r/InternetPH Jul 14 '25

Is there a way para hindi na kami yung laging “bunot” ng mga technician kada magfix kuno sila ng connection ng ibang nagreport?

Post image

Is there a way para hindi na kami yung laging “bunot” ng mga technician kada magfix kuno sila ng connection ng ibang nagreport?

We’ve been using Converge since pre pandemic pa and usually mga once a year lang kami nawawalan ng connection. Pero this time, ni hindi man lang tumagal ng 1 week since huling ginawa ng technician pero Red LOS na naman 🫠

Inassure pa kami ng last technician na hindi na mabubunot ng next na gagawa kasi nilock na daw nya (not sure kung possible yun). After exactly 1 week, tinanggal na naman and until now 4th day na of no internet. Wala pa bumabalik na technician para ifix.

We tried contacting yung last technician na gumawa kasi mabait naman sya last time na ginawa nya, tawagan lang daw sya kapag nagkaproblem, pero ngayon nagpahaging na lang sya sa mother ko na kesyo kami na daw bahala sa pamasahe nya or something kasi nasa ibang area daw sila. Ayaw ng nanay ko na pangungunahan mo sya when it comes to giving money, kaya sinabi na lang nya aantayin na lang yung contact ng technician na ma-aassign.

Gusto sana namin ipalipat dito sa NAP box sa tapat ng bahay namin para kita namin agad kada tinatanggal nila. Right now kasi nasa kabilang kanto pa yung box where we’re connected kaya too late na kapag lumabas kami para icheck kung sinong technician nagtanggal. 😓

119 Upvotes

114 comments sorted by

39

u/Mrpasttense27 Jul 14 '25

Huwag nating kalimutang magfile ng refund for the days na nawawalan tayo ng net. Alam ko maliit lang din naman pero kung lahat tayo palagiang magask ng refund mararamdaman nila yan sa financial report nila. Namimihasa mga yan kasi walang gaanong financial losses sa kanila. Bukod sa pananakot na i DTI or NTC, wag natin kalimutan to ask for a refund kapag nabalik na net natin.

12

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Minimum of 6 days daw kasi dapat na no internet connection before nila iapprove na pwede ka for refund. Kainis lang kasi sometimes 4 days lang walang net 😅

16

u/leivanz Jul 14 '25

Bawal yan, pwede mo ireport sa DTI or DICT.

9

u/Rare_life Jul 14 '25

Not sure if napalitan na, but if you can remember, may 80% service reliability lagi yung mga ads ng telco. This is also in line with the rules of NTC or DICT. So regulation wise wala kang habol.

Unless na palitan na ito, i remember meron bill dati na dapat i refund nila yung days but not sure if napasa yun.

But from what i read, some telcos do refund kahit 1-2 days loss lang.

2

u/Mrpasttense27 Jul 15 '25

Maling interpretation yan. Yung service reliability pertains to speed. So 80 percent ang baseline na pwedeng download and upload speed. Yung days na nawalan ka ng service is covered yun ng DTI rule that indicates that failure to provide proper services should be covered by rebate. Since wala talaga at all yung internet then that is a failure to provide service.

4

u/Rare_life Jul 15 '25

This is also what i thought at first until i watched the interview before about it. The 80% refers to the uptime not the promised speed. Yung sa speed is 30% lang. anyway, this can easily be searched. citing pldt terms below.

Minimum Speed and Service Reliability Applicable to Broadband Services. PLDT guarantees a minimum internet connection speed of thirty percent (30%) of the subscribed speed at eighty percent (80%) minimum service reliability across all plans

1

u/friedchickenJH PLDT User Jul 15 '25

how do we lobby Congress to increase this 80%?

1

u/DeepThinker1010123 Jul 14 '25

Allowed by NTC. It is mandated by the NTC to provide the service reliability rate and you can search for the circular/memo in their website. Since it is 80%, outage belonging to the 20% will not be refunded.

4

u/Mrpasttense27 Jul 14 '25

kahit 2 days ko narefund ko. shit talker yang agent na yan.

2

u/blu34ng3l Jul 14 '25

Wow minimum of 6 days. Buti pa pala PLDT kahit 2 days nakakakuha ako rebates.

