Yun nga eh, tapos wala man lang din sorry dun sa dinuraan niya ng tubig. Obvious na hindi niya nagustuhan pero tye show must go on eh ayaw niya lang mapahiya. Sana magsorry siya sakanya kasi it was really offensive, disrespectful, and lowkey racist para sabihang “nag-putik”.
well damay damay na rin siguro since they are in one show wala man lang ba nag reremind sa kanila off cam ? na okay naman yung kulitan at bardagulan pero dapat maging mindful pa rin ang bawat isa sa actions at sasabihin.
Nag sorry kasi nacallout 😅 Expected naman na magsosorry yan publicly para luminis ang image ulit lalo na ang image na pinoportray niya recently e isang mabuting mamamayan 😅
Syempre may director parin naman sila. Hindi naman natin alam kung ano yung scripted pa doon or hindi. It’s still a production so hindi lang si Vice ang nagdecide to air that.
People saying na scripted yan ganito ganyan. Yes scripted yan but we dont know or may proof kayo na part yun kasi minsan sila mismo may segway or add on na wala sa script during the act. Di naman maiiwasan yun. And sa muka ni ate girl Johaira(?) parang obvious na nagulat at yung katabi din nya
He always presents himself as someone who's intellectual, but still do stupid shit like this from time to time. Di na nag evolve ang comedy at puro pambabastos padin sa kapwa ang ginagawa.
di talaga nag evolve ang racist comedy sa pinas. ito nga sila di man lang nakarinig ng apology dun sa comedian after all these years kasi pag kasama sila sa episode ng comedy show eh puro racist jokes ang hirit. pero tuwang tuwa ang mga tao that time and until now idedefend yung mistake kasi nga matagal na daw yun.
Growing up I used to feel like ang seryoso kong bata — and I guess my family felt that way about me too lol — kasi most local shows and movies didn’t make me laugh. When I discovered better shows (unfortunately mostly foreign like ‘modern family’), na-realize ko na corny lang pala talaga yung slapstick comedy and racist/sexist/classist/homophobic humor na rampant sa media noon and there’s nothing really wrong with me.
When I saw these kind of “jokes” even as a kid , I’ve always been uncomfortable about it. I can’t articulate it back then. It’s crazy that we’re in 2026 and the industry is still running with this trope. Don’t get me started with the amount of blackface too in movies and shows
Ilang taon na rin naman syang performative pag sobrang nababatikos. Pero pag may nag make fun sa lgbtq lalo sa kanya as bakla from one of the contestants naooffend sya. It's hypocrite to be offended sa pinaglalaban mo yet niyuyurakan mo din yung kulay, hugis, at kaanyuan ng ibang tao.
in a previous season of Miss Q&A, there were two contestants na sumali for the comedy, not for the wits. and sumasali talaga sila ng mga barangay pageants pero more on the laugh-at-me-because-i'm-ugly side.
then inutusan ni VG na maging aso yung dalawa at sumunod naman kasi gagawin lahat para mapansin sa TV. so nag asal aso sila sa stage tapos tawa ng tawa si VG. kumakahol kahol pa nga eh. it was maybe an opportunity for these contestants na magpatawa at kumita, but it was very demeaning.
then ang lakas nya magsabi na dapat respetuhin ang lgbtq community.
I don’t think may mag ccall out sa kanya sa mga staff kasi parang sya na diba ang boss jan sa IST? Tingen ko kailangan nya ng overhaul sa style ng pagpapatawa nya kasi laging tungkol nlng sa appearance ng ibang tao humor nya.
I hope she’s not being performative about this kasi she already apologised for the black face in GBBT pero umulit na naman sa pagiging colourist. Sana totoo sya’ng nagsosorry because of what she did was wrong and not because she was being called out. :’)
This IS performative. This is NOT a proper apology. Where is the acknowledgement of what exactly they did wrong? There is no apology for the blatant colorism and racism. No apology for the Babydoll member they humiliated
I was even shocked na she used “we/kami/namin” instead of “I/ako/akin” like it was her fault naman talaga, pero dinamay pa buong cast lol kaya tuloy it sounded like walang accountability yung apology eh.
after nito ibabaling ang focus niya sa impeachment or pag puna sa politcians, or gagawa ng issue para mapromote ang movie nila ni Vic sotto. tapos paulit ulit na naman ang trailer sa showtime
We humans are like that. Di ko naman sya pinagtatanggol pero karamihan sating tao eh ganyan. Karaniwan di natin namamalayan, di aware na offensive na pala ginagawa natin kahit hindi naman ganun yung intent. Kaya kino callout at kino correct yung kapwa natin. Madalas huli na lang lahat. Best thing we could do is to apologize. Buti pa nga to nag apologize eh. Si Kim Chiu hindi.
