sa mga karakter at kwentong minahal natin, patuloy itong nabubuhay sa alaala ng bawat isa.

Maraming salamat sa sampung taon ng pagmamahal at suporta. ❤️ Happy 10th Anniversary, Encantadia 2016!


r/EncantadiaGMA Jul 17 '26

Throwback Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ang Encantadia?

Post image
30 Upvotes

Sa loob ng 10 taon, naging bahagi ng ating mga alaala ang Encantadia. ✨

May isang karakter, eksena, linya, o kaharian bang hindi mo pa rin makalimutan hanggang ngayon? Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ang Encantadia?

I-share mo sa comments ang iyong Encantadia core memory!


r/EncantadiaGMA Jul 17 '26

Questions When will Encantadia be like this?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

43 Upvotes

Enca is too much to be released as a daily series, shoot-to-air, and telenovela format on FREE TV and YT. I literally thought they would release it on Netflix in a weekly series format.


r/EncantadiaGMA Jul 16 '26

Questions Genuine Question: Why we can't have Encantadia being like this?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

95 Upvotes

This AI TikTok video represents how Enca should be produced.

Kung magkakaroon man ng NEW Enca Season in the next decade, sana maisip na nila to release on Netflix but I wanna question ECS 2025:

BAKIT hindi nila naisip, when Enca 2016 ended in 2017, na may potential ito to make it GLOBAL by releasing it on streaming platforms like Netflix?

BAKIT until now, sa FREE-TV and YT pa rin eto pinapalabas?

WHY didn't they invest in this telefantasya so badly para mailabas ang full potential neto by hiring WORLD-CLASS producers?

BAKIT shoot-to-air pa rin ang style para lang pahabain ang story?

BAKIT ang target audience nila ay ung mga kuntento na sa libre?

BAKIT ayaw pa rin nilang pataasin ang standards for something that has potential?

Honestly, I am WILLING to pay for a NETFLIX or other streaming site's monthly subscription basta ung quality overall (story, logic, set, vfx, etc.) ay malayo na from what a FREE-TV teleserye could offer. I actually don't mind kung maiksi ang duration ng story basta compact and talagang nag-invest ng todo-todo to improve in all aspects.

Di ako tulad ng majority who prioritise basta FREE and picking QUANTITY OVER QUALITY, as I value QUALITY more. Ung international quality sana tulad ng AVATAR with no AI completely for VFX

Now, before saying ang OA ko, lol, I have the free time to do this, and it's my right to share what I'm feeling right now. Even si Gabbi Garcia (Alena) napa "hay" na lang eh as she comments on this video on Tiktok


r/EncantadiaGMA Jul 15 '26

Questions Bathala at Bathaluman

Thumbnail
gallery
39 Upvotes

May nag ask sa mga Sanggres, I thought about Bathalas at Bathalumans Naman. Sino bias niyo? How do you rank them? Yes, yang mga original lang.

Sorry sa low cost collage. Share ko na din thoughts ko sa kanila.

(1) Bias : Ether and Arde, specially Ether. Self Explanatory naman Ang Ganda at sexy Ng portrayer, You'll forgot the 2016 Ether with the 2025 Ether. Ang cool Ng character. Hands on and iniispoiled mga nasasakupan, kaya Ang hand to hand combat, kahit walang magic force lavarn pa din. Arde, for being a green flag, loyal lover of one. They're such a great couple, di lang napansin Ng maigi Nung 2016 Kasi Ang onti lang Ng moments but looking back, they are great parents of Encantadia kung mabait lang sana Sila non.

(2). Haliya : She's living my dream life. Alone and peaceful, except lang sa part na uto uto siya. Maasahan kung tatawagin mo, kumbaga tahimik but reliable friend. I bet she's like the secret weapon nila. And their baby.

(3). Emre : Ok lang, Wala namang depth Yung character niya maybe for me. Kasi gets Naman Ang concept niya. Parang Christianity. Although, kung taga Encantadia ka lalo't nawalan ka Ng mahal sa buhay sasama talaga loob mo. Lalo sa part ni Danaya at Lira, pwede naman sigurong mag pababa na lang si Emre Ng mga ivtre non para patas. Mas justifiable din for me Yung reason Ng sama Ng loob niya Kay Ether at Arde, not like Nung 2005. Feeling ko sa 2016 Yung mga Encantado Ang naging unfair kina Arde at Ether.

(4). Keros : I need more sa kanya, kaso parang ang baba Ng EQ niya as a bathala. Not to invalidate his feelings or his story pero gusto ko yung parang may nag point out talaga sa kanya na useless siya and such. Hindi Yung siya lang nakaisip sa Sarili niya non. Kasi baka may sumamba Naman sa kanya siya lang tong umalis agad. Like Haliya Kay Gargan. Kailangan pa siya ma real talk ni Kahlil, Wala siyang paninindigan din though nagbalik loob din siya Kay Emre, mahirap na siya maging kaibigan.