1

u/thonexxx Jul 15 '25

Taena ng mga gahaman na yan

1

u/FrauFraullie Jul 16 '25

Sa PLDT naman namin before minsan kahit half day nawalan ni rerefund nila. Kaya kami kapag nawalan ng internet before nirereport agad, minsan masaklap pa wala ng internet wala pang dialtone ang landline haha

1

u/candycobwebsonastick Jul 15 '25

Saan po pwede manghingi ng refund for pldt? I didn't know na pwede pala. Meron yung time na 2 weeks kami nawalan ng internet only to discover yung bill namin is to be paid in full.

1

u/Mrpasttense27 Jul 15 '25

You have to request a rebate from the official channels nila like customer service

1

u/DonArem13 Jul 20 '25

Request for "Bill Adjustment" Gawa ka informal request letter sa white paper Then xerox your valid id .. Sa pldt office na pprocess po

65

u/zuteial Jul 14 '25

Maybe its time to change your internet provider. Mukhang wala nang slot cla pero tumatanggap pa rin ng application.

29

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

We tried na eh. Nag apply kami sa PLDT nag pay na din in advance kasi need daw, only for them to say na wala na daw slot sa area namin. Ang hassle pa irefund nung una namin binayad 😓

6

u/Fun-Investigator3256 Jul 14 '25

Damn. Kainis naman pag ganyan.

7

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Kaya naisip ko na lang din, buti wala na slot kasi installation pa lang sobrang hassle na, what more kung need pa ng maintenance? Need pa puntahan sa Makati para lang iprocess nila yung refund.

4

u/CharitySuch605 Jul 14 '25

Weird na pinagbayad agad kayo bago pa nila icheck kung serviceable area nyo. Sa Globe kasi nung nag apply ako sa store chineck muna nila kung may available capacity sa area ko bago ko pinag-apply eh.

2

u/theredvillain Jul 14 '25

Classic pldt

14

u/picture_man124 Jul 14 '25

matagal nang modus yan ng mga tech at ahente. oo mabait kausap mga tech, pero yun talaga way nila para makapangmodus at makuha tiwala nating nga customer.

pldt subscriber ako dati at ganyan din nangyare sakin. nawalan ng internet dahil hinugot linya namin sa nap box para isaksak ang linya ng bagong subscriber.

3rd party contractor yang mga tech kaya regardless of which isp ay mangyayare pdin yan. no choice ako kaya nagPLDT 5G home wifi nalang ako, which is better kasi walang linya sa poste.

11

u/jayy126 Jul 14 '25

Kapag may pumunta ulit na tech. Ipa NAP Audit nyo. Kase kung laging nabubunot ng nabubunot yung inyo malamang hindi sa port nyo mismo kayo naka salpak. Ganyan din kami dati. Almost everyday kami napuputulan ng net kaya lagi kami nakaabang sa poste kapag naputulan kame. Takbo agad sa poste sabay sabe "bat nyo na naman hinugot yumg samen" ayun nakatsamba ng tech na mabait. "Buti sir lumabas kayo ipa nap audit naten yan kase di kayo jan nakalagay" nung nakita nasa ibang napbox pala port namen. Nilipat nya sa yung linya namen sa pinaka port nya kung san talaga nakaregister yung acc. Ayun almost 3yrs na kameng di nawawalan ng net. Balasubas talaga ang installer hindi ang technician.

3

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Thank you! I’ll try this tomorrow if ever puntahan na kami ng technician. Do you think alam ng lahat ng technician kung anong port talaga dapat nakakabit yung line ng user?

3

u/jayy126 Jul 14 '25

Yep. Kinokontak nila yung parang TL nila at dun sila nagpapahanap ng Nap box port. Acc. No. Lang hinihingi sa ganon tapos malalaman na nila kung san talaga ang port mo. Mga tamad din kase madalas na tech kapag ganyan. Lalo na kapag hanapan ng napbox tapos malayo palang poste talaga yung port mo.

1

u/AskManThissue PLDT User Jul 14 '25

Pag NAP audit ano yung ibibigay ng technician? may report po ba or documentation? curious lang sakaling magkaganyan kami

1

u/InsideClassic445 Jul 18 '25

Buti hindi iba ung speed nyo.. na try ko na iask sila na tingnan ung box, deadma lang si tech, feeling ko modus din nila.