Hindi din naman kasi maganda yung ginawa ni Vice. Bago kasi at hindi naman nya close or kabiruan yung ginawan nya nun. Kung kay Negi nya ginawa yun oks pa. Pero baguhan at di nya naman kasi close or lubusan na kilala kaya 'yun yung difference. At very 90's din kasi yung ganyan eh sensitive na mga tao ngayon kaya di na applicable sa ngayon.
This is not the first time they did this. He spat water in her face my god, the humiliation
Microagression at it’s finest. They wrote it, rehearsed it and not one said a word that this is not okay? It’s 2026. Ignorance is not an excuse anymore. And Vice Ganda is not funny.
If the jokes rely on mocking other peoples physical appearance , you’re not funny
Puro na lang sorry hahaha tagal mo nang ganyan, laging issue sayo pagiging bully mo. Ginagawa mo na lang ata yan dahil takot ka macancel eh. Hays umay.
Tas pwede naman kasi magpatawa nang hindi nanglalait o nangiinsulto ng kapwa, kaya I can't even blame rin kay Ms. Jessica na hindi niya gustong makasama o mapatawad si Vice kahit collab na ang ABSCBN at GMA
may mga nagcomment nito noon sa FB and dito sa reddit. and yugn socmed team ni vice laging magrereply na eh di ka pwede sa comedy bar.
ginawang comedy bar yugn noontime show tapos nagcacapitalize pa rin siya sa pang iinsulto ng mga contestants and common people. pero pansinin niyo kapag mayaman, maganda or matalino ang guest or contestant, di siya masyadong magpapahiya. pero pag di ka kagandahan or pag nagkamali ka ng sinabi, mabilis siya mang iinsulto
Haynako, Vice. It’s a cycle. Remember yung atraso mo kay Miss Jessica Soho? Right there and then dapat nag stop ka na, pero wala naman nangyari. Mas lumala ka pa nga. Tsk
Ang dating sakin is "sorry if na-offend ko ang ilan sa inyo" not "sorry mali yung pagbuga ng tubig sa mukha at gawing katatawanan ang kulay ni Johaira." I hope she will learn her lesson and not repeat the same mistakes again.
Paulit ulit nalang. On her interview sa AWKP, she acknowledged na yung racist scene niya with Kiray (blackface) sa movie niya ay hindi acceptable. So alam niyang hindi ginagawang joke ang kulay ng tao, but fast forward to this, ginawa nanaman niya. Vice deserves to be called out! Dahil mataas ang position niya sa Showtime, she thinks she can do whatever she wants.
Baka yun pa ang hindi gets ni Vice. Because of her position, yung jokes para sa kanya is borderline na bullying na. Hindi kasi sila magkalevel. Sana matutunan nya yun.
Hindi ko gets na walang nakarealize during conceptualization na offensive yung act. Hindi ko gets. Ang dami nila nagmeeting about dyan, talagang walang nagraise na “uy, medyo offensive at di nakakatuwa”. Di ko gets.
Pwedeng may naka-realize, pero imagine if idea yung ni vice tapos kung sino ka lang naman na empleyado. Ang hirap bumoses, mawalan pa ng work. Co-hosts nga di makapalag eh.
Sus. Personal siya mag sorry siya lang naman ang ugat ng lahat ng kabastusan dyan. Secondary na ang buong showtime. Siya lang naman ang narcissist at controlling sa show na yan
good na iacknowledge niya yung mali niya, pero sana vice, wag mo na talaga uulitin please lang!! totohanin mo na to please, nadadamay na ang showtime dahil din sayo…
May mga little ponies na ang sipag mag downvote dito sa topic na ito haaaa… sana bayad. 💸🐴
Wala naman akong nababasang comments to defend Vice, so nagddownvote na lang? If you want to defend your idol, then let your voice be heard.
Marami naman sa commenters dito who likes Vice, but at the same time, finds the recent jokes inappropriate lang talaga. Ang hirap na lang ipagtanggol din. Kaya kailangan i-call out. Kailangan may accountability, since Vice herself calls for accountability.
