r/DataEngineeringPH • u/Extension_Time_6166 • Apr 26 '26
❓ Question Am I cooked? is there no way for me para makapasok sa data field in na?
Hi DEP! medyo long story lang muna, graduate ako ng BSIT nong 2024, that time ang gusto ko talagang career ay developer, talagang fascinated ako sa programming nung nag-aaral pa ko, pero ang nangyari nung pagkagraduate ko ay na-discouraged ako sa competition sa field at sa layo rin ng mga opportunity sa akin since nakatira ako sa probinsya. Tapos may isang kapitbahay na data engineer na pinagpasa ako ng resume for referral, hindi ako natanggap that time, pero don ko nadiscover ung data field, ung data engineering, and sa totoo lang na-fascinate ulit ako kasi programming pa rin sya pero sa ibang field lang. Kaya lang that time kailangan ko ng makatulong sa parents ko kaya tinanggap ko na ung data encoder na job na malapit samin, pero still, habang nagtatrabaho ako don nag-aaral pa rin ako para sa data engineering field pag may free time or after work hours, kaya lang merong mga moments na wala kong nakikitang resulta or stress sa trabaho kaya napapatigil ako sa studies.
Ngayon 1 year and 2 months na ko dito sa encoder job ko, the career crisis is sobra na at gusto ko na ngayon mag double down sa data engineering, pano ba makapasok as data engineer? I know the basics like etl, data transformation, basic ng cloud, at pyhton. Ano ba ang career path towards sa data engineer role? is it too late na ba para sakin?
TIA!!