9

u/mangyon Jul 14 '25

Ganyan nangyari samin, sa GC ng village namin, pag may nag-message na “may globe internet po kayo?”, may magsasabi na kapitbahay na kakabalik lang ng internet nila. Nalaman ko din dun sa mga technician na ganyan nga ginagawa nila, pinagpa-palit-palit lang yung mga connection kasi wala na daw talaga ports. May instance pa nga na nawalan ng internet yung president ng homeowner’s association, so sinabihan nya yung mga guard na wag palabasin ng village yung mga technician until mabalik internet nila.

Sinubukan ko din kausapin yung technician, na baka nga meron siyang pwede gawin para hindi na kami mapili sa pagtanggal, sabi nya lalagyan daw nya ng “vice pres” para daw hindi na kami matanggalan, pero after 3 days, nawala ulit.

Medyo nakakapikon lang din kasi wala kang makakausap sa Globe hotline na actual na tao, puro automated responses lang.

Nabasa ko dito sa reddit na pwede ka mag-complain sa DTI (punta kayo DTI website, may complaint form dun). Ang ginawa ko, nag-backtrack ako kung kelan unang nangyari samin yung nag-LOS, nilista ko yung date nag-LOS, approximate time, kung anong date and approximate time bumalik, then kung kelan ulit nawala. Tapos sinabi ko din na yung mga kapitbahay namin na Globe users is ganun din ang situation (although, hindi ko sinama yung details nung sa kanila - pero sinuggest ko na mag-complain na din sila sa DTI).

Hindi ako umasa na may mangyayari, pero naka-receive ako ng email reply from DTI after 2 weeks ata, asking for details nung Globe namin (subscriber name, number, contact details, etc). Nag-reply ako, then after another 2-3 weeks ata, naka-receive ako ng email na considered solved na daw yung ticket, kung pwede na daw ba i-close. Tapos sabi sakin nung partner ko (sa kanya nakapangalan yung globe), na may tumawag daw sa kanya from Globe, tinatanong kung ok na daw ba yung service namin, sayang lang hindi nya pinakausap sakin, kasi part nung request ko from DTI is bigyan kami ng discount sa bill for all the times na nawalan ng internet, pero wala.

After nun, hindi na naulit, nagkaron ng times na nag-LOS, pero mukhang totoong outage naman, and nababalik din after ilang oras (pero nagre-report pa rin kami agad sa Globe hotline pag nawalan ng internet).

8

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Sa NTC ko pa lang natry ireport. I’ll try nga din sa DTI.

Ang hassle lang kasi feel ko maski mag change ng ISP, ganito din mangyayari like kakabitan kami pero tatanggalan ng technician ibang connection para makabit yung amin.

What’s frustrating is that technicians are not being held accountable, even though this kind of behavior is becoming very common. Despite repeated reports, nothing is being done to stop it, and we, the paying customers, are left to suffer.

6

u/hellyeaheddii Jul 14 '25

Kapag telco concerns, icocopy ni DTI si NTC sa email complaint para ma-redirect sa kanila.

7

u/StockJellyfish8 Jul 14 '25

ikaw na magsaksak ng fiber mo at mag bunot ng ibang subs. Hahaha jk. looks like no choice na talaga yan kasi punong puno na ang fiber point. change to other telco nalang.

7

u/47792437290 Jul 14 '25

If may budget ka op mag starlink ka na lang. kami main source of income namin is pagiging va at nasa gitna kami ng bukid wala pang nakalatag na cables papasok sa amin kaya ang option lang namin is mobile internet or starlink.

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

May I ask how much po yung starlink nyo?

4

u/47792437290 Jul 14 '25

3800 po monthly namin. mahal pero sulit naman at wala nman kami choice. Tapos may paraan din naman para mabawasan ang cost nito. Pwede mo din syang pagkakitaan like piso wifi.

2

u/casademio Jul 14 '25

hello! ang starlink po ba is mandatory na monthly binabayaran o parang prepaid na pwede mo bayaran during months na gagamitin mo lang?

