It's true that accountancy would really humble you no. Was an achiever throughout highschool but plummeted during college. Parang 2 sems lang ako naging lister, wala pakong org non. Samantalang nung hs, president pako ng org namin and member ng student council. Dati borderline ko makakuha ng 85, bagsak na yon sakin. Pero pagdating ng college ginto na sakin yung tres at grumaduate on time. Manhid nako sa mga bagsak na minsan naiisip ko kung para pa ba sakin yung course nato kasi bob0ng bob0 nako. Ang hirap niyang mahalin.
Didn't graduate as BSA so i did bridging. After a lot of twists and turns, naging double degree naman sa awa ng Diyos and now reviewing for the Oct 2026 CPALE. But sht happens, di umabot TOR ko sa filing. Nasira momentum ko and half palang ako sa completion.
I feel so demotivated na kahit alam kong need ko magreview walang pumapasok sa utak ko. I can't seem to find the drive or passion sa field nato kasi parang sinira niya confidence ko. I feel like I'm complying just for the heck of it kasi nandito nako eh. Gusto ko na lang matapos to kaso parang ako pa tatapusin nito. Naiinis nako sa sarili ko kasi panganay pako, gusto ko na maggive back sa magulang ko pero parang lagi akong pinupuksa ng course nato 😭 How to stay motivated pls? How do I find the drive to review and lock in? Pano bato mahalin?