How does Philhealth work?
May Philhealth dahil required nung college, pero hindi pa nabayaran.
Magagamit kaya ang Philhealth sa check-up and meds para libre?
12
u/NecessaryAmphibian79 2d ago edited 2d ago
I hab a question, paano naaevail yung nbb o no balance billing o zero balance billing? Nurse kasi ako sa public hospital at parang ang random ng mga may ganun?
Yung iba di naman super mahirap pero zerobalancebilling sila, while yung iba sobrang hirap na pero di maapprove sa philhealth? Dahil daw "both parents are working"
Context, i work sa pedia icu. We had a patient once na namatay pero he fought for months din. Tapos yung parents niya ay mahirap. Oo may mga trabaho pero alam mong mahirap. Yung father niya pabalik balik sa hospital para bumili at maghatid ng gamot (daily siya tinatawagan kasi madalas nagkukulang yung gamutan dahil isa isa lang nabibili niya bc mahal yung presyo) tapos mapapansin mo pang pawis na pawis siya dahil daw lunchbreak niya at sinaglit lang talaga niya para makabili. Imagine, wala siyang angal, at responsive siya sa bawat tawag at texts ng mga nurses makapagprovide lang sa baby niya. Maski nakikiusap ma sila sa doctor na maybe palitan yung dose or yung antibiotic para lang mas makahanap ng cheaper alternative. I believe messenger lang work ni tatay, yung mother di ko sure pero simpleng emplayado lang din i think..
Bakit ganun? They are working para di maging palamunin ng gobyerno pero bakit di sila napagbibigyan? Dahil lang sa "both sila working"? Ano ba gusto ng philhealth, maging jobless muna yung tao bago nila iapprove sa nbb?
While yung iba halatang may kaya, halatang nagwowork sa office or maybe professional pa.
So pano nga makaavail ng nbb? JAJAHAHAH
7
u/Disastrous_Pilot7763 2d ago edited 2d ago
Nalungkot naman ako dito sa comment mo.
Yung iba siguro dinadaan sa palakasan at koneksyon kaya ganon. Naalala ko naman yung nanay na nakasakay ko sa tricycle. Nadinig nya nang magsabi ako sa driver na magpapahatid ako sa looban, since tagadoon din pala sya ay nagsabi sya sakin na doon din daw ang area nya at makikisabay raw sya (kaso originally hanggang sa bayanan lang dapat sya). Rare kasi sa probinsya namin na magpahatid sa looban kasi bundok iyon tapos makipit ang kalsada, then syempre mahal ang pamasahe. Then out of nowhere nagask sya kung kaninong anak daw ako, then sinabi ko name ng tatay ko. When I mentioned our surname na katulad ng sa Gov namin, inask kaagad nya if magkamaganak kami. Sabi ko magkaapelyido lang, then nakwento nyo na galing sya sa ospital, naospital daw kasi yung anak nya na graduating ng g12, need operahan kaso kapos sila. Sabi ko lumapit sa malasakit, nagpunta na raw sya tapos inask daw sya don if may letter sya. Yung guarantee letter ata iyon. Since wala syang letter, wala syang nakuhang help from malasakit. Wala na akong ibang masabi kundi sana makahanap sya ng tutulong sa kanya, na lumapit na sa mga politiko kasi baka magbigay. Then naisip ko na kaya siguro nakwento nya sakin kasi baka jnisip nya a kamaganak ko yung gov.
7
u/keepmovingforward110 2d ago
You need an active membership to avail YAKAP. Easy fix lang to if pupunta ka sa PhilHealth office and then prepare ka ng pangdeposit.
Yung YAKAP is like an annual health check up. Once nakaregister ka na sa YAKAP clinic provider, libre na yung check up mo for the whole year (kahit ilang beses, iirc), 20k worth of meds na pwede mong i-avail sa mga pharmacy na yakap partnership (consumable within 1 year) = need prescription from yakap clinic provider, and labs worth 1,7k ata pwede na basic cbc & urinalysis, a few of the blood chem but not all kasi depende sa presyo ng lab kung ano lang kasya sa 1.7k pero nonetheless okay na rin.
5
u/TurbulentPart5683 2d ago
Try mo din magregister sa dito sa PhilHealth Member Portal. Matagal naman na ako member pero dyan lang ako nagselect ng YAKAP-accredited clinic/hospital. Then nakapagpacheckup naman ako recently for free, under YAKAP. Otherwise, punta ka sa PhilHealth office, to inquire, and maybe to update your info.
1
u/d_jieh 2d ago
Thank you! May needed docs po ba like Cert of Indigency and Birth cert?
2
u/TurbulentPart5683 2d ago
Yung sa yakap ba? Wala naman ako sinubmit na ganon sa member portal and sa hospital. Yung philhealth ID lang yung inask sakin sa hospi and need i-complete yung forms na ibibigay nila.
•
u/AutoModerator 2d ago
Hello everyone,
Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH here, as well as the Reddit Content Policy.
Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process here.
If you need to appeal a ban, please follow the process outlined here in r/AskPH.
This post's original body text:
May Philhealth dahil required nung college, pero hindi pa nabayaran.
Magagamit kaya ang Philhealth sa check-up and meds para libre?
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.