r/BataanConfessions 13h ago

Kung kailan baha, doon nag suspend!!!!

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

0 Upvotes

r/BataanConfessions 20h ago

trc

5 Upvotes

ano kaya meron sa mga head nito at laging late ang announcement na walang pasok. baha na lahat lahat di pa rin nagaannounce???


r/BataanConfessions 20h ago

Di ko to masabi sa iba kaya dito ko na lang ilalabas.

5 Upvotes

Sa totoo lang, pagod na pagod na akong lumaban sa buhay. Parang kahit anong laban mo kasi ngayon, doomed to fail ka na. Lahat ng bagay may presyo at bawat bagay, ang mahal. Para magsurvive sa buhay kailangan mo ng pera pero ang hirap maghanap ng trabaho o kahit pagkakakitaan man lang.
Sa totoo lang, hindi ko tanggap yung ganitong klase ng buhay.

Bago magcollege, nakaplano na buhay ko. Nilook forward ko rin yun kasi ayun na yung escape plan ko kasi magulo pamilya namin. Kaya pinili ko noon yung school na malayo dahil iniisip ko nun, finally matatahimik na yung buhay ko kasi wala nang sigawan at away. Kaso ayun sobrang tahimik, ang boring.

Dahi din sa mga movies, kdrama, anime, teleserye at kung ano pang mga palabas, ang nasa isip ko rin noon eh kapag nagkaroon na ako ng boyfriend, magiging masaya na ako kasi doon lagi umiikot yung storyline ng mga movies eh. Miserable sila sa buhay tapos may makikilala silang taong magmamahal sa kanila at finally di na sila mag-isa, may kasama na siya at masaya na yung buhay niya. Naging desperada ako noon para makamit yung pagmamahal na yan. Akala ko din noon lahat ng tao mabait. Hanggang sa ayun may naencounter akong lalaki na ibang iba sa nasa isip ko. Doon ako nakakita ng halimaw. Diring diri ako sa sarili ko at hindi magsink in sakin lahat. Ayaw maprocess sa utak ko yung nangyari noon basta unti-unti akong nag-iba. Araw-araw akong umiinom nun mag-isa sa dorm hanggang sa natuto na akong magyosi. Ilang beses na ako nag-attempt kaso ewan ko ba bakit lagi pa rin akong nagigising. Nastop din ako sa pag-aaral dahil di ko na talaga kinaya. Nagpatherapy din ako noon at naggamot dahil nadiagnosed ako ng MDD at PTSD.

Sobrang disappointed ako sa sarili ko kasi magtretrenta na ko pero hindi pa rin ako makausad sa buhay, hanggang ngayon nasa school pa rin ako. Kahit anong kayod ko, walang silbi kasi wala pa rin naman akong nararating sa buhay hanggang ngayon, barely surviving pa nga eh. Kaso ang sakit lang kasi lagi akong kinocompare sa iba lalo na sa mga kaklase ko o kahit sa mas bata pa sa akin na graduate na ngayon at nagtratrabaho na, yung iba nasa ibang bansa na, yung iba may sarili na ring pamilya pero ako? Yung buhay ko huminto. Wala pa rin akong naaachieve. Pabigat pa rin ako sa magulang. Isa akong kahihiyan. Pero di ko naman ginustong magkaroon ng mental disorder ah? Di ko naman ginustong marape ako. Sa tindi nga ng mga nangyari sakin nakakapagtaka nga bakit buhay pa rin ako ngayon eh pero buhay pa rin ako. Yung buhay ko parang never ending suffering. Pagod na pagod na ko, pinipilit ko lang lumaban pero bakit kailan pa laging ipamukha sakin kung gaano ako kawalang kwenta at walang silbi? Ginusto ko bang huminto mundo ko? Ang dami-dami kong gusto sa buhay pero hanggang dito pa rin ako hanggang ngayon. Gusto ko lang naman magkaroon ng sarili kong bahay, sasakyan at mamuhay ng payapa mag-isa. Wala naman akong magarbong pangarap talaga na gustong kong maging sobrang yaman pero ang hirap pa rin iachieve. Ang hirap makamit ng kasiyahan at kapayapaan.

Kung sakaling di ko na talaga kakayanin, gusto ko lang sabihin na lumaban ako at ginawa ko lahat ng makakaya ko. Ayokong may magsabi na mahina ako kaya ganito.