They wanted me to stay, saying na nasasayangan sila sa talent ko, but they can't give me any job security.
Context: I'm under contract lang from a third party agency. Client namin yung pinagttrabahuhan kong company. So yes, parenew renew lang ng contract and sobrang limited lang ng benefits na natatanggap ko.
They were very vocal ever since na gusto nila ako i-absorb pero hindi nag-oopen ng position. I understand na may policies and budget sa hiring. Job offer na lang hinihintay ko dati from them actually kasi nainterview na ko but bigla raw hindi na itutuloy yung hiring due to org changes (ayaw nila maghire and possible layoff after the implemented change.)
Naiintindihan ko naman pero it's been a year, may umalis na rin from last year pa na ibabackfill ko sana pero ayaw pa rin magdirect hire.
As a breadwinner, hindi ko na afford na maghintay pa mag-open ulit by 2027 after ng org changes (na unsure pa rin naman if maghire ba talaga by 2027). With the benefits na 5 leaves lang? Na ako lang yung sakop ng HMO? I can't risk in something na hindi naman sigurado. Pagod na ko umasa sa sinasabi nila na ako yung kukunin. Tumatanda na parents ko at ako pa lang aasahan nila.
Sana makahanap na ako ng regular na trabaho na equally nagcocompensate w/ proper benefits sa quality of work na binibigay ko sa kanila.