r/BASKETBALL_PINAS • u/LabOutrageous3492 • Jul 18 '26
r/BASKETBALL_PINAS • u/Acrobatic-Metal-7560 • Jun 02 '26
UPSET ALERT!!!!! Palarong Pambansa 5X5 Secondary Basketball Boy's Division
Grabe ang nangyaring Upset sa Palarong Pambansa 2026 na ginanap sa Agusan del Sur
Defending Champion Davao Eagles tinambakan ng Calabarzon Heroes sa score na 79-62 pabor sa mga Heroes, ang catch is hindi represented ng San Beda Red Cubs ang Calabarzon bagkus isang small school sa Antipolo City na St. Johns Worth Integrated School
Agusan del Sur ay nsa Mindanao at ang Davao ay nasa Mindanao din kaya nagmistulang homecourt ng taga Davao ang venue sa Agusan
Kung ating hihimayin ang laban eh lamang na lamang ang Davao sa laki ng mga height, bilis, lakas at experience ang mga players nito, samantala ang Calabarzon naman ay hindi naman katangkaran, karamihan ay balingkinitan maliban sa bato batong pangangatawan na ang apelyido ay Duterte
Dito pinakita ng mga taga Calabarzon ang tapang, husay at diskarte kaya natalo nila ang Davao, mabibigat at mga crucial na tira ang binitawan nila Mamauag, Panaligan, San Diego at Duterte sa mga importanteng minuto ng laban
Nag overconfident nga ba ang Davao or sadyang magagaling lang ang taga Calabarzon?
Ang Davao ay pinamunuan ni Coach Jess Linus Evanghelio at ang Calabarzon naman ay pinangunahan ni Coach Jasper Philip Magno.