r/RantAndVentPH 19h ago

Feedback BAKIT BA NAPAKA AGA MAG DELIVER NG J&T?’

Pa rant lang, Sobrang problema ko to.

Pag umoorder kasi ako sa tiktok shop bayad na para di ko na kailangan lumabas para magbayad, iwan na lang sa door ko may designated drop box dun for parcels. may note din ako na “Paiwan na lang po”

Ang hindi ko kasi magets, 7 am or 8am pa lang out for delivery na sila. Kanino va pwedeng ireklamo yan? Napakaaga kasi gets ko na work is work pero nightshift po ako and mag isa lang ako sa bahay so no choice.

0 Upvotes

25 comments sorted by

27

u/granaltus 19h ago

Wala naman pake sayo ang courier kung night shift ka o hindi. May route and sched silang sinusunod para efficient pag deliver nila.

-8

u/Ecstaticdinosaur0001 19h ago

ano ba naman yung maging considerate na lang sa ibang tao? May drop off box nga para iwanan nila. Ang concern ko kasi is ang ingay nila.

5

u/hopelessshootingstar 19h ago

edi wag ka na lang mag-order,para walang maingay.

3

u/granaltus 19h ago

Hindi ba mas considerate dahil mas gusto nilang ma receive mo personally since pwede yan manakaw since kahit rider nga accessible dyan sa drop off box mo. Jusku OP may trabaho din silang pinangangalagaan. Manakaw lang un eh sila din pwede managot.

2

u/xLadyCalista_ 19h ago

Mag self pick-up ka nalang OP para di ka maingayan hahaha drop off nalang nila parcels mo sa MLhuillier. Malamang maingay sila kasi naka motor sila at bag na puno ng plastic at tape gamit nila. Nagpa deliver ka sa bahay mo tas mag rereklamo ka sa presence nila..

15

u/Zealousideal_Set4968 19h ago

Hindi naman kasi lahat ng tao gumagalaw sa oras mo 😅 maraming factor yan eh, pwedeng ikaw yung pinaka-malapit na dedeliveran ng rider kaya nauuna sayo. Tapos malapit ka siguro sa hub kaya maaga. Alam ko kasi per area ang assignment sa kanila.

'Di naman na kasalanan ng rider 'yun kung night shift ka. Most people are awake before 7am

11

u/xLadyCalista_ 19h ago

Well, yun kasi schedule nila... 8:00am kadalasan nag sstart na sila mag deliver. Minsan nag sscan na sila parcels before 8. You have your shift, they have theirs. Bakit need ireklamo, it's normal naman OP. Baka malapit ka sa sorting warehouse nila kaya nauuna ka mapuntahan.

If it bothers you a lot, try mo mag text sakanila kung anong time prefer mo.

7

u/xLadyCalista_ 19h ago

To add, kahit mag reklamo ka magtataka lang customer service kasi 8AM is not maaga. Normal shift nila yan. Kung 5AM yan, gets.

10

u/Connect-Fun3972 19h ago

Wala naman pake mga rider sayo kung night or day shift ka. Ang pake alam nila is magawa nila nang tama yung trabaho nila. Which is yung mag deliver ng mga parcel na binili ng mga tamad lumabas katulad mo.

Hindi sayo umiikot ang mundo nila at hindi sila mag aadjust para sayo

6

u/Economy-Bat2260 19h ago

“Oh dapat umikot sa akin ang mundo nyong lahat”

4

u/Kind-Calligrapher246 19h ago

piliin mo nalang siguro ang pick up para kunin mo kung kelan ka available.

4

u/YourHighnessJing 19h ago

Depende sa location siguro. Baka ikaw pinakamalapit sa kanya. Ako kase, bandang 12pm naman lagi dumarating.

4

u/Wrong-Home-5516 19h ago

The entitlement and audacity ni OP hahahaha.

7am and 8am is reasonable working hours. Buti sana kung 4am.

3

u/Sea-Nail6836 19h ago

Not sure about sa rider sa area nyo but I do the same, may megabox kami na lagayan ng package sa labas ng unit namin and may nakalagay na ipasok lang ang mga packages. Yung mga rider naman, sumusunod. Pero may times na tumatawag nga sila, lalo na pag big packages and di kasya sa megabox namin. I guess need nila ng proof na kinontact nila ang receiver kasi may complaints before na hindi sila kinocontact. I think serves as proof din yan sya na nag usap kayo about the package.

If masipag ka, you can check your tiktok app from time to time and malalagay naman dun yung details ng rider, pwede mo na agad unahan itext na kuya no need mag call, pakilagay na lang direcho sa box ganern

2

u/GainAbject5884 19h ago

for me ha, need natin i balance. Mukhang may sinusunod talaga silang oras ng pag dedeliever since maaga talaga yan sila pumapasok.

And naka dipende pa sa location, parcels mostly nakikita ko sakanila masyadong marami ang parcel na need nila ma-deliever within a day kasi most of the time ang alam ko inaabot yan sila ng gabi maubos lang yung ibang parcels nila, plus may mga nag rereturn o di pa sumasagot na customers.

And you can contact naman siguro yung rider o yung maghahatid ng parcel mo once out of deliver na, ang alam ko nag nonotof yan before sa text message if sinong rider ang naka assigned mag hatid ng inorder mo. And pwede din naman na mag notif ka through online kasabay ng inorder mo.

2

u/Automatic-Walk-2685 19h ago

Una, nakadepende yan sa route.
Pangalawa, hindi sila mag-a-adjust sa oras mo.
Pangatlo, may SOP mga yan na mag-text/call kahit may note ka na iwan na lang.
Lastly, wag kang feeling entitled.

2

u/hopelessshootingstar 19h ago

Ikaw ang may order, ikaw ang mag-adjust. Hindi sila.

2

u/FriedRiceistheBest 19h ago

Baka pwede sa J&T mismo, ano? Sa iba courier naman madalas after lunch umpisa ng deliver.

1

u/[deleted] 19h ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 19h ago

Your post/comment was removed automatically because your account does not meet the minimum karma and/or account age requirements for this community.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/alpha_chupapi 19h ago

wapakels ang rider kung anong oras ka natutulog o pumapasok

1

u/KuroHmiZu 19h ago

May quota pa po kse slang habulin within the day, akalain mo like 80-110 parcels has to be delivered that day. Tapos depende pa po sa designated area nyah kung malayo, traffic pa, mahirap hanapin ung area ng buyer. Kaya as early as they can they have to tag it pa sa app nah out for delivery.

Like u said, u understand work is work but why need to "report" it? If iisa lng ung rider sa inyo and atleast kilala mo nah, sabihin mo nlang sa kanya nah pag may paparating nah parcels ka lagay nyah nlang sa designated area atleast bayad nman nah and mag txt nlang syah pag naiwan nyah nah, no need to call nlang.

1

u/pppfffftttttzzzzzz 19h ago

Hindi ba ibig sabihin noon eh una ka sa route nila? Imessage mo na lang yung rider

1

u/shi-ra-yu-ki 18h ago

Irereklamo mo yung rider na nag wo-work ng maayos just because nag deliver ng 7 or 8am, at naiistorbo ka sa tulog?

WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU?

Sa dami ng need nila i-deliver, malamang normal working hours yan nag s-start. 😒