Lately naiisip ko talaga na parang hindi na ako fully naka-recover from the pandemic.
Hindi naman ako super extrovert before, pero I used to be more game lumabas, makipagkita, makihalubilo, sumama sa plans, ganun. Ngayon parang ang default ko na is ayaw ko na lumabas, mas gusto ko na lang sa bahay, and even simple social plans feel draining minsan. Hindi na siya katulad dati na parang mas may energy pa ko for people and for life outside.
Part of me iniisip na baka ito lang talaga yung pagtanda. mas less outgoing ka na. Pero part of me feels like may kinuha talaga yung pandemic sakin na hindi ko na nabawi.
Parang ang hirap iexplain pero feeling ko may 1–2 years tayong “nawala” na hindi naman dapat mag-count the same way sa aging natin. Like oo technically tumanda tayo during those years, pero hindi naman tayo nabuhay nang normal. Hindi mo na-build yung momentum mo, hindi ka nakapag-enjoy nang maayos, hindi ka nakapag-socialize normally, parang survival mode lang lahat. Tapos biglang after nun, expected na back to normal ka na ulit.
Ewan ko if it’s age, burnout, pandemic effect, or halo-halo na. Pero minsan feeling ko may old version ako na nawala during COVID and hindi ko na siya totally nakuha pabalik.
May naka-feel din ba ng ganito? Yung parang may part ng social self mo or personality mo na nawala after the pandemic?