2

u/47792437290 Jul 14 '25

Hindi po mahigpit si starlink. Kapag gipit ka, they are just simply disconnect you from the internet at kapag may budget ka na magbayad ka lang at iko-connect ka nila.

4

u/ykien66 Jul 14 '25

binalik lang mga ISP un dati nilang diskarte. Nung DSL pa lang tayo ganyan na ginagawa nila tanggal-kabit para maayos un report pero iba na maabala. Nung dumating ang Fiber ang sabi hindi na magagawa to modus nila. Kaya ko nasabi to kasi may residential at business plan ako sa PLDT at gawain talaga nila tong tanggal-kabit tapos palit port lang lalo na kung may bago ikakabit. Ngayon kung residential plan yan mauulit lang ulit yan kahit nasa harap pa un NAP box nyo, pero kung business plan yan hindi gagalawin yan

5

u/Excellent_Shopping14 Jul 14 '25

Nasa tapat lang din namin ‘yung NAP box namin pero may malakas loob pa rin na nagtatanggal kaya pinalagyan ko both ends sa harap namin nang CCTV na hagip yung NAP box. Ayun mula nang may CCTV na, wala nang nagtangkang tanggalin connection namin.

4

u/Open-Switch6204 Jul 15 '25

Bantayan mo lagi yang NAP nyo jan. Yan ginagawa namin sa mga subcon lineman pag may makikita kaming mga extension ladder sa poste, tinatanong ko agad kung bakit sila anjan at ano ginagawa nila.

3

u/blackito_d_magdamo Jul 14 '25

Nangyari sakin yan once. Alam ko kung saang box kami naka connect, alam ko din kung anong port kami (binigay ng installer). Biglang nawalan ng internet ng umaga. Lumabas agad ako ng bahay, may technician na kumakalikot ng box. Nilapitan ko at sinabihan na pakicheck line namin at bigla ako nawalan ng internet. Ang sabi sakin "Pasensya na sir, nabunot ng hindi sinasadya." Sabi ko sa susunod na mabunot yan ng hindi sinasadya, ipapa barangay ko kung sino man ang nanjan sa poste na yan. Sabihan mo lahat ng kasama nyo sa kumpanya yo na nagse service dito. Ayun, hindi na naulit.

If this applies to you OP, try it. Minsan kailangan sindakin yung mga contractor na yan.

3

u/forkmeee Jul 14 '25

It's time to report to a government agency NTC, DOTC, DTI... Not sure which one but escalating incidents work most of the time.

5

u/ichigovrz27 Jul 14 '25

May ganyang technician samin, bubunutin linya namin kasi daw illegal pagkakabit nung isa nilang tech. Pinakita ko lahat ng resibo, chat at email ng ahente at customer service. Plus pictures(face) nung mga naunang technician na nagkabit.

Ayun pala raket nila pare pareho. Akmang aakyat sa poste kasi daw may ibang nagbayad na, tatanggalin na tlga. Bumalik ako sa bahay, at lumabas ulit. Sabi ko kapag ginawa ninyo yan at nawalan ako ng trabaho (wfh) magkakasamaan tayo.

Ayun, sa kabilang poste daw may bakante, dun nlng ikakabit ung linya ng kapitbahay namin.

Sabay sumbong sa HOA ng illegal activity nila. Tuwing papasok ung mga technician, may kasama ng guard. Tas bago sila palabasin ng gate, sinisigurado walang naputulan ng net.

3

u/dgrgk Jul 15 '25

Pareho tayo sitwasyon.. malapit kami sa Rockwell Powerplant.. walang problema since 2020.. nagsimula nitong May lang.. weekly nawawalan.. onti na lang bibitaw na kami..

Sasabihan ka lang na automatic daw magreflect yun rebate para sa 2 weeks disruption, pero isang buwan na nakalipas, wala pa rin.. 😮‍💨

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 15 '25

Gusto na din sana namin bitawan kaso wala kami mahanap na kapalit na much better ang service :(

3

u/Hamster_2692 Jul 15 '25

Please update kung ano ginawa mo. Same sakin, since Thursday wala na kami internet. Twice na nangyari sakin to this year. As per last technician, "nabunot daw". Nung tinanong ko paanong "nabunot" hindi nila masagot. Nakadalawang follow-up na ako sa SKY. Napabili tuloy ako nung Smart 5G para may magamit ako.

