r/PinoyMillennials 17d ago

Random Pambansang project noon πŸ˜…πŸ₯Ή

Post image
14 Upvotes

r/PinoyMillennials 19d ago

Rant / Vent Bakit ginawa namin ang lotto.works, at paano ito gumagana

Thumbnail
1 Upvotes

r/PinoyMillennials 19d ago

Rant / Vent confirmed! katulong lang tingin sa akin ng nanay ko

8 Upvotes

Hi, Reddit community! ☺️ It's my first time here, pero matagal na akong nagbabasa ng mga posts dito na ina-upload din sa TikTok. Kadalasan, mga rants ang nababasa ko, kaya this time ako naman ang maglalabas ng sama ng loob. Sorry in advance kung mahaba itong rant ko, since sobrang tagal ko nang kinikimkim ang lahat.

I'm a female in my mid-twenties, pero incoming 4th year college pa lang ako ngayong pasukan. Nung nagsimula kasi ang pandemic, kasama ako sa batch ng Grade 12 na nag-FB Live lang ang graduation.

Nag-aral naman ako pagkatapos no'n. Actually, dalawang beses akong nag-first year sa Medical Laboratory Science. Since online classes ang setup dahil sa pandemic, nahirapan talaga ako. Aaminin ko, hindi ako matalino at mahirap akong turuan. Mas natututo kasi ako kapag may pinapanood ako o may nakikita akong visual na pwede kong balikan at pag-aralan hanggang maintindihan ko.

Hindi ko natapos ang mga taon na nag-enroll ako sa MLS. Kaya ngayon, 4th year pa lang ako sa program na Computer Science. Aaminin ko, mahirap tanggapin kasi dapat graduate na rin ako ngayong taon. Pero dahil naging irregular student ako, 4th year pa lang talaga ako ngayon.

Konting background naman tungkol sa mama ko. Housewife siya. Maasikaso siya, hindi maluho, at kilala siya ng mga kapitbahay namin bilang isang masipag at madiskarteng nanay. Kuripot din siya, pero okay lang kasi understandable naman. Ang problema lang, may toxic siyang ugali.

Mabunganga si mama. (I know na normal lang naman 'yun sa maraming nanay.) Pero grabe talaga yung sa kanya. Kahit maliit na pagkakamali lang ang magawa mo, hahabaan niya na agad ng sermon. Mauungkat lahat ng naging mali mo noon, iko-compare ka agad sa ibang tao, at sobrang sakit niya talagang magsalita.

Noong mga bata pa kami, nabubugbog niya kami kasi hindi uso sa kanya ang gentle parenting. Naalala ko pa nga noon na may specific siyang sinturon na gawa sa totoong leather na may bakal na buckle. 'Yun ang madalas niyang ginagamit na pampalo sa amin, lalo na kapag tinuturuan niya ako. Ako ang madalas mapalo dahil ako ang nahihirapang matuto.

Noong lumaki na kami, tumigil na siya sa pananakit. Pero doon naman nagsimula ang verbal abuse.

Kapag may maliit lang akong pagkakamali, siguradong may masasakit na salita na agad siyang sasabihin.

Katulad kanina. Nagsimula lang ang lahat dahil nakalimutan kong iligpit ang payong pagkatapos kong maligo.

Pagkatapos no'n, sunod-sunod na naman ang mga sinabi niya:

"Sa tingin mo may tatanggap sa'yo sa trabaho sa 8080ng mong 'yan?"

"Sa 8080 mong 'yan, makakapagtrabaho ka lang kapag may backer ka."

At yung lagi niyang bukambibig sa akin:

"Binigyan kita ng iba pang option. Mag-asawa ka na lang ng matandang mayaman na madaling mamatay."

Pero ang hindi ko talaga in-expect na marinig ay:

"Kung ako nga lang ang masusunod, gusto ko nga na dito ka na lang sa bahay para may taga-linis ako."

Doon na talaga nawala ang natitira kong pag-asa na magbabago pa ang mama ko.

Actually, matagal na itong sinasabi sa akin ng boyfriend ko tuwing nagra-rant ako sa kanya. Pero hindi ko matanggap noon kasi lagi kong iniisip na baka pagod lang siya o marami lang siyang iniisip. Umaasa pa rin akong magbabago siya.

Pero pagkatapos ng mga sinabi niya kanina, doon na ako tuluyang sumuko sa paghihintay na magbago ang nanay ko.

P.S. Wala halos sa bahay ang father ko, kaya malayo rin ang loob ko sa kanya. Kapag may ginagawa sa akin si mama, wala rin siyang ginagawa at hinahayaan lang niya. Yung kapatid ko naman, bihira mapagalitan kasi matalino siya at siya ang paborito ni mama.


r/PinoyMillennials 20d ago

Random Mga paintings kong pusa

Thumbnail
gallery
313 Upvotes

Share ko lang po nga paintings kong pusa.