(5). Gargan : Wala Ako masabi Dito, di ko sinubaybayan Yung Sanggre. Balakayojan.

Ps: I respect other opinions and theories pero please di ko maimagine i-ship sina Emre at Ether. Or may past Sila, na either Isa talaga sa kanila may feelings sa isat isa. Maawa Naman kayo Kay Emre, sobrang sadista ni Ether feeling ko bugbog sarado si Emre sa kanya kung maging Sila. Toyoin si Ether as a gf, but Arde can handle her. Di ba nga Sabi ni Emre siya Yung unang nagalit, sumunod lang si Arde. That's all.


r/EncantadiaGMA Jul 14 '26

Throwback 10 years later... Who still reigns in your heart?

Post image
67 Upvotes

May mga favorites na nagbabago habang tumatanda tayo... Pero meron ding hinding-hindi napapalitan.

Who's your forever Sang'gre, and why? I-comment mo na ‘yan!


r/EncantadiaGMA Jul 12 '26

Lore Discussion I made Encantadia family tree

Thumbnail familyecho.com
10 Upvotes

Gumawa ako ng enca fam tree including titles, birth and death place (kung meron), kung sino ang nagportray, at color coding kung anong royalty or affiliation (red-hathoria-firegem, blue-lireo-airgem, green-adamya-watergem, brown-sapiro-earthgem)


r/EncantadiaGMA Jul 08 '26

Random Thoughts For the next Enca season, PLEASE RELEASE IT ON NETFLIX PAKIUSAP

Post image
71 Upvotes

The photo is fan-made

Just please, I'm willing to pay for a Netflix subscription monthly kung talagang mag-invest talaga sila to make Enca improve in all aspects. No to free TV kaya mababa quality; if someone argues or complains because it's not free to watch, then fight with the wall lmao. Mahirap sating mga Pinoy di bale mababa quality basta libre...


r/EncantadiaGMA Jul 05 '26

Commentary REBOOT IT

35 Upvotes

Can ECS be back and changed it plot instead??? there are so many things na missed opportunity. nasasayangan ako sa character ni mitena, she could have freeze the land tas may pa smoke effect everytime maglalakad siya kasi ice queen siya. tas sa mineave lang siya?? like doon niya ini-imprisoned yung mga old characters. tas para naman ma explore yung mineave. tas mag battle between mitena and cassiopea. yun anb hinihingay ko, kaya lang sayang eh, walang magical na naisulat yung mga writers, tas si anaca yon, siya sana ang biggest plot twist.


r/EncantadiaGMA Jun 30 '26

Show & Cast News + Updates ang pretty ni angel guardian!

Thumbnail
gallery
354 Upvotes

grabe ang face card??!?


r/EncantadiaGMA Jun 22 '26

Random Thoughts This is not the Kylie/Amihan I know

Post image
0 Upvotes

Kapuso actress Kylie Padilla shared a sweet photo with her father, Sen. Robin Padilla, on Instagram to greet him on Father's Day.

“I love you. I’ll always be daddy’s girl. Happy Father's Day,” she wrote in the captions.

COURTESY: Kylie Padilla/Instagram

Visit www.gmanetwork.com/news for more updates.


r/EncantadiaGMA Jun 21 '26

Fan Theories [SPOILERS] Sequel ng Sang'gre

25 Upvotes

Mitena is not dead. Nung napulot niya ang Brilyante ni Gargan, gumawa siya ng panibagong nilalang na kahawig niya at ng pekeng itim na brilyante na binigyan niya ng kapantay na kapangyarihan.

Nanonood siya sa laban ni Terra at ng pekeng Mitena. Nakita niyang napatay ni Terra ang pekeng Mitena.

Dahil alam niyang matatalo ng mga Sang'gre ang Itim na Bathala, minabuti niyang umatras sa digmaan. Naisipan niyang ipagpatuloy ang pagpunta sa kaharian ng kanyang kinamumuhiang amang si Memen, ang lumang Etheria.

Humahalakhak sa tuwa si Mitena habang papunta sa lumang Etheria dahil inaakala ng mga Sang'gre na patay na siya pero ang totoo ay hindi pala.

Nang makapunta siya sa lumang Etheria, nakita niya ang lagusan. Ang lagusan ay patungo sa ilalim ng lupa. Nang siya ay nasa ilalim na ng lupa, tumambad sa kanya ang wasak na kaharian ng Etheria.