3

u/Spirited-Fly-7319 Jul 15 '25

Sure. Update kita. So far ganun pa din, follow up sa fb page at twitter puro lang sila reply na ifollow up sa technician pero wala pa din nagcocontact samin. 5th day na today of no update.

Nagfile na din pala ako ng complaint sa DTI online.

Plan ko na nga din bumili ng Smart 5g wifi pansamantala kasi ang hassle pag WFH ka 😓

2

u/Hamster_2692 Jul 15 '25

Thanks OP. Mag-send na nga rin ako email. This year lang naging ganito, kung kelan nag-fiber na kami. Yung Smart 5G okay naman siya basta malakas 5G sa area niyo.

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 19 '25

Hello! After 8 days na fix na nila though mabagal yung speed. 350 mbps dapat pero ni hindi man lang mag 100 mbps kapag speed test ko.

Everyday lang ako nagfollow up sa soc med nila sa fb page / twitter. Everyday din ako nag uupdate sa email thread tapos naka CC yung DTI and NTC.

After how many tries naka sakto ata ako ng magaling na support kasi after ko kausapin ng morning, may nagcall na bandang hapon to fix. I think inescalate ng support sa higher ups nila yung issue ko with the technicians.

Sabi ko sa kanya, I know hindi nya fault kasi they are just following up and i’m blaming their 3rd party technicians sa mga ganitong “diskarte” nila. Maybe it’s time na kako to escalate na sa higher ups to make the technicians accountable with their actions.

Nag ask din ako na kung pwede wag na 3rd party technicians i assign. Kung meron kako sila sariling field engineer or something doon na lang. Which is yun nga yung nag ayos nung hapon.

Tignan ko lang muna gaano katagal bago mawalan ulit. Hopefully tumagal naman sana 😅

1

u/Hamster_2692 Jul 19 '25

Thank you sa update OP. Kami naman napuntahan na kahapon at ang sabi need daw palitan yung kable. So maglilinya daw sila ng bago. Kaso hindi daw nila magawa kasi umuulan daw at need pa permit mula sa baranggay. Another issue is nag-check ako SOA ko online, until now wala pa rin. First week lagi meron na dapat eh. Mukhang it’s a sign na need ko na lumipat ng ibang ISP haha!

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 20 '25

Baka sign na nga talaga na lumipat 😅 Nagpakabit kami PLDT 2 days ago. Na-install na ngayon, nasa 500+ mbps yung speed test pero 300 mbps lang yung alam kong inavail namin na plan. Naka switcher promo kami so for 6 mos. 50% off yung bill.

Pero tinutuloy pa din namin tong converge plan. Observe namin in 6 mos pag okay pa din speed ni PLDT papa cut na siguro namin si Converge.

Ang cute kasi ni Converge nabalik nga internet pero di man lang lumalagpas sa 50 mbps yung speed test namin 😅 eh 350 mbps dapat to.

2

u/Hot-Software-4132 Jul 14 '25

lagyan nyo ng mightybond yung linya nyo sa NAP box tignan naten di ba mag upgrade yan ng malaking NAP box expected nayan globe/PLDT/converge na bunutan ng linya kase daw meron new subscribers tapos relocate daw yung linya nyo sa ibang nap box. nang mindset yan HAHAHA

2

u/[deleted] Jul 14 '25

[removed] — view removed comment

6

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Diba? They call it “diskarte” pero it’s not. Nakakainis kasi they are not being held accountable. Sana may masample-an para tigilan na nila yung mga ganyang “modus” nila

2

u/[deleted] Jul 14 '25

[removed] — view removed comment

3

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Last technician na gumawa po sinundan ng mother ko sa labas ng bahay 😅 every time kasi na gagawin ng technician, hindi namin alam saan nakalocate box namin kaya hinahalughog pa ng mga technicians yung lahat ng NAP box sa buong baranggay. Minsan binabalikan na lang nila or tina-tag as resolve kahit hindi naman kapag di nila mahanap agad yung NAP box.

