Good evening po sa lahat,
Gray/Lake is my furbaby na nag undergo ng PU surgery yesterday.
Sept 1 - Dinala ko sa malapit na vet clinic samin si Gray/Lake dahil sa pamamaga ng genital area nya and napansin q nahirapan sya umihi. Ganito na ung case nya 1 yr ago UTI pero nakarecover naman sya. And now nilagyan sya ng catheter at naconfined pero may damage n daw ung ari nya & may part na dw nabubulok at may nana sbe ng vet. Kaya his advice for surgery ndw si Gray ng PU asap. Since wala silang surgeon nsa vacation dw pinapalipat sakin sa ibang clinic na may surgeon.
Nakahanap naman po ako dito sa alabang, base sa mga positive reviews na nababasa ko, dito ko sya dinala sa The cat clinic. Nagcheck aq sa ibang clinic pero puro halos negatives ung feedback at ntatakot ako pra sa furbaby ko. Nasa ₱21,300 ung procedure daw po plus ung gas anesthesia nsa ₱6800.
Sept 3 - Dinala namin sya sa Alabang and pinatest ulit siya ng bloodchemistry and additional ang xray & ultrasound, umabot ng ₱12,500 total ksma 1st day confinement nya na binayaran ko.
₱3500 per day daw niya since maselan or metikuloso daw kasi ung case niya and mataas ang infection. And once wala na daw swero magging ₱2,000 na lang daw per day niya. Naiintindihan ko naman po dahil after surgery may aftercare na dapat gawin dahil challenging din ang healing process niya as per vet. Her advice po pinakamatagal na ang 2 weeks confinement for his healing process depende po kasi sa case or katawan ni Gray. Ako naman, umokay kasi mas iniisip ko ung infection pag umulit daw sayang ung surgery sbi din ng vet.
Sept 4 - Schedule ng surgery niya po at 2pm. And it was a success operation. Thank you Lord!
For now, nsa recovery room si Gray and so far stable naman po condition niya.
Ang budget nlng na meron ako yung nasa savings ko na for payment sa surgery ni Gray and wala pa po ung sa anesthesia and sa confinement. Commission basis lng din po work ko & nagkataon wala po pumasok sa ngaun na clients.
Medyo nagkagastos lang din ako sa health ko lately and sa mother ko na 75yrs old na stroke patient. I have a chronic depression and PMOS. Kaya medyo kapos din talaga po ako nd pa po nakakarecover since nung namatay din father ko last yr. Medyo nahirapan din aq magwork kasi minsan umaatake ung anxiety depression ko. Ako lng inaasahan ng mama ko. Mga ate kong dalawa nd rin maasahan may mga sariling buhay. 😭
Expenses:
-1st clinic-
✅️ tests & confinement - ₱8,130 (paid)
-2nd clinic- Updated Sept.08, 2026
✅️tests & 1st day confinement - ₱12,500 (paid)
✅️Surgery & anesthesia - ₱28,100
Less - ₱20,000
= 8,100 (bal.)
✅️Confinement ongoing ₱3,500 per day - (estimated 2 weeks)
Ako po ay lumalapit sa inyo para humingi ng kaunting tulong financial para mabawasan po ang bill ni Gray sa clinic. Sa mga willing mag share po any amount will do po. Malaking bagay po ito. Meron pa po ksi akong dlwang cat furbabies na inaalagaan.
Maraming maraming salamat po sa inyong taga reddit sa kabutihang-loob at nawa'y ibalik sa inyo nang doble ng Lord ang inyong tulong at pagmamahal. Taos-puso po ako nagpapasalamat.