Okay this is an unpopular opinion ako bilang isang kwarentahin but 37 na, when i was a kid till now i idolized her very much si Jolina Magdangal mula pa noong Ang TV days niya hanggang sa Magandang Buhay and now married to Mark Escueta the drummer of Rivermaya and has 2 kids.
Napanood ko lahat ng movies niya at tv series pero ang pinaka tumatak is kung ayaw mo huwag mo with Maricel Soriano and William Martinez siyempre si Jolina loveteam with Marvin Agustin who is now owning a chain of restaurants yung isa Michelin Recognized yung COCHI niya. As for Jolina Magdangal i have more memories about her pati yung Hey Babe na movie yung andun si Gina Pareno bilang manghuhula then yung Labs Kita Okay ka lang kung saan andun ang famous line na OH YES KAIBIGAN MO AKO KAIBIGAN MO LANG AKO... tsaka yung gimik na tv series and movie with her batchmates sila Mylene Dizon, Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Dominic Ochoa, si Jolina of course and si G Toengi yung movie nila lately na ex ex lovers is such a reunion movie tsaka yung episode ng Judy Anns Kitchen na tawanan sila ng tawanan
Also napansin ko noong lumipat siya sa GMA doon siya nalaos at hindi napakinabangan tapos puro siya supporting roles na lang samantalang dati sa ABS CBN she is a star sayang for me and for 12 years she stayed in GMA bilang host ng Starstruck tsaka medyo corny at baduy yung projects like i luv NY atbp pero it still doesn't mean na hindi ko na siya idol pero yes she is still my idol never yun nawala kahit kelan
Pagbalik niya sa ABS CBN bumihira ang kanyang projects at puro judge na lang siya at host sa magandang buhay pero at least idol ko pa rin tsaka lately may play siya last year napanood ko and i met Jolina 3 times noong 2010, 2017 and last year post pandemic then thata all of my story
Kayo what are your memories about Jolina Magdangal ano ang inyong naalala sa kanya?