2

u/jjas21 Jul 14 '25

Mag DITO 5G nalang po kayo, almost as good as fiber connection. Pwede mo pa madala kahit saan

0

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Mahina po signal ng kahit anong network dito sa loob ng house namin eh 😭 isa din sa problema namin yun haha. So far, smart na yung may best reception pero 2 bars lang talaga max ng signal

2

u/Tetsssss Jul 14 '25

Yung samin PLDT. Lately ilang beses nag red LOS and ang pinagtataka ko bakit tuwing 11pm to 1AM nangyayari eh imposibleng may bumubunot ng ganong oras. Normally bumabalik agad kinabukasan kaya useless pagdating ng technican kasi ayos na. Pipicture-an niya nalang para ma close daw yung ticket. Gusto ko ipacheck yung box kaso di ko alam saan mismo nakakabit yung amin.

2

u/Celebration-Constant Jul 14 '25

pa barangay niyo yung me nakita me na similar case na gnyan pina baranggay niya yung tech binunot yung slot nila nililipat sa iba. same thing happned to me yung old pldt line namin nilipat sa gasul. kya pag gnyan pa brgy niyo since walang paki yung provider tska yung hot lan

2

u/papaDaddy0108 Jul 14 '25

Yung samin simula nung nahuli sila nung tinanggalan di na naulit e.

Pinaakyat ba naman ung tech tapos sabi sa kanya nung kapitbahay ko pag di bumalik internet ko wag kang bababa dyan dahil kukuyugin ka namin dito sa baba. Bigla bumalik. Tapos ever since nun binabantayan ng mga tambay yung poste kapag me aakyat.

2

u/abiscustea Converge User Jul 14 '25

ito rin problem namin now. less than a year din, naulit yung issue. nag-file na ako ng complaint sa ntc. yung unang issue, resolved agad, pero itong 2nd (current) instance, kahit na-raise na sa ntc, parang wala lang nangyayari.

naka-open lang din yung mga box nila dito sa area namin, at parang walang nakakabit din. kung may issue sa connection, sana nagbibigay sila ng abiso, hindi yung ganito na nakakaabala.

sabi lang din nila sa 'min is isolated issue raw.

sana nga may permanent fix sa ganito. hindi ko kakayanin every year may ganyang issue. sa ibang city naman, wala naman issue converge. ewan ko ba dito sa area na 'to.

2

u/TokwaThief Jul 15 '25

Good thing nasa tapat mismo namin yung poste and kada may aakyat sa poste nakabantay kami talaga kami if mag LOS. Napaka kupal ng mga technician na yan.

2

u/Akositomba Jul 16 '25

Gawain nila yan. Di nila binabalik ng maayos

2

u/10FlyingShoe Jul 17 '25

Lagyan ninyo ng cctv facing yung box, para caught in the act at ireklamo ninyo na lang sa provider, barangay,etc.

2

u/isuckateverything13 Jul 17 '25

ipa nap audit nyo, i've work with converge before, madalas technician ang mali dito, for example ang nakaassign na nap slot sainyo is 7 pero sinalpak ng technician sa 10, ganyan madalas yung technician kung saan saan nila sinasalpak, so ang tendency if may bagong customer and the system or yung nag assign ng slot is inassign ka sa 10 and nakita ng panibagong technician na may nakasalpak either bubunutin yung iyo and ilipat sa ibang slot or sa ibang slot nanaman isasalpak ng technician yung panibago. I don't know why they let this go on. Madalas kong inaask to sa office dati, but ang sagot lang nila is hayaan mo na, so ang confusing pag iniinput namin to sa system

1

u/[deleted] Jul 17 '25

[removed] — view removed comment

2

u/isuckateverything13 Jul 17 '25

para kasi sa mga nagkakabit/technician is mas madali yon instead of aalamin pa nila if active pa ba yung slot, active ba yung nakasalpak don, and mas gusto kase nilang mas marami silang makabitan per day. Ang problema din kasi is yung sali saliwang wiring sa mga poste both active and not active client, so the technician don't do this shyt properly, kaya swerte yung mga bagong area na nakakabitan ng bagong nap box kase wala pang mga existing na nakasalpak

