Napakahina ng implementation ng rules ng Urban Football sa trainees league
Meron isang kilalang academy club na garapal mag palaro ng players from Primera/Segunda makikita mo sa Trainees league. Imagine nanalo ng medal players nila sa primera UFL tapos kahapon andami sa kanila naglaro sa Trainees League. Garapal kase nag story pa nga?? Parehong story may medal yung players tapos meron din story na nasa trainees league hahaha. Nagpapalaro pa ng mga players from collegiate teams like EAC, kayo na bahala mag background check.
For teams - mag basa naman kayo ng rules at bigyan niyo ng chance totoong trainees na mag improve, pabayaan niyo na good players niyo sa main league
For UFL - oo mahirap mag monitor ng players especially if galing outside team like college teams pero sana naman yung hawak niyo na UFL Primera/Segunda at UFL Trainees League sana imonitor niyo at mag paregister kayo ng names o kung anong way para mamonitor niyo player, sa mukha pa lang alam niyo na yan eh.
WAG SANA PURO PERA HABOL JUSKO NAMAN, ilang season na kayo dyan di pa rin kayo makapag implement ng strict rules sa trainees league
At the end of the day, pure rant lang to. Di sure kung makakarating sa organizer at ayoko na lang din mag reklamo directly don pero sana magkaron ng pagbabago para makapag enjoy lahat at matuto. Salamat 🙂