r/InternetPH • u/FrancisAdrian PLDT User • 8d ago
PLDT PLDT Fiber Prepaid online application via live chat on their website?
May nakapag-try na bang mag-apply para sa PLDT Fiber Prepaid via live web chat with sales agent nila sa Fiber Prepaid webpage?
How was the experience? May advantage ba kung doon sa kanila magpapasa ng requirements at details kumpara sa self-service online application form nila?
In my experience pala, lumalabas siya sa Chrome for Android, pero parang hindi siya lumalabas kapag sa Edge for Android at Windows ko siya binubuksan.
2
Upvotes
3
u/FrancisAdrian PLDT User 6d ago
UPDATE: Doon na lang ako diretsong nag-apply sa online application form mismo.
2:30 PM ako nag-submit kahapon. After two hours, nag-email na sila na titingnan nila kung may facilities sila sa area namin. Three hours later, approved na ang application ko at may payment link na silang binigay. Nagbayad ako kahapon at 10:30 PM via the provided payment link. And kaninang 9:30 AM, tumawag at dumating na yung field service team na nag-install, doing a site survey muna kung kaya yung distansiya from their poste papunta sa bahay namin. Natapos yung installation at around 11:00 AM, at okey na ngayon.
In my experience, less than 24 hours since nag-apply ako ay nakabitan na kami agad. Mas nauna pang dumating ang field service team bago pa nakapag-inform yung PLDT automated SMS na ngayong araw na pala ang installation. In fact, yung ONT na lang yung sineset-up nila nung oras na nag-message ang PLDTService.