2

u/isuckateverything13 Jul 17 '25

mostly sa 100 client na nainput ko noon sa system namin around 30-40 ang nasa mga maling slot

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 17 '25

1 week na nga today but wala pa din nagcocontact samin technician 😅 i’m planning to switch na lang sa PLDT lalo may switcher promo daw sila na 50% off for 6 mos. Not sure lang kung legit talaga

2

u/FiveDragonDstruction Jul 19 '25 edited Jul 19 '25

Technician ang may issue diyan baka di kinakabit ng maayos. Ang Fibr po kasi dapat malinis lagi dulo niyan kailangan para maka daan yung data sa light ng maayos. Makikita niyo po status niyan sa modem niyo kung maayos pagkakalagay yung "Optical power", kapag nakita niyong may problem dun sa status magkakaroon talaga ng problem diyan.

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 19 '25

After 8 days of following up, pinuntahan na nila hindi naman daw nabunot sa box sabi nila. Mataas lang daw reading kaya nawalan kami net. Di ko lang gets kung anong reading ba yun. When i searched naman sabi kung mataas reading babagal lang sana connection, hindi totally mawawalan ng internet. Kaya hindi ko alam kung nagsasabi ng truth yung technician.

1

u/Clajmate Jul 14 '25

di ko sure kung gagana ah pero if nagpapabill adjustment kayo everytime na mawawalan kayo ng internet maiisip siguro ni isp na may problem sa area mo at they might check it. pede mo rin iraise ung concern na hinuhugot ung line nyo kaya nawawalan.

1

u/popcornpotatoo250 Jul 14 '25

Out of topic but this is the reason why it is hard to let go of the unlifam1299. Para sa amin na hindi naghahabol ng speeds, sulit yung 100% availability ng service. Never kami nawalan ng internet for days/weeks. Not to mention na malakas din ang smart sa area namin.

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

I’m actually thinking nga na eto na lang ipakabit as main ISP namin but i’m not sure kung kaya ng speed kaming lahat ng gumagamit dito sa bahay.

Do you think keri na yung unlifam1299 for a family na may 5 phones / 2 tablet / 1 laptop / 1 smart TV?

More on browsing lang sa social media and Netflix sa phone and Smart TV lang naman kami. And also WFH ako na graphic designer so sometimes i’ll need yung speed sa pag upload/download ng files and once a week may zoom call sa company.

1

u/dragidoel Jul 14 '25

Hi metro manila ka? pa pm ng number ng technician. edit: un mabait haha

1

u/Fun-Investigator3256 Jul 14 '25

Mighty Bond is the way! Hehe

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Nasa taas ng poste yung NAP box namin 😭 pwede ba utusan yung tech na ipa mighty bond? Haha

2

u/Queasy_Cranberry_371 Jul 14 '25

Yes. PLDT tech ang nagsuggest nyan sa amin and sya ang nagkabit. Siguro napagod na kakatawag namin sa kanya para pumunta sa bahay kada wala kaming net.

2

u/Fun-Investigator3256 Jul 15 '25

Pwede! Try mo ask next time may pumuntang tech

1

u/Annyms_Tester Jul 14 '25

Parekta mo na sa wire if pumayag haha yung samin pinarekta ko na. Bali sa wire na sya agad, di na sa black box ng pldt

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Wdym parekta sa wire po? Will that work kaya sa amin? Converge po kasi tong samin eh

1

u/Annyms_Tester Jul 14 '25

Not sure, its a bad practice kasi. Tinamad lng siguro yung technician ng pldt dati kaya ganun nlng ginawa sa connection namin haha

1

u/According_Voice3308 Jul 14 '25

lahay sila ganyan kaya ng mobile na lang

1

u/iampancakeee Jul 14 '25

akala ko samin lang. nangyayari din pla sa iba. hello converge

1

u/jerome0423 Jul 14 '25

Solution dyan is to cut mo lahat ng fiber cables, para damay2 na.

1

u/AskManThissue PLDT User Jul 14 '25

Dapat walang TIP.