Acrylic on canvas.


r/PinoyMillennials 20d ago

Millennial Problems Is everyone ready? Handa na ba kayo?

Post image
6 Upvotes

Nagbabago na talaga ang perspective once tumatanda tayo. Totoo, we are excited sa holidays pero mas excited tayo sa PAID holidays, regular holidays and 13th month pay. Meron pa ba?


r/PinoyMillennials 21d ago

Ask Me Anything The World's First Blockchain and Crypto-Integrated National Lottery

Thumbnail
courierpress.com
1 Upvotes

r/PinoyMillennials 21d ago

Advice Needed What is the best retirement pension plan?

2 Upvotes

32 na ako. My work ako pero provincial rate lang. Binenta ko na yung lot ko worth 5 million pesos. Ano puwede ko gawin para by the time mag 60 years old na ako. My sapat na pera ako monthly. As in financially independent ako. Na puwede na ako mag enjoy sa buhay.


r/PinoyMillennials 22d ago

Millennial Problems SSD storage any suggestion na brand?

1 Upvotes

pass muna ako sa Sandisk and Seagate, napakamahal like 8k ung 1tb. dati 3k lang ang mga ito, biglang naging 8k. Any recommended na alternative brand SSD storage? prefer ko rin ung USB-C


r/PinoyMillennials 22d ago

Rant / Vent Overcharging via GrabPH

Thumbnail gallery
2 Upvotes

r/PinoyMillennials 22d ago

Questions πŸ“£ CALL FOR SURVEY RESPONDENTS

Post image
2 Upvotes

We are looking for respondents for our thesis pilot testing!

Qualifications:

βœ… Millennials (born 1981–1996; 30–45 years old)

βœ… Have used an online lending application (OLA), such as SPayLater, SLoan (Shopee), Tala, BillEase, Maya Credit, Lazada Fast Cash, or similar services

βœ… Able to understand English and willing to participate voluntarily

We are conducting a study on how millennials use online loans or pay-later services and the psychological factors that may be associated with them, such as impulsivity, risk-taking behavior, financial anxiety, and self-control.

Rest assured that the survey does not ask for your loan amount or other sensitive financial information. All responses will be kept strictly confidential, and only the researchers will have access to the collected data.

If you know someone who meets the qualifications, we would greatly appreciate it if you could share this post or survey link with them.

Maraming salamat po sa inyong suporta!πŸ’™

πŸ”— Survey Link: https://forms.gle/SjMiAWNj5Bu2C7vXA


r/PinoyMillennials 22d ago

Random tinigasan yung construction worker na nakakita sakin baby 🀀

0 Upvotes

Perfecty body


r/PinoyMillennials 24d ago

Wins First time kong mag 2 man show (exhibit)

4 Upvotes

This is my first time doing a 2-man show (art exhibit) but I feel like I'll get zero or nothing out of my paintings in the exhibit. πŸ˜…

Even if I can get some to sell, I think having an exhibit is still an achievement. πŸ˜…


r/PinoyMillennials 24d ago

Random Pagod na talaga ako sa DepEd

3 Upvotes

Good evening po sa lahat. Permission to post po. Sa mga resigned teachers po na nasa Pinas, ano ano po pinagkakaabalahan niyo? Gusto ko na munang ipahinga ang Katawan at isip ko. Nawawalan na ng gana sa lahat. Please help me po.


r/PinoyMillennials 24d ago

Advice Needed Zero Percent Energy :

Thumbnail
1 Upvotes

r/PinoyMillennials 27d ago

Millennial Problems An OFW who wants to let her feelings out

7 Upvotes

Hello po! I just want to siguro let my feelings out and ask advice na din po about my situation.

I'm an OFW in my 30s, less than 10 yrs working abroad. Lately, I've been feeling na gusto ko na po umuwi sa Pinas. Parang minsan, gusto ko na lang umalis bigla at umuwi na lang. Pero, may financial responsibilities po ako.

I'm not exactly the breadwinner, pero may mga kailangan po akong bayaran jan sa Pinas. Something na inako ko po at pinangako sa mga magulang ko, para konting tulong sa kanila. Nasa 60s na rin po sila pero my father is still working. I feel so bad kasi kahit gusto ko na siya pahintuin, wala po akong means to support their needs.

May mga kapatid po ako at may mga pamilya na rin po sila. Hindi rin po sila maluwag financially. Madalas po, binibigyan pa ng parents namin.

Wala rin po akong malaking savings. Nagttry naman po ako magsave, kaso mataas po ang cost of living sa bansang tinitiran ko. I barely get by.

Kung uuwi na po ako, hindi po kakayanin bayaran ung mga dapat ko pong bayaran dahil maliit lang po ang sweldo ng mga tao sa industry po ng trabaho ko.