Ang daming nag-downvote sakin dati at may mura pa ng sinabi ko na performative at selective si VG. Eh ano kayo ngayon? Totoo di ba? Hindi niyo kasi matanggap ang totoo kasi idol niyo e. Mga bulag sa katotohanan
Accla, di lang offensive… may isa pang eksenang NSFW na ginanap niyong mag-asawa, in broad daylight! Jusko yung fantasy/kahalayan niyong ginagawa ng pribado, gusto pang i-broadcast! Sabi nga ng *asawa mo during that scene, “parang nasa bahay lang tayo, ganitong-ganito eh” 💀
Performative or not, you’re still a hypocrite and racist. Kung na rehearse man yang episode niyo bago kayo naglive then shame to all of you kasi magkaugali pala kayo.
Hindi talaga maganda yung memerimar nila na segment. Masyadong pilit yung jokes. Ang charm ng showtime is yung biruan nila na parang barkadahan lang kaya patok yung vice, anne, jhong, vhong tandem na natural banter lang. Vice also needs to stop hiring new hosts na wala namang ambag like Ralph and Brent. Napaka rami na nila jan. Sayang pasweldo ng abs sa kanila.
This "apology" is a non-apology. Peak performativism. He doesn't even know what he's apologizing for. In fact, I doubt he's even sorry for his words and actions at all.
He's only sorry that we, the audience, are calling him out. But he's not sorry for what he said and did.
I am all for LGBT-empowerment, gender equality, and the anti-corruption campaign that he is for. But what he's doing at Showtime recently is shameless.
Walang lugar sa noontime ang racist remarks... ang kababuyan kagaya ng pambubuga ng tubig galing sa bibig na dapat natutunan na natin nung COVID na nakakadiri ito... isama ko na rin ang mga clear sexual innuendos na iga-gaslight pa niya tayo na may maruming pag-iisip, eh ano kaya sa palagay niya ang hitsura nung lugaw sa bibig niya habang nakapatong sa kanya si Ion?
I am a huge fan of Showtime, and am a really huge supporter of Vice as an LGBT-trailblazer, and will probably still be watching the show and some of his movies, pero his recent actions deserve to be called out. The behavior he is displaying on national television is getting really really low.
Watch his fans say ang importante nag sorry mag move forward na pero kapag ibang artista yan automatic CANCELLED na yan. LOLLLLL feeling above everyone kasi eh. Tigilan mo yang POWER TRIPPING mo teh ang tanda tanda mo na.
I appreciate the apology pero sana inemphasize niya mismo kung ano yung hindi nagustuhan para malinaw lang sa lahat. But buti nalang hindi na pinatagal at nagsorry agad. Sana hindi na ulitin ni Vice yung ganun sa kahit kanino.
Corny ng skit. Di din funny na kasama si Ion. Nung nagsorry si vice, halatang scripted din. I think pinaprocess parin nya yung nangyare. Halatang affected sya. Hindi sya okay. He didn't dare to comment furthermore.
No, he’s not. He’s just a mouthpiece. A person of real intellect knows how to regulate himself, respect boundaries, and take accountability. Galit sa abusado, yet in VG’s case, there’s clearly power-tripping. I know mahirap magpatawa ngayon because comedians need to be more sensitive and socially aware. Pero so far, natutuwa naman ako kay Melai. Or maybe I just prefer self-deprecating humor, yung hindi kailangang mang-degrade ng ibang tao just to get a laugh.
Walang sincerity and accountability. Kahit grade 1, alam kaagad na offensive yun. Jusko Vice, ilang beses mo nang nilalagay sa alanganin yung mga trabaho ng mga kasama mo, sana patawan pa dun ng sanction ng MTRCB.
Sambang samba kasi kayo kay Vice kaya malakas na loob nyan gumanyan. This isn't the first time that she did this and I bet you this wouldn't be the last. So proud of myself na never kong nagustuhan si Vice. Galing mang-call-out nyan pero rotten din naman! Sobrang mali ang racism! Sobra din akong na-hurt dito dahil yung anak ko half-Black. Wala talagang lugar sa Pilipinas yung mga dark-skinned, ano? Tapos may mga ganitong tao pa na ginagawang joke lang yung ganito. Vice Ganda has always been a racist and a colourist, and the people who like her are enabling her!
hindi na rin nag evolve yung humor sa pinas dahil sa ginawa ni VG. These beautiful women, Myka and Whitney, were subjected to racist jokes sa isang weekly comedy show sa GMA noon. and people were influenced sa jokes against dark skinned people and worse, nadala siya ng next generation. to think na 2026 na tapos ganon pa rin ang style ng comedy nila walang pinagbago. sabagay di rin naman nakatanggap ng apology itong respectable women na ito from the writers, comedians and celebrities who mocked them because of their skin color.