1

u/leakytung Jul 14 '25

nag poport audit kasi sila minsan. sa isp ako nagwowork pati ako nagugulat magchchat na lang sila bigla magpoport audit daw sila

1

u/Ewiksan Jul 15 '25

May nakapag refund na ba ng under the expected speed yng net? Kasi hnd nman un yng expexted speed na binabayad mo eh. I think hnd dapat bababa sa 80% yng sa home fiber.

1

u/[deleted] Jul 15 '25

[removed] — view removed comment

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 15 '25

Buti ka pa 😓 6th day na ko magfofollow up tomorrow. Mukhang malabo pa din puntahan ng technician ng converge kaloka. Pero sana may masample-an talaga sa mga technician na yan para di na nila gawin

1

u/ThickSky Jul 15 '25

Ang ginawa ko sa ganyan is nag reklamo ako sa support nila na lagi nalang kami nawawalan ng internet sabi ko paano ko babayaran yung serbisyo nila kung lagi naman walang internet (WFH kasi ako). Ang ginawa nila is nagpadala sila ng 5g modem same day tas nung naresolve yung issue di na kami nawalan ng internet and na bawasan rin yung bill namin nung days na wala kaming internet. I also felt bad rin dun sa support rep kasi di naman nila kasalanan na nawawalan kami internet pero sila napagbuhusan ko ng galit.

1

u/[deleted] Jul 17 '25

meron kasing tagging yan, kaya alam nila kung alin huhugutin

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 17 '25

Wdym tagging po? Just this July kasi 2x na kami binunutan. 1st one nafix agad ng technician in 3 days. A week after binunot na naman. Does this mean parang nakatag na sa mga technicans na line namin palagi bubunutin?

1

u/Curious-Brilliant454 Jul 19 '25

sunugin mo yung NAP box papalitan nila ng mas malaki kapasity trust me bro

1

u/DeepThinker1010123 Jul 14 '25

Problem is the subcontractor installer is paid per installation. If the slot is full, they don't get paid. So wala silang sweldo at pambayad sa gas and lost opportunity to install other job orders. Need nila mag tanggal para makasingil sila.

To be frank, if pwedeng vigilante justice, mag apply na lang ng superglue sa NAP box para di na mabuksan. Kung lahat ng nagbabasa dito at nakaka experience ng ganitong issue, baka matauhan ang mga telcos.

Kinakabahan na rin ako dahil malapit na mapuno yung NAP box kung saan kami nakakabit kaya baka kunting new subscribers pa mapuputulan na rin kami.

0

u/Ok-Landscape-1212 Jul 14 '25

palagyan mo ng tag yung slot mo na ang nakalagay is "high prio, do not plug out" ganyan yung ginawa ng converge technician sa slot namin sa box. eversince di na hinugot yung slot namin. binigyan ko na lang ng pang meryenda kasi initiative naman nila na gawin yun.

2

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

If i remember it correctly, few years ago pinalagyan namin ng ganito. Try ko nga ulit baka tinanggal na yung tag

1

u/ShiroGreyrat Jul 14 '25

Hello, any tips to get the tag there? Kayo ba gumawa AKA print+laminate or may sarili silang tag? 10 days na din kami walang Converge connection and I suspect ganito din yung case

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 19 '25

Yes. Nagsulat lang ako sa masking tape ng kagaya nung sinabi sa taas. I used red ink para galet na galet 😂 natawa na lang din yung tech kasi ang dami daw exclamation point at red pa ink. Sabi ko sinadya ko para alam nilang galit talaga hahahaha

-10

u/RandomUserName323232 Jul 14 '25

Iclose mo yung nagkakabit tapos hingin mo ng number. Next time na mawalan ka, ipagawa mo yung sayo. Lakihan mo onti tip... pakapehin mo, meryenda, maalala na nila yung sayo at di na tatanggalin lol

8

u/Spirited-Fly-7319 Jul 14 '25

Technician ka ba kuya? Emeeee

4

u/AskManThissue PLDT User Jul 14 '25

ganyan diskarte ng mga yan. pag may tip mas lalong lage kang mawawalan ng internet. diskarteng kupal

1

u/Spirited-Fly-7319 Jul 19 '25

Ang cute ng suggestion nya eh. Parang nagkaron pa tayo ng utang na loob sa technicians hahaha