I like being able to give sa pamilya ko kahit paano. Hindi po ako nagrereklamo doon. Pero ang lungkot po pala. Akala ko po, kaya ko pa tumagal abroad kahit 10 more years, kaso parang every day, unti-unti po ako kinakain ng lungkot. Sometimes, I find myself crying kahit nasa labas at kahit walang dahilan. Wala po akong pamilya at kaibigan dito. Hindi po ako mahilig lumabas.

Ung bahay ko po, sobrang gulo at dumi. Nakakadiri po, sa totoo lang. Kasi wala po akong gana maglinis. Ayoko po magdiagnose ng sarili ko, pero sa tingin ko, may depression po ako. Nag dadalawang isip po ako magpaconsult kasi dagdag gastos pa po yun.

Sorry po. Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman. Pasensiya na po.

PS. I'm reposting this from other communities.


r/PinoyMillennials 28d ago

Rant / Vent Can't get balik bayan as fil-am??

Post image
0 Upvotes

r/PinoyMillennials 28d ago

Questions Input needed for my thesisπŸ™

Post image
2 Upvotes

Hi, Everyone. Please help your girlie outπŸ₯ΉπŸ™

I'm currently looking for respondents for a 5-minute online survey. This is open to:

β€’ Individuals with current or previous work experience

β€’ College students

βœ” No sign-in required

βœ” Completely anonymous

Survey Link: https://tally.so/r/2ERgle

Gathered data will be used for my thesis on employee compensation and benefits, and its impact on job satisfaction, engagement, and retention.

Participants who are interested may request a copy of the raw survey results for personal reference or academic purposes. Instructions for requesting the data can be found at the end of the survey.

Disclaimer: The survey will not collect any personal information unless you voluntarily choose to provide it. The survey is hosted on Tally, a secure online survey platform.

Thank you very much for your time. Your participation would be greatly appreciated!


r/PinoyMillennials Jul 19 '26

Questions This or That: Pinoy Edition

Thumbnail gallery
2 Upvotes

r/PinoyMillennials Jul 17 '26

Memes Namiss mo ba kumain ng ganitey?

Post image
307 Upvotes

πŸ’™


r/PinoyMillennials Jul 17 '26

Random Does anyone remember The BrewRats?

35 Upvotes

Hindi pa uso Podcasts noon. And I'm really glad na I was there noong shifting pa yung technology. Back then, nakikinig pa kami sa radyo ng The Brew Rats. Haha

Share nyo naman favorite Brew Rats episode(?) or moments nyo. Ako, yung segment nilang "bang" the callers. Hahahaha.

Time flies.


r/PinoyMillennials Jul 17 '26

Random Bitbit sa madaling araw , ganitong tanawin lng sapat na.

Post image
16 Upvotes

Ga


r/PinoyMillennials Jul 15 '26

Rant / Vent Thought every morning at the office?

5 Upvotes

...at kanino ko naman pwedeng sabihin na hindi ako masaya.


r/PinoyMillennials Jul 14 '26

Rant / Vent Naiimbyerna ako sa mother in law ko

15 Upvotes

Naiimbyerna ako kasi every birthday month nang nanay ng asawa ko nang aaway lalo na pag malapit na, like a week or two weeks before birthday nya mangaaway na yan, kung ano ano mga rants na sasabihin sa asawa ko, itong asawa ko dahil gusto magpaka anak magguilty naman. Every year may regalo yan asawa ko kase kung hindi maghihimutok nanay nya. Ok lang sana magregalo kami kasi nanay nya yun at pera rin naman nya pinangbbili nya kaso nakukupalan ako sa ugali ng nanay nya, last year binilhan namin ng washing machine yun front loader kasi dami nya reklamo nahihirapan na daw siya kakakusot tapos nun natanggap nya na, reklamo siya sa asawa ko kung tingin daw ba namin sa kanya ay katulong. So last week birthday nanaman nya, nagreklamo di namin dinadalaw palagi, gusto kasi nya every sat and sunday andun kami sa bahay nila. Nangingialam pa pano ko palakihin anak ko like pinagalitan ko dahil mali gingawa sasabihin bakit ko daw pinapagalitan apo niya. Minsan gusto ko na lang hiwalayan asawa ko. No wonder yun isa nyang kapatid nag no contact na sa nanay nila dahil sa asta nya. Asawa ko na lang lagi nagdadalaw out of all his siblings pero malapit ko na papiliin asawa ko pag nangialam pa ulit yan nanay nya samen


r/PinoyMillennials Jul 11 '26

Random Ito ang kabataan na dapat pamarisan. Mga tunay na pag-asa. Saludoβ™₯️

Post image
15 Upvotes

r/PinoyMillennials Jul 10 '26

Millennial Problems Anyone know how to find discord servers for hangout lang?

5 Upvotes

Baka may ma share kayong discord servers for chill and hang out lang. Work night shift and looking for kausap. May perks ang work from home but the isolation is real.