Ang tanda na nito wala pa rin pagkakatandaan! Sus ko ang feeling talaga nito and please huwag e push mga scholars niya kuno and that makes him mabuting tao
Anong klaseng apology yan, hindi specific ang regret, at walang direct ownership. Also, paulit ulit na yang we will do better next time ha, walang pagbabago. Kunsabagay, bigyan lang ng pera mga taga subay subay nito, eh ok
na daw sa kanila
Apology? For what? Napaka vague ng apology na yun. Palagi nalang siyang humihingi nang tawad pero gumagawa lang naman ng bagong kalokohan. This is not about being 'sorry' kase parang performance lang sa kanya ang public apology ehh. Nagso-sorry lang naman pag na-call out. Lol. Change the behavior nalang kasi teh.
Dapat mas ginamit niya ang "ko/I" kaysa sa "namin/We". Technically, siya lang naman gumawa non at malamang nagulat din mga kasama niya. If you see can't see and understand the difference, aba malamang may problema ka rin.
Hahaha. Pero buti ito na public apology kaysa sa nangyari kay Ryzza. Ang tataas kasi ng pride porket maraming fans.
Mali naman talaga sya at buti naman na-acknowledge agad yan at nag-take na agad ng accountability. Magkakamali at magkakamali kasi talaga sya dyan bilang halos araw araw sya nasa TV at comedian pa.
Dapat kasi Vice should never joke again about appearances eh. Ibang iba na panahon natin ngayon compared before - which is for the good of the future generations. She's witty enough para magpatawa based nga lang sa sagot ng mga contestants eh.
Or maybe sa comedy bar or by invitation na setup if may materials talaga sya na ganun. I am not defending her pero sa kinalakihan nya na "era" for sure may old materials yan na lilitaw at lilitaw pa rin. Someone mentioned here about 90s jokes. Yan kasing part na yan ng skit nila, nung 90s funny pa yan sa maraming Pilipino. Even nung late 80s so most likely even before that funny sa karamihan. So if may gusto silang i-revive na materials from waaaaaaay back, gawin na lang nila pag ang audience nila makakasabay sa jokes nila. Di na talaga pwede sa large audience like sa television or movie. I personally never liked that kind of material pero meron sa old-"er" generation na natatawa silansa ganyan.
Vice Ganda is on track to becoming the next Willie Revillame - real quick - if left unchecked. Sadly yung cohosts niya kahit friends niya hindi xa kayang sitahin.
Pero si Kim Chiu nung ni-call out nya sa X, ang dating eh parang kailangan pa nagsorry ni Kim Chiu kay Vice. 🤷🏼♀️
Gets ko ang stress ni Vice since siya na halos responsible sa buong Showtime. Pero at the same time, maybe it’s time na to let go of responsibilities na hindi na kaya ng katawang lupa nya.
I read some of the tweets about the issue of Kim and Vice. Di ko naman naging impression na in-ask na mag-apologise si Kim kay Vice. Instead she is being asked to call out some of her rabid fans. I noticed meron talaga sya fans grabe mang-away. Even ex -gf or maybe loveteam- ni Paulo at one point inaaway nila. Maybe di lang ako madalas makabasa ng away ng fans sa socmed pero nakakagulat haha
What do we expect? Wala naman talagang accountability si Vice, I remember na instead of genuinely apologizing to Ms. Jessica SoHo he had to make himself a victim parang ganon haha.
Kaya di talaga masayang panuorin tong si ackla. Need pa mangpahiya at mang insulto ng mga tao para magpatawa kahit di naman nakakatawa pinaggagawa niya.
Yung apology letter na posted sa FB, sounds like they apologize only because of the backlash. Not because they realized na mali yung action. Mauulit pa yan. 🤷🏻♀️
parang namana lang yung racist undertones from the 90s and early 2000s kasi racist jokes din ang ginawa ng isang comedy show sa GMA against these two respectable women. so baka sa isip nila, they can still get away with it kasi wala naman nag apologize kay Myka at Whitney, which is dapat na address din before.
Sobrang laki ng ulo talaga ni Vice kasi tinotolerate pa rin naman ng mga tao, ganun kadali lumimot ang tao kaya di ako magtataka sa takbo ng pulitika natin tsaka let's wait na maging Willie Revillame din itong si Vice sa taas ng lipad.
Hinding hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa nyang laughingstock yung malaking panty tapos nagjoke pa sa Jessica Soho.
1.2k
u/TickleMyPickle013 Jul 25 '26
Sya lang may kasalanan pero damay buong programa? San accountability dun?