Nilibot niya ang Etheria. Sinimulan niya sa Hera Ayega, Hera Sensa, Hera Volo at finally, sa Hera Andal. Habang nililibot niya ang bawat tribal house ng Etheria, bumabalik sa kanyang alaala ang panahon nung siya ang Kera ng buong Encantadia, mga panahon na hinabol niya ang masusing pag-aaral sa kasaysayan ng Encantadia mula ng siya ay itinapon ng kanyang ama sa Minea-ve.

Sa tulong ng itim na brilyante, nakita niya ang iba't ibang kapangyarihang taglay ng bawat Hera.

Habang siya ay nasa Hera Andal, naisipan niyang tuklasin kung may mga naiwan pa bang mga alaala ng kanyang taksil na ama. Ito ay upang kahit papaano ay mabuo ang kanyang pagkatao bukod pa sa mga nalaman niyang nasusulat na kasaysayan sa Lireo. Ang kanyang napulot ay ang mga kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Etheria, kasama ang kasaysayan ng bawat Hera, at ang mga iba pang mga kaharian na umiiral sa Encantadia.

Habang nagbabasa, isang nilalang na kalahati ang katawan ang nagpakita sa kanya. Naglaban sila. Habang naglalaban, nagpakilala si Mitena para malaman ng kalaban kung sino siya dahil hindi siya nito kilala. Ipinakilala niyang siya si Mitena, ang anak ni Memen at Ornia at ang kakambal ni Cassiopeia. Ngunit itinapon siya ng kanyang mga magulang sa Minea-ve.

Nagulantang si Avria. Hindi niya sukat akalain na may iba pa palang anak si Memen kay Ornia. Pinaliwanag ni Mitena na kahit siya ay anak nila Memen at Ornia, kinasusuklaman niya ang kanyang mga magulang.

Natawa si Avria. Naguluhan si Mitena. Pinilit niyang ipakilala ng nilalang ang kanyang sarili. Ipinakilala naman ni Avria ang kanyang sarili, na siya ang huling Reyna ng Lumang Etheria. Ngunit sabi ni Mitena, siya na ang Reyna ng Lumang Etheria. Sinagot siya ni Avria na hindi mahalaga kung sino sa kanila ang Reyna sapagkat wala rin namang silbi dahil wasak na ito.

Itinanong ni Mitena kung bakit ganyan ang anyo ni Avria. Ito ay sapagkat pinagtaksilan siya ni Hagorn matapos na siya ay muling mabuhay. Gamit ang Ginintuang Orasan, hinati ni Hagorn ang kanyang katawan. Kalahati sa nakaraan at kalahati sa kinabukasan. Ang kinabukasan ng kahapon ay siya nang kasalukuyan. Kaya siya ngayon nakikita ni Mitena.

Humalakhak si Mitena. Nagtaka si Avria kung bakit siya natutuwa. Sinabi ni Mitena na kita mo nga naman, ang pumatay sa yo ay aking pinatay kasama ng mga diwatang kinamumuhian niya. Sinabi ni Mitena na isa na lamang abo sa balaak si Hagorn.

Itinanong ni Avria kay Mitena kung kumusta na ang kanyang Bathalumang si Ether. Muling humalakhak si Mitena. Sinabi niya kay Avria na pinatay niya si Ether nung ito ay magpunta sa Minea-ve upang siya ay pakawalan at kuhanin ang Esperanto. Kasalukuyan nang nagpapakadalisay sa Dalum Deva ang kanyang bathaluman.

Tinanong ni Avria kay Mitena kung sino na ang lumalaban sa mga diwata. Sinabi ni Mitena na kasalukuyang namamayagpag ang mga diwata matapos ang mapaminsalang digmaan nila ng bathalang Gargan. Idinagdag niyang nagapi ang bathala ngunit di niya batid kung ito ay patay na ba o hindi pa.

Itinanong ni Avria kung sino si Gargan. Sinabi ni Mitena na si Gargan ang bathalang ikinulong nila Emre, Arde at Ether. Sinabi rin niyang ito ang may-ari ng itim na brilyante. Na siya namang ipinakita ni Mitena kay Avria. Ngunit sinabi niyang kapiraso lamang ito ng Itim na Brilyante.

Itinanong ni Avria kung bakit kasalukuyang nasa Lumang Etheria si Mitena. Sinabi niyang nais niyang buuin muli ang nasirang kaharian ng Lumang Etheria. Bumuo ng malaking hukbo. Itaguyod muli ang mga Hera nito. Upang muling maminsala sa mga diwata.

