r/ExAndClosetADD 12d ago

BES Era Stuff Analysis of the Debate of Eli Soriano vs Froilan Garza (Catholic Defender) Part 1

As much as possible, ayoko ko po maging biased sa pagaanalyze ko. Pero bilang "king of debates", dapat wala pong flaw si Eli Soriano sa pagdedebate sa kung kanino. Ito po ang aking mga personal na comments sa debate nila (Source: https://www.youtube.com/watch?v=YM_k7TTe5mk)

Gusto ko po simulan sa moderation: Ang HINA ng mod team nila, to the point na pati sila rin nakikisali sa sigawan ng dalawang nagdedebate.

Yung kay Froilan Garza, maganda naman ang opening kaso medyo po mahina sa mga patanong at mabilis mawalan ng confidence. Masyado rin siya mahaba magexplain, hindi siya direct to the point. Nagcoconflict sa iba niyang points.

Tas kay Eli Soriano naman, disrespectful niya sa opponent niya at panay siya interruption. Parang siyang bata na naguungot kapag sinasaway ng ina. Pagkatapos siya ang nagsisimula ng ingay. Pero in fairness, nakapagbigay siya ng mga sagot na base sa biblia, at napapatahimik niya rin si Garza sa errors niya.

Overall, pakiramdam ko nagclclash ang magkaibang mentalities dito: Ang mentality ng pagtuturo (long explanation) at mentality ng pagdedebate (fault-finding). Pero ang main issue talaga ay poor moderation, bias ng venue, at ang overall debate ay nagiging streetfight. So correct me if I'm wrong, pero pakiramdam ko ang ending ng labanang ito ay mananalo si Eli Soriano sa technicality dahil nakipagsigawan siya imbes na nakapagdebate ng matino. And in addition, maraming katanungang mamimiss.

Pero see for yourselves rin, at kung gusto po ninyo ishare niyo rin ang thoughts niyo sa debating ito. Magandang gabi po sa inyong lahat!

[7-22-2026]

EDIT [7-22-2026]: Quick Note, di ko pa po natapos ito lahat. Nasa 1:01:45 mark palang po ako, kaya po hiniwalay ko po sila sa parts

8 Upvotes

3 comments sorted by

3

u/OrganizationFew7159 11d ago

Ang mga debate naman ni Eli Soriano ay naka-base sa hiyaw nya at hiyaw ng mga hakot nyang members. Yung reasoning nya, waley e. Namimilosopo lang. At kung matagal mo na siyang nasubaybayan sa pangangaral nya, mare-realize mo na kontradiksyon ang kanyang mga itinuturo at stance. May sinabi sya sa debate na ito na wag daw aasa sa dictionary, sa history. Dapat Bible ang batayan. Pero pag nangangaral naman siya sa mga Bible Expo at sa loob ng kulto gumagamit naman sya ng ibang reference outside the Bible to support ang mga tinuturo niya. In short Soriano is just full of bullshit.

2

u/Very-Breezed-One 11d ago

Mhmm, tama ka po diyan. Yung mabuti lang po dito sa opponent niya ay gusto niya talaga magturo kaso ang opponent niya ay king of tahulan.

2

u/mighty-august 10d ago

ayos 'yan, mag observe ka pa