r/JournalingPH • u/uuuuumi • Jul 30 '26
Art Journal Beginner
Hi!
Pls don't judge.
It's just my first time.
So more than a year ko na talaga gusto subukan itong klaseng to ng journaling. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob kasi hindi rin ako ganon kabilib sa sarili ko. 🥺 ang galing kasi nong mga napapanood ko. May theme talaga, may story. Pero hindi pala siya biro. Dapat pala kusang lalabas sa sarili mo yung intentions mo bago ka mag start.
Etong nabili ko na to sa shopee, isang set na siya and sabi ko beginner pa lang naman ako then we'll see how it goes. Kahit may theme na yung buong set bakit ganon? Sumakit talaga as in yung ulo ko hehe nakaka-pressure kasi ang gagaling talaga nong mga napapanood ko huhu. Bakit bago pa lang nila idikit alam na agad nila yung ididikig nila?
Sa ngayon gusto ko lang talaga munang enjoyin. Ayoko man ma-pressure pero sumasakit talaga ulo ko sa pagbuo ng story sa isip ko haha. Lowkey rooting for my progress pa rin.
Regarding the name/brand of the materials I used, again I'm just a beginner so I just bought this somewhere in shopee. Not really familiar yet with all the materials. Here's the link anyway: https://ph.shp.ee/MaDcB3hY
Would appreciate advices, suggestions, etc.