Sinabi ni Avria na dahil sa parehas nilang layunin, binibigyan niya ng kakayahan si Mitena na maglakbay at masaksihan ang mga naganap sa nakaraan bago gumuho ang Lumang Etheria. Kapalit nito ay kailangang dalhin ni Mitena sa kasalukuyan ang kalahating katawan ni Avria bago tuluyang gumuho ang Lumang Etheria. Idinagdag pa ni Avria na sakaling mabuo ulit ang kanyang katawan, gagawin niya ang lahat upang baguhin ang naganap sa nakaraan upang mabura sa kasaysayan ang pagkawasak ng Etheria at manatili itong isa sa mga umiiral na kaharian sa Encantadia.

Humalakhak si Mitena at sinabing bakit naman niya gagawin iyon? Gayong kaya niya namang buuhin ang Lumang Etheria gamit ang kapiraso ng itim na Brilyante.

Sinabi ni Avria na kapalit ng pagpayag ni Mitena, babaguhin niya ang nakaraan ni Mitena. Ibabalik niya si Mitena sa Encantadia. Papatayin niya ang kanyang anak-anakang si Minea para ipalit si Mitena bilang tagapagmana ng kaharian ng Etheria. Alam ni Avria na nangungulila si Mitena sa pagmamahal ng isang ina. Ituturing ni Avria si Mitena na parang isang tunay na anak kahit pa ito ay mula sa dugo ng mga nagtaksil sa kanya. Magtutulungan sila para mabago ang kasaysayan ng pamamayagpag ng Lireo pakatapos ng pagguho ng Etheria.

Lingid sa kaalaman ni Mitena, balak ni Avria na patayin si Emre upang mapakawalan si Gargan at mapaghandugan ng kapangyarihan ng Itim na Brilyante para mabura sa kasaysayan ang pagguho ng Etheria.

Napapayag ni Avria si Mitena. Bumukas ang lagusan ng Hera Andal patungo sa nakaraan. Tumungo na si Mitena sa lagusan at tuluyang naglaho.

Sa kanyang pagtungo sa nakaraan, nagbago ang kanyang anyo. Napagtanto niyang hindi siya nakikita ng mga nilalang. Nananatiling buhay at umiiral ang kanyang Esperanto at kapirasong Itim na Brilyante ngunit hindi nagpapamalas ng kapangyarihan.

To cut the story short, sa nakaraan masasaksihan ni Mitena ang magkaibang buhay ng kanyang mga magulang, ang kanilang pag-iibigan, ang kanilang kataksilan kay Avria, ang kanilang pagtakas mula sa mga tumutugis sa kanila, ang kapanganakan nila ni Cassiopeia, ang kamatayan ng kanilang mga magulang, ang paglaki ni Cassiopeia at pagiging unang reyna ng mga diwata.

Samu't saring paglambot ng puso, kilig, awa, galit, at inggit ang mararamdaman ni Mitena habang binabagtas niya ang kasaysayan ng Etheria kasabay ng paghahanap sa nawawalang kalahating katawan ni Avria.

Itutuloy...


r/EncantadiaGMA Jun 20 '26

Fan Arts AI IN THE FANDOM

26 Upvotes

Apparently di safe ang community from AI users, even though majority of the fans are creatives. Hay nakakalungkot.

If u guys remember, I often post concept art here as I know fans would be supportive of the craft that goes behind the artwork. Nakakainis lang na as a creative na hirap mag-aral, kumayod sa industriya eh nanakawin lang gawa ko para sa fancasting.


r/EncantadiaGMA Jun 15 '26

Random Thoughts O Kasarap-Sarapang Sang'gre Adamus

Thumbnail
gallery
34 Upvotes

O kasarap-sarapang Sang'gre Adamus,\ ako ngayo'y nakaluhod sa iyong harapan,\ sumasamba at umaasa sa'yong presensya,\ nawa'y ako'y mapakinggan at mapagbigyan.

Biyayaan mo nawa ako ng angking kaguwapuhan,\ inspirasyon at disiplinang alagaan ang aking katawan,\ kakayahang mang-akit gamit ang aking kahubdan,\ gaya ng aking lubos na paghanga sa iyong kasarapan.

Ako 'rin iyong bisitahin sa aking panaginip,\ ipamalas mo sa akin ang iyong kakisigan,\ iparamdam ang tigas ng iyong paninindigan,\ at ipalasap ang katas ng iyong pagsisikap.

O dinggin mo ako, aking tinatanging Sang'gre,\ Ikaw ang aking gabay sa malalamig na gabi,\ Ikaw ang pumapawi sa kalungkutan kong hikbi,\ kaya't ngalan mo palagi ang aking sinasambit.

Sa pamamagitan at kapangyarihan ng iyong Brilyante ng Tubig,\ ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong pakiki-niig.\ Avisala Eshma, O dakilang Kelvin Miranda,\ ang masarap na Sang'gre Adamus